Part 6

556 7 0
                                    


- - - - -

“Wow, may balak ka pa palang umuwi?”

Hindi pa man ako nakakaapak ng bahay ay sinita na kaagad ako ng malaking aso na nakabantay sa pintuan namin. Hindi ako makasagot; ni ang tumingin sa mata nya ay hindi ko magawa.

“Saan ka galing?” hinarangan nya ang pagpasok ko.

“Boss, pwede po papasukin nyo muna ako? Malamig dito eh, saka pagod ako.”

“Sagutin mo’ng tanong ko.”

“Jan lang sa tabi-tabi.” umikot ang mata ko.

Matalim na tingin ang iginanti ni Hunter. Nakaramdam ako ng inis. Bakit ba parang galit sya? Hindi ako nainform na may bago akong tatay.

Payapa ang gabi. Tanging ang pagaspas ng dahon, huni ng kuliglig, at kahol ng aso ang maririnig. Ilang oras na ang nakararaan nang tumila ang ulan.

Kagagaling ko lamang sa shop dahil inarrange ko pa ang mga halaman. Ako na rin ang nagsara noon matapos kong pauwiin na si Ate Tess.

Ang totoo nyan ay sa ospital ko iginugol ang oras. Sinamahan ko lang naman si Brix na magpacheck-up dahil malakas ang pagkakatama ng ulo nya sa simyento.

“Well, wala akong nakitang damage sa CT Scan result mo. Pero you have to come back kung magsuka ka o lumala ang sakit ng ulo mo. Understood?” payo ng duktor.

Sa byahe pauwi ay tahimik lang kami. Nahihiya akong makipag-usap kay Brix dahil ako ang may kasalanan kung bakit sya nasaktan.

“Hey, bakit parang nasa lamay ka? Buhay pa naman ako ah.” pagbasag nya sa katahimikan.

Tinatahak namin ang daan pabalik sa shop. Kahit na pagbawalan syang magdrive ng duktor, hindi nakinig itong si Brix.

“Brix, sorry talaga. I’m sorry…”

“Gus, konting hilo at maliit na bukol lang ito. Di ‘to makakamatay, malayo sa bituka.” pagbibiro pa nya.

“Ulo yang nadamage sa’yo, kaya sana wag mong tratuhin na parang gasgas sa kamay lang.” pag-aalala ko.

“M’sareh...please wag ka nang ma upset? Ok lang naman ako eh. Don’t be too hard on yourself.” pagsasawalang-bahala nya.

“Pero Brix, kasalanan ko eh. Dahil sa katangahan ko, ikaw yung napahamak.”

“Aksidente lang ang nangyari, ok? Wala namang may gustong mangyari yun. Besides, I’m glad na hindi ka napaano. So cheer up.” nakangiti nyang pahayag.

Hindi ako makaimik. Hanggang ngayon ay nginangat-ngat ako ng konsensya ko. Bakit ba kasi ‘di maalis yung takot ko sa kidlat? Pati inosente nadamay tuloy...

“Um, Brix...”

“Yeah? Nagugutom ka ba? We can go eat somewhere before going home kung gusto mo?” alok nya na agad ko namang tinanggihan.

“Eh, k-kung meron man akong pwedeng gawin para masuklian ang kabutihan mo, sabihin mo lang. Gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya.”

“Gus, no, hindi naman ako nanghihingi ng kapalit eh. Hmm, but if you insist, may hihilingin sana akong pabor.” tugon nya matapos ang ilang sandali.

Lumiko sya sa madilim na kanto at saka dahan-dahang ipinark ang kotse sa harap ng shop. Bukas pa ang ilaw sa loob, malamang hinintay ako ni Ate Tess na makabalik.

“Ano yun? Paglalaba? Pamamalantsa? Paglinis ng bahay? Kayang-kaya kong gawin yan. Ah! Pero h-hindi ako marunong m-magluto...” dugtong ko kaagad.

Meet My Middle FingerWhere stories live. Discover now