*******
Matagal akong nanatili sa lugar kung saan naibabalik ang balanse ng magulo kong emosyon. Sa loob ng apat na sulok na iyon ay malaya akong nakakapag-isip.
All my senses are heightened, my concentration absolute — this is the most powerful version of myself.
Ang sensasyon ng rumaragasang tubig sa aking katawan ang nakakapagpakalma sa akon; tanging sa tubig ko lang makakamit ang kalayaan.
Kapag nasa tubig ako, pakiramdam ko’y kaya kong harapin lahat ng pagsubok and conquer them without a doubt.
Kapag nasa tubig ako—
“Wow, 26.33s. Ang galing mo talaga boss! Habang tumatagal, mas bumibilis ka!” sambit nya nang tanggalin ko ang goggles ko.
Sa isang iglap ay biglang gumuho ang aking concentration. Sa isang iglap, ang kalmado kong emosyon ay naging magulo.
The world is so unfair. Bakit ba may mga taong kayang guluhin ang puso’t isipan natin just by uttering a few words?
Nakalahad ang palad ni Gus, tila naghihintay na abutin ko iyon upang matulungan nya akong umahon mula sa pool.
Pinagmasdan ko ang mukha nyang natatamaan ng ilaw na nirereflect ng gumagalaw na pool water, highlighting all of his impurities.
Marami na namang namumulang bagong tubo na pimples, while others ay may nana pa at nagbabadyang pumutok.
Yung iba naman, nangingitim na. I’m pretty sure mag-iiwan na naman iyon ng panibagong marka sa mukha nya.
Ang nakaka-amaze pa, sobrang oily din ng mukha nya. Yung tipong nirereflect din nito ang lights na nirereflect ng pool sa mukha nya?Yup, ganun ka-oily.
“Boss, di ka pa ba aahon jan?” tanong nya, jolting me out of my observation mode.
Walang anu-ano’y biglang kumunot ang noo ni Gus. Patay, nahalata atang nag-aaral na naman ako ng geography.
At mukha nya ang ginawa kong mapa!
Papano ba naman, may burol, bulubundukin, bundok, at bulkan pa. Malamang pati PHIVOLCS ay magkakainteres sa mukha nya eh.
“Kung gusto mong magpakasirena, bahala ka. Basta ako, uuwi na’t gutom na ako!” aniya sabay talikod.
“Hey, hey! Eto na, aahon na!” ngunit nagwalk-out lang sya.
“Ahem! Nasaan nga ba yung wallet at gamit mo? That’s right, nasa kotse ko. Don’t tell me maglalakad ka pauwi...?” nakangising tawag ko.
Nahinto sa paghakbang si Gus, napagtanto siguro na naiwan lahat ng gamit nya sa kotse ko kaya imposibleng makauwi sya.
Ngingisi-ngisi lang ako nang nagmartsa sya pabalik sa kinaroroonan ko at walang imik na inalok ulit ang kamay nya.
Kunwari lang na hinila ko iyon para naman sabihing naappreciate ko effort nya. Sa gaan ba naman nya, mamaya bumulusok kami pabalik sa tubig eh.
Pagkaahon ko ay inihampas — este, inabot — nya sa dibdib ko ang towel na sya namang ipinampunas ko.
“Maraming salamat po!” halakhak ko.
Bigla na lamang nyang inabot ang abs ko at walang pakundangang hinaplos. Sa gulat ay muntik na akong mapatalon pabalik sa pool.
Ang init ng palad nya, like flames licking my cold skin.
“Kakainggit naman. Kelan pa kaya ako magkaka-abs?” wala sa sarili nyang tanong.
“Timang, di ka magkaka-abs kung uupo ka lang at mag-aaral buong maghapon.” tinampal ko ang kamay nya.
Sino’ng nagsabi sa’yo na pwede mo akong hipuan ng harap-harapan?!