- - - - -
The weather is heavy, and so is my heart...
Tulad ng daluyong na namumuo sa aking dibdib, lumilikha ng delubyo ang malakas na buhos ng ulan at ang hanging kaakibat nito.
Palagi kong hinihiling na makita si kuya tuwing birthday ko at simbang gabi. Kahiya-hiya mang aminin, napagdiskitahan ko ring magwish kay Santa Claus kahit alam kong hindi naman sya totoo.
Sampung taon ang lumipas bago kami nagtagpo. Tulad ko, malaki ang ipinagbago nya. Mas lalo syang gumwapo, naging artistahin ang dating, at sa tikas nya ay hindi maipagkakailang marami ang nagkakandarapa sa kanya.
May kabutihan ba akong nagawa para pagbigyan ng Diyos ang aking hiling? Siguro ang lahat ng ito ay dahil nakilala ko ang isang tao.
The weather is heavy, and so is my heart? Balutin man ng kadiliman ang mundo, hindi nito maiaalis ang liwanag dala ng sayang bumabalot sa aking puso.
All because of one person...
“Gus? Gustavo? Gussie?” tawag ko sa kadiliman.
“Mmm..?”
“You awake? Usap tayo.”
“Ay hindi, naghihilik na ako.” sarkastikong tugon ng impaktong katabi ko.
Mag-aalas onse na ng gabi kung kaya’t nagpasya kami ni Gus na umakyat sa kwarto nya. Dinig namin ang masayang pag-iinuman nina auntie Hermie at mga bisita nila.
Na-corner ako ng Kuya Badong kanina at niyayang magshot. Tatanggi pa sana ako dahil matagal na akong hindi nakainom pero nakita ako ni Auntie Hermie kaya di ako nakaiwas.
Nakailang baso rin ako bago sila inawat ni Gus saka ako itinakas. Malakas daw uminom ang mga iyon at baka umaga na ay di pa ako tantanan.
Si Kuya Brix naman ay kanina pa nakauwi. Sumaglit lang pala sya para batiin si Gus at ibigay ang regalo nyang lava lamp (na ngayon ay nasa bedside table nya) bago umalis dahil may importante pa syang aasikasuhin.
Nag-exchange din kami ng contact info saka nagkasundong magkikita sa makalawa para maghangout. Syempre kasama namin si Gus.
Ibinaling ko ang tingin sa lalaking balot na balot ng kumot. Daig pa nya ang suman sa higpit ng pagkakabalot nya dito. Tanging ulo lang ang nakalitaw sa kanya.
Nainis ako ng slight. Ni hindi man lang nya naisip na magshare ng kumot. Palagay nya sakin balat-kalabaw na hindi nilalamig? Sa inis (dahil di nya ako pinapansin) ay idinantay ko ang hita sa kanyang balakang bago sya niyapos ng mahigpit.
“Haa! Aray ko boss, alis ka nga! Ambigat mo…” reklamo kaagad nya.
“Suplado mo ngayon ah, may regla ka ba?” pang-aasar ko.
“Boss, di po ako nagsusuplado. Ang sakin lang, nabibigatan ako sa inyo. Kaya kung may konting awa pang natitira jan sa puso mo, pwede po pakialis na?”
“Yoko nga, nilalamig ako timang. Damot mo sa kumot, kaya magtiis ka.”
“Boss, seryoso po ako. Naiipit na ako eh.”
Nagbingi-bingihan ako sa mga protesta ni Gus. Maganda ang mood ko ngayon kaya kahit isultuhin nya ako ay hindi ako maba-badtrip. Saka nag-eenjoy ako kapag nakikitang naiinis sya.
Sinubukan nyang magpumiglas, ngunit dahil sa pesteng kumot, hindi sya makawala. Nagmukha tuloy syang uod na nangingisay.
“Hunteeeerrr!”
“Sshh, ingay. Pa ayaw-ayaw ka pa, nag-eenjoy ka naman kapag nakadikit ako sa’yo.”
“Nag-eenjoy mukamo! Alis na please? Di ako makahinga.” pagpapatuloy nya.