2.Nice too see you again

38 0 0
                                    

Its Sunday morning at wala akong ganong gagawin ngayon mamaya pa kasi ang lakad namin ni liam mamasyal kasi kami mamaya namiss kasi namin yung dati naming mga pinaggagawa dito sa pilipinas.

I decided na mag exercise nalang sa village. Nag suot lang ako ng pangexercise na damit at ready to jogging na .

"Ma magjojogging lang po ako sandali ha" pagpapaalam ko kay mama.

" sige di ka ba muna magbebreakfast?"

" busog po ako maybe later nalang po"

Lumabas na ako ng bahay . ang daming nagbago sa village na to . yung mga dating swing sa park bago na ang mga kulay at dumami pa ang mga laruan para sa mga bata . Napagod na ko sa pagjojogging kaya naman  umupo muna ko sa isang bench sa park.

*cling*cling*

tunog ng nagtitinda ng icecream. Naalala ko nanaman tuloy nung panahon na  kami pa . Icecream ang pabiritong kainin namin at dito rin kami madalas bumili non at umupo.

I decided na bumili muna ng tubig dahil kanina pa ko nauuhaw. Naghanap ako ng tindahan at kung susuwertihin ka nga naman sa makikita mung bumibili.

" ate coke nga po" i said sa tindera mukang nagulat naman sya nung nagsalita ako sa tindera habang bumibili sya nagkatinginan kaming dalawa pero binigyan ko lang sya ng napakatamis na ngiti. ngiting dati ay binibigay ko lang sakanya dahil sa pagkakaibigan namin. pero ngayon iba na.

"So-sophie?" utal nyang sabi halatang nagulat sya na nakita ko muli. Ako din naman nagulat na makita muli sya ang kaibigan kong ahas. Hindi ko inaakala na makikilala nya ko dahil ibang iba na ang itsura ko sa dating ako.

"Yes?" nakangiting sagot ko sa kanya. Yung bang ngiting bitter sweet.  basta any way.

" Nakabalik ka na pala. kailan pa.? and you've change a lot" she ask. tinatanung pa nya kung kailan halata namang ayaw nyang makita ako muli.

"Kahapon lang. " walang gana kung sagot sa kanya.

"maam ipaplastic ko po ba coke nyo?" pagsingit ng tindera sa usapan.

"No need coke in can nalang. maging mapagmahal tayo sa kalikasan" sabay tingin ko sa kanya. Nanlisik naman ang mata nya . sige alex mainis ka lang dyan ako ginaganahan. Naguumpisa palang ako.

"sige i need to go na ha. Nice to see you again ex bestfriend."

sabay umalis na ko dun. Priceless ang itsura ni alex nung sinabi ko ang salitang yun. Di ko lubos maisip na dun pa kami magkikita.

Ang tagal na panahon ng muli kaming magkita. Naalala ko tuloy yung mga panahon na dati ay super duper close kami ni alex para na kaming magkapatid . Lahat ng secret namin sa isat isa sinasabi namin lahat ng pangyayari sa buhay namin alam namin . Pati na din noong naging boyfriend ko si Xander halos lahat alam nya . Lahat ng sweet moments namin alam, masaya sya para samin pero akala ko lang yun .  akala ko alam ko na ang lahat sa kanya pero hindi pala may gusto pala sya kay xander. pero ayaw nyang aminin dahil bestfriend nya ko . pero when that thing happens inahas nya parin ang boyfriend ko na alam nyang mahal na mahal ko. Kaya eto ko ngayon nagiisip ng paraan para makapaghiganti sa kanya at sa magaling kong ex.

Nakauwe na ko sa bahay mga bandang 9 am. nagbreakfast muna ko at umakyat sa kwarto ko. Wala akong magawa kaya nagbukas nalang ako ng facebook.  i check her account at in a relationship sya kay Alex Chua . ow well ang tatag nila sila parin pala hanggang ngayon . umaayon talaga sila sa plano ko. Ang dami nilang picture sweet picture na magkasama . Aaminin ko nasasaktan parin ako. pero kailangan kong maging matapang at hindi magpadala sa emosyon ayokong masayang ang pagbabagong ginawa ko sa paris dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Patuloy parin ako sa patingin ng picture nila ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Liam calling.....

"hello Li?"

"Shopie i remind lang 7 pm tayo magkikita" he said.

"ok. excited neto. sige bye na" and i ended the call . Ganon na pala ko katagal ng pag iistalk sa kanila at di ko namalayan ang oras its already 5:30 pm. i have 1 hour and 30 minutes to prepare. namili lang ako ng isang floral dress na bagay sakin at nilugay ang buhok ko. 

6:30 na ko umalis sa bahay nadrive na kong magisa dahil di daw ako mahahatid ni kuya. marunong naman ako magdrive isa kasi sa pinagkaabalahan ko sa paris ang pagdadrive typically hindi lang pag dadrive nag dadrag race din ako.

Habang nagdadrive ako ay na saktohan kung na red ang spotlight kaya kailangan kung huminto napatingin naman ako sa katabi kung sasakyan. Kilala ku tong sasakyan na to di ako nagkakamali . Bumusina na ko sign parang nagaaya ng karera mukang nakuha naman nya ito at bumusina uli.  Ayokong ibaba ang salamin ng kotse ko dahil ayoko pang makita nya ko hindi pa ito ang panahon. Binaba nya ang bintana ng kotse nya di nga ko nagkakamali sya ito nakita ko na uli sya.

Nag green na ang spotlight at sign narin ito para umandar pinaandar ko na agad ang kotse ko halos magkadikit lang ang sasakyan namin marunong din kasi syang magdrag race pero hindi ako magpapatalo. Nakaautomatic ang kotse ko. Walang sasakyan sa paligid kaya ang lakas ng loob namin magdragrace ng ganiting oras pinaandar ko ng mabilis hanggang sa maiwan ko sya.  Huminto na ako sa parking ng isang mall at nagpark narin sya.Bumaba na sya ng sasakyan nya at sumandal sya dito.akmang hinihintay ang paglabas ko .

Ito na ba ang oras? magpapakita na ba ko uli sa kanya? Hindi na ako ang dating sophie kaya dapat ko na syang harapin . Handa na kong harapin sya at makita nag reaksyon nya sa pagkakita sakin . Inayos ko muna na sarili ko at lumabas na ko ng kotse. Halata sa mga mata nya ang pagkagulat na isang babae nag nakatalo sa kanya at mas nakakagulat na sa dinamirami ng babae eh ako . Lumakad ako papunta sa direksyon nya at tumayo sa harap nya.

"drag racing? better meet your coach. nice too see you again Xander Martines "

------

kamsa~

The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon