Chapter 5

83 10 0
                                    

Kyle Pov

Nandito na ko ngayon sa loob ng classroom. Buti di naging mahirap ang paghanap ko dito. Tabi-tabi lang kasi ang mga classroom dito. Magkaiba ang building ng Grade school, jhs, shs tsaka college. Hinihintay ko yung kaklase ko ng grade 10. Pareho kasi kaming kinuhang strand and also same kami section.

Ang weird sa feeling kasi senior highschool na ko, dalawang taon lang college na, grabe ang bilis lang jusko ko parang dumaan lang yung araw tapos college na ko agad. Hababg nagmumuni-muni dahil ako palang ang tao dito, biglang dumating ang ibang mga kaklase ko. Siyempre, hi/hello muna kasi nagkaka-ilangan pa.

Maya-maya dumating na si Thea, ang kaklase ko noon. Di kami close noon pero malay natin, ngayong school year diba?

"KYLE!!! OMG DITO KADIN. BUTI NAMAN MAY KASAMA AKO DITO AAAA!" Patiling sabi nito sakin

"Gurl, ang sakit mo sa tenga ha, di ka padin nagbabago HAHAHAHA. Buti nga may kasama ako dito kahit papano ang awkward ko na dito kasi ang tahimik ko dito." Saad ko sa kanya.

"Don't worry gurl, nandito na ko may makakasama ka na here." Sabi nito sakin.

Dumating naman yung mga nakachat ko sa messenger. Sila Resse tsaka Kiara. Sila yung unang nagapproach sakin. Inaadd nila ako sa facebook and bwala~ Friends na kami HAHAHA.

"Hi kyle!, ang aga mo naman dito. early bird masyado." Sabi ni kiara sakin.

So base sa instinct ko sa kanila. Si kiara yung matalino pero kalog, like makakavibes mo siya ng sobra. Chill lang sa buhay tapos mabait pa. Si Reese naman, siya yung matalinong tahimik, like kakausapin ka lang pag may itatanong ganon, tapos nasa loob yung kulo. Tahimik lang pero sasabog na sa galit ganon.

"Malapit lang naman yung bahay namin dito gurl, kaya early bird talaga hahaha." Sabi ko sa kanila.

"San pala kayo nakaupo? Para tabi-tabi na lang tayo."
Saad ni kiara.

"Eto, dito lang sa unahan. Dito na lang kayo." At tinuro yung katabing upuan ko. Sakto dalawang upuan din yun.

At umupo na nga kami. Madami pa kami nagpausapan, at sa narinig na lang namin yung bell. Nagobserve ako sa loob ng classroom. Konti lang kami kumpara sa mga nakita ko kanina. Mga 30+ lang kami dito, di ko alam if may late pero konti lang kami sa ngayon.

Dumating na yung teacher namin sa first subject. General Mathematics yung unang subject. Maganda si maam, medyo maliit lang. Palagay ko mga nasa 28 na si maam base sa itsura niya.

"Good Afternoon GAS-A1!." Pagbati samin ni maam.

"Good Afternoon Maam Limoico!" Medyo nahiya ako kasi parang ako lang yung may kilala sa kanya.

"Oh, di niyo ba tinignan yung sched niyo. Buti pa siya alam niya. Ano ba ang pangalan mo?" Tanong ni maam sakin.

"Kyle Tuazon po maam" Sagot ko kay maam.

"Very Good. Mr. Kyle! At least merong attentive sa class ko." Sabi ni maam samin.

"Kagaya sa sched niyo, ako ang magiging teacher nito sa General Mathematics subject niyo, and at the same time, ako din ang adviser niyo. Bago ako pumunta dito, nakatanggap kami ng notice galing registrar na pumili na kami ng Class Officers sa mga adviser class namin. So yun na muna ang gagawin natin. Hindi muna ako magtuturo dahil need daw ito para magbotohan sa SC (Student Council) ng school."
Mahabang saad saamin ni maam.

"Open for President Position. Anyone? Sino ang inonominate niyo?" Sabi ni maam samin.

Nagtaas ng kamay si Kiara. "Maam, I nominate, Kyle Tuazon for president." Saad ni Kiara.

HAAAAAAAAA?!!!!!

**********
Hello Readers! Narito na po ang update. Sorry if lame to, kakagising ko lang kasi and inayos ko na to. Ayoko na kasi sa madaling araw magayos. Oh diba, baliktad tulog ko HAHAHA gising ako lagi sa madaling araw. Baka bukas pala di ako magupdate kasi may lakad ako tomorrow. Keep safe sainyo palagi and Godbless!!

a not your typical love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon