Part 2

1.2K 6 0
                                    

------

"O, bakit parang ang haggard mo Gus? Ngumiti ka nga. Lalo kang pumapangit eh." pambungad ni Ate Tess.

Sinulyapan ko lang sya bago pumasok sa workroom. Wala akong lakas para sumagot sa kanya. O makipagbiruan.

Naabutan ko si Ate Jera na nagliligpit ng gamit nya sa isang malaking bag.

"Hi Gus. Pasensya na ha at aalis ako ng maaga. Ang Kuya Badong mo kasi, nagmamadali masy─ bakit parang ang lungkot mo?"

"Jera! Kausapin mo nga ang batang yan! Nakalukot ang mukha. Nadadagdagan ang kapangitan nya!" sigaw ni Ate Tess mula sa counter.

"Tumahimik ka nga Tess! Ingay mo. Nabibingi na ako." saway ni Ate Jera.

"Shatap ka rin!" tuluyan ng pumasok si Ate Tess sa workroom.

"Bakit kasi parang sobrang stressed ka? Eh nagbunot lang naman kayo ng damo saka nagwalis." kunot-noo nyang tanong sakin.

"Wala ho." sagot ko.

"Anong wala? Tapos matamlay ka pa. May sakit ka ba?" pangungulit ni Ate Tess.

"Hayaan mo na ang bata, Tess. Dinadagdagan mo pa ang pagod nya sa katatalak mo eh." saway ni Ate Jera.

"Ate Tess, balik ka na po sa counter. Baka may costumer na naghahanap duon ng staff." sabi ko.

"Hay naku. Sya sige, balik na ako. Pero ngumiti ka Gus ha. Para kahit papano gumwapo ka naman ng konti."

"Alis na Tess!" tinulak sya ni Ate Jera palabas ng pinto. "Gus, sabihin mo lang kung kailangan mo mag focus sa school ha? At wag kang nagpupuyat ng husto."

"Ok lang ako Ate Jera. Sige na po, nandyan na si Kuya Badong oh." ngumiti ako sa kanya.

Ako na ang nagdala ng malaking bag ni Ate Jera papuntang harap ng shop. Naghihintay ang asawa nya na si Kuya Badong doon sa lumang sasakyan nila.

"Ingat po kayo." paalaam ko.

"Gus, mauna na kami. Salamat ha."

Inayos ko muna ang mga nakadisplay na potted plants sa labas ng shop bago pumasok sa loob. Busy naman si Ate Tess sa kaka-arrange ng mga bulaklak kaya hindi ko na sya inistorbo.

Napaupo ako sa loob ng workroom. Nakatingin ako sa iba't-ibang kulay ng wrapping paper; wala sa sariling hinahagod ang kanang galanggalangan.

( A lil help here. Galanggalangan nga ba ang wrist? O pulsohan? )

Bakit daw mukha akong pagod? Ayaw ko lang sabihin kina Ate Tess at Ate Jera ang dahilan. Nakakahiya kasi.

Ayokong sabihin na ang dahilan kung bakit matamlay at pagod ako ay dahil nilabasan ako kanina.

Sa kamay mismo ni Boss Hunter.

~flashback to 30mins ago~

“Meet my middle finger and fuck off!”

Pinagdasal kong lamunin ako ng lupa ng mga sandaling iyon. Nang dahil sa galit, saglit kong nakalimutan na ang halimaw na si Hunter Pineda ang kaharap ko.

Babawiin ko sana ang pagkakataas ng middle finger ko pero bigla itong hinawakan ni Hunter. Namilipit ako dahil sa sakit.

“Ano’ng sabi mo? Pakiulit nga…” nakangiti nyang utos.

Nakakapaningdig-balahibo ang ngiti nya. Yung tipong isang maling galaw lang ay magiging kasaysayan na lamang ako.

"W-wala akong s-sina─ araaay!"

Napaigtad ako dahil sa sakit ng pagkakapilipit nya sa daliri ko. May balak ata syang baliin ang buto ko eh.

"Ang sabi ko, repeat what you said just now..."

Meet My Middle FingerWhere stories live. Discover now