Dedicated to @Foreverminerva hi meme.
★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★
First day ng klase ayoko malate, kaya agad akong naligo at nagbihis.
Shit!! 6:43 na late na talaga ang abot ko nito.
Saktong 7:00 nasa university na ako. Napansin kong wala pa yung ibang estudyante.
Ay tanga! 7:30 nga pala ang start ng klase pero ayos na rin.
Umupo ako sa isa sa mga armchair sa unahan bandang gitna
Nilabas ko ang Cellphone ko at binuksan ang twitter. kaloka ang daming mention at DM sa akin ni Minerva, bestfriend kong loka-loka.
@MinervaJoyceT
"Babae tulog ka na ba?"
"Anong silbi ng live notifications mo kung di ka sasagot sa mga tweets ko"
"BUHAY KA PA BA?"
"RIP MAHAL KONG KAIBIGAN"Sabi ko na sa inyo may pagkaloka-loka talaga 'to eh. patayin ba naman ako sa twitter.
Unti unti na rin dumationg yung ibang estudyante.
"Nasaan na kaya si ma'am?" tanong ng isang babae
"Darating din yon. Excited teh?"
Nagulat naman ako ng biglang may lalaki na tumayo sa harap ko. Teka, namumukhaan ko 'to ah.
sino nga kasi... si ano... oo sya nga...
Flashback
Paalis ako ng condo may emergency daw kasi sa bahay ni Minerva. Baka namatayan ng kuko.
Nak ng tokwa! sino ba yun? aba nilagpasan pa ako ng lalaking 'to.
"Sa susunod kasi tignan mo yung dinadaan mo. Baka next time, ahas na makasalubong mo.
sa ganda mong yan tutklawin ka talaga"sabi niya at hindi man lang ako tinulungan. Nahulog kasi yung mga hawak ko. GENTLE DOG TALAGA. Teka, ung keychain ko. Nasaan na? Lagot ako nito eh. Bigay pa naman ni Meme (Minerva) yun. Ala dragon pa naman kung magalit kahit maliit na bagay lang.
Napatingin na lang ako sa kanya at agad lumingon sa twitter ko. Pero sya, tingin na tingin sakin. Ayun inirapan ko na lang.
"Bakit mo ako inirapan?" Diko pinansin
"kinakausap kita" Ayoko pa din pansjinin
"Hoy" Ang kulit.
Magsasalita sana ako ng biglang nag ring ang bell. Nagsiupuan naman lahat ng estudyante. Agad akong tumayo at tinignan ng mataray 'tong presko na 'to.
"Uhm... Mr...?"
"Sebastian. Marco Sebastian"
"Ano ba ang ginagawa mo dito? Magkakalse na kasi kami."
"Hinihintay ko lang ang teacher nyo"
"Bakit wala kang pake. "
"Yes it is. Dahil ako ang teacher na hinihintay mo."
Tulalang- silang lahat pati na 'to si Marco.
"Pwede ka na ba umalis? Baka may klase ka rin kasi."
Hindi sya sumasagot. Tulala lang sarap picturan at ipost sa facebook.
Agad na rin sya umalis. Ung mga estudyante ko? Ayun nga-nga. Hindi pa rin makapaniwala. Kahapon pa naisip ko na yung trick na to. Gusto kasi makita yung katangian ng bawa't isa. Pero hindi lang estudyante na trick ko. Pati yung preskong Gentle dog na yun.