5am ng umaga ng magising ako. Maaga akong gumising dahil excited akong pumasok sa school kung saan ako magmamasteral ng course ko. At pinili ko ding school ang school kung saan nagaaral si alex at xander.
Bumaba na ako sa kusina at wala pang tao kaya nagluto nalang ako ng breakfast marunong naman na kung magluto dahil nasanay na ako sa paris. Nagluto lang ako ng tocino at hotdog at naglagay ng mga tinapay sa plato.
"Sophie Bakit ang aga mo?"-mama
"Nasanay na po kasi akong gumising ng maaga sa paris kaya ang aga kong nagising tara kain na po tayo." sabi ko kay mama habang inaayos ko ang mga plato sa lamesa
"hmmm. mukang masarap yan aa. inpernes nak di sunog hotdog mo ngayon" pagbibiro ni mama habang kinakain yung hotdog na niluto ko.
"mama naman e. si kuya nga po pala bakit di pa gising?"
"mamaya pa pasok non kaya mamaya pa gising nya"
Kumain na kami ni mama nagkwentuhan lang ng kung ano ano. Naligo na rin ako at ginawa ang morning rituals ko. Ready na kung pumasok at ready na kung magulat uli sila.
"Ma alis na po ako" pagpapaalam ko kay mama
"Hindi ka ba susunduin ni liam?"
"magkita nalang daw po kami sa school mamaya sige ma alis na po ako"
Nagdrive na ko papuntang state university. after 30 minutes ay nakarating na ko malaki ang school at halatang mayayaman ang mga studyante dito . madaming high class students ngayon dito. at di din mawawala ang mga nerd students pag nakikita ko sila na aalala ko ang dating ako.
Hinanap ko na ang section ko. Habang naglalakad ako ay nakatingin sila sakin lalo na ang mga boys, bighaning bighani sila sa kagandahan ko. at ang mga babae naman ay alam kung sinasaksak na ko sa isip isip nila.
Pumasok na ko ng room ko nakita agad ng mata ko si Xander nagkatinginan kami agad nyang iniwas ang mata nya sakin . ang cold ng mga tingin nya sakin. Well isa na nga lang pala akong past sa buhay nya kaya di nya na ko kailangan bigyan ng masayang tingin. Naghanap ako ng vacant na upuan pero sa kasamaang palad ay wala ng upuan na bakante kundi sa tabi ni Xander. Wala akong ibang magawa kundi ang umupo nalang doon bago ako umupo tinignan ko muna si liam at ngumiti lang sya at nakita ko namang nakasibangot si alex. Bago ako umupo ay tumingin muna ko kay xander tingin na parang nagpapaalam na kung pwedeng umupo nag nod lang sya kaya umupo lang ako. Besides i dont feel anything for him naman na kaya his presence will not affect me.
"good morning class" pag bati samin ng teacher namin.
"ok since first day of school ngayon ay magpakilala muna kayo isa isa. pero hindi typically magpapakilala lang magiiwan kayo ng isang sayings or quotation ok simulan nyo na"
Nagpakilala na isa isa ang mga classmates namin isa isa ay may magagandang saying na sinabi lahat makahulugan, tapos ng ang iba at turn na ni alex kaya pumunta na sya sa harapan
"Alexandra Chua sana maging close tayong lahat" nakangiting sabi nya sa harap.
"fight for your love" sabay tingin nya sakin halatang sakin nya ito pinapatama. Lumakad na sya papunta sa seat nya bago sya umupo ay tumingin muna sya sakin at binigkas muli ang fight for your love sophie .
"next" sabi ng teacher namin
Lumakad na si liam papuntang harapan kaya yung iba naming classmates na babae ay akala mo kamatis ang mga muka ng dahil sa kakiligan di naman kasi maitatanggi na gwapo si liam, matalino, at matipuno pa.
"Liam Espiritu sana maging close tayo" sabay ngiti nya na lalong nagpakilig sa mga babae
"Mahirap magmahal lalo na kung ang mahal mo ay may mahal na iba" Pagkasabi nya nun ay umupo na sya napakakahulugan ng iniwang salita ni liam inlove na ang bestfriend ko.
Ako na ang sumunod kay liam kaya with poise akong naglakad sa harap hindi ako papatalo kay alex
"Sophie Monteclaro" Sabi ko at binigyan ko sila ng napakagandang ngiti. Bago ko sabihin ang katagang iiwan ko ay tumingin muna ko kay alex
" Ang ahas at tangang gurilya ay hindi lang makikita sa zoo. Dahil yung iba dyan nasa paligid nyo lang" ngiting ngiti kong sabi nagsi palakpakan naman ang mga classmates ko nakita ko naman ang sama ng tingin ni alex sakin hanggang pagupo ko ay nakatingin sya. at si xAnder naman ay wala paring emosyon ang muka hanggang ngayon.
"nakakatawang kataga mrs. Monteclaro next the last" sabi ng teacher namin
Lumakad lang sya sa harap. Ang laki parin na katawan nya ang gwapo parin nya wala syang pinagbago. Nung napadaan sya sa harap ko naamoy ko ang pabango nya di nya parin pinapalitan yung pabango nya. Ganun parin ang amoy nya
"Xander Martinez" poker face nyang sabi napakacold nya
"Ang paglelet go na taong mahal mo ay ang pinaka mahirap sa lahat" nakatingin sya sakin habang sinasabi nya ang qouts na yun. Xander bakit ka ganyan pinahihirapan mo ko!urgh! Pero sophie kagaya nga bg sinabi mo kanina his presence will not affect me.
Ilang beses kung iniisip ang mga sinabi ni xander napakamakahulugan ng sinabi nya. Kaya buong klase ay lutang ang isip ko kakaisip sa kanya. Xander pinahihirapan mo ko!grr! pero ayoko magpadala sa pagmamahal na yan nagawa mo na kung saktan dati kaya hindi malabong pwedi mo uli yung gawin. Nandito ko para paghigantihan ang ginawa nyong pangloloko sakin. Dapat yun ang isipin ko.
"Shopie tara lunch na tayo" nagulat ako ng biglang magsalita si liam sa harap ko.
"hoy tara na kanina ka pa lutang dyan"
"tara"
Naglakad na kami papuntang cafeteria.As always lagi nanaman tinitignan ng mga babae si liam
"Li dudukutin ko na mga mata nyan ha" pagbibiro ko kay liam kasi wagas na makatingin yung ibang babae sa sakanya para seniseduce na sya ew!
" Yaan mo sila tara na. Nagseselos kapa"
"eeeww!Li kilabutan ka nga sa sinasabi mo"
Tumawa lang sya at Pumasok na kami sa cafeteria ng school umorder lang ako ng burger at tubig wala kasi akong ganang kumain.
"oh. Look whos here, Ang mahaderang ilusyunadang nerd na gumanda lang ng onti ay ang yabang na" Pagpaparinig ni alex sakin. ako lang naman ang pinatatamaan nya kaya humarap ako sa kanya
"oh hi looks whos here din! ang babaeng mas masahol pa kay valentina, Ang babaeng ahas!" nakangiting sabi ko sa kanya halatang naiinis na si alex dahil namumula na ang tenga nya . sya ang nagumpisa kaya sinasabayan ko lang
"ako pa ang ahas, just accept the fuck sophie na di ka na nya mahal isa ka lang sa laruan nya kaya walang saysay ang pagbabago mo. At talagang sinunda mo pa kami ni xander dito ha desperada ka talaga!" akmang sasampalin nya na ko ng pigilan ko ang kamay nya.
"don't you dare to touch me desperada? are you describing your self?!" sabay buhos ko sa kanya ng iniimon na sprite ni liam nagulat naman sya sa ginawa ko.
" Minsan try nyo painomin yan ng sprite para magpakatotoo. At wag na wag mong idadampi ang mga kamay mo sa maganda kong muka dahil sisiguraduhin kong hindi lang yan ang matitikman mo"
Nagulat naman sya sa ginawa ko pati narin si xander na kararating lang
"Eto ang pakakatandaan mo Alex nagsisimula palang ang laban kaya if i we're you , Im gonna prepare my self"
Sabay alis ko sa harapan nya.
Hi Alex and Xander meet the new me. Im ready for my revenge.
----
Hi. Sorry po sa typos at wrong grammar ieedit ko nalang po yan soon
SALAMAT .
BINABASA MO ANG
The Revenge
JugendliteraturHanda na kong lumaban. Handa na kong makipagsabayan At Handa na kong makita uli ang mga taong naging dahilan kung bakit ako nagbago. Im ready for my sweet revenge! -shopie monteclaro.