"Bakasyon na!" sigaw ko habang tinatanaw sa bintana ang busy ba busy na kalye. May mga batang abala sa paglalagay ng mga basket at salbabida. Halatang magsu-swimming sila. Nakita ko naman yung alarm clock ko na tulog na tulog. Naunahan ko pa sya nagising, isang himala na maituturing! Nahagip ng paningin ko ang cellphone ko. My god! 32 messages galing kay Aubrey.
"Goodmorning Chloe! magbihis ka na at pupuntahan na kita dyan aalis ulit tayo." Aba, walang pasabi tong babae na 'to. Alam niya kasi na hindi ko sia matatanggihan pagdating sa ganitong bagay.
_______________________________________________________________________________
Nandito na ako sa starbucks. Sabi niya kasi mauna na ako. Siya ;to na nag-aya tapos ako pa ang nauna saaaming dalawa? Sa sobrang inip ko nag-order na ako. habang nakapila ako sacounter may lalaki na biglang sumulpot sa tabi ko. Matanggkad saakin ng konti, medyo chubby, gwapo rin (to infinity and beyond) ang lalim din ng dimple nya. Kakatitig ko sa kanya hindi ko namalayan na ako na pala ang next na oorder.
"Miss? nagagwapuhan ka ba saakin? pasensya na talagang malakas ang appeal ko sa mga babaeng katulad mo"
"ang yabang mo!" umorder na ako at agad umalis. Nakakabwisit talaga porket tinignan lang nagagwapuhan na agad? hindi ba pwedeng tumingin lang? Ang pwresko pa kala mo sya lang ang lalaki sa buong mundo. Pabalik na ako ng table at bigla niya akong natabig. Nahulog tuloy ung mga hawak ko. Hindi man lang ako tinulungan. Kairita ka pramis!
Sa wakas! dumating na rin ang kaibigan kong nalunod sa banyo -_-
"Bakit ba ang tagal mo? Chloe kalma lang okay? naligo pa ako eh tsaka pumunta sa bahay si Tita, tinatanong ka hindi ka daw kasi sumasagot sa mga tawag niya. Alam mo, wala kang mapapala sa galit mo sa puso kung patuloy mong gagawin yan." Nagdrama ka pa 'teh.
"Eto ba talaga ang pag-uusapan natin?" walang gana kong tanong. Pake ba niya kung galit ako kay mommy.
"sungit mo naman"
"Pano kasi napaka presko nung lalaki dun sa table. Sarap hampasin ng red chair ni Bamboo sa The Voice. Akala mo gwapo eh mukha namang kawatan sa malayuan"
"Kaya pala hmm..."
"Miss Chloe order niyo po"
"Wait, hindi ko naman nasabi yung name ko diba?"
"Opo kaya si Sir na lang po ang nagsabi' turo niya dun sa hinayupak na feeler kanina sa counter.
Sinasabi ko na nga ba hindi lang mukhang kawatan, stalker pa talaga.
"Thank you" sabi ko at umalis na ang waiter
habang nagkukwentuhan kami ni Bree (Aubrey) napapansin ko na tingin siya ng tingin saakin. kaya sinuot ko yung hoodie ng jacket ko.
"Anong problema mo at sinuot mo yan? trip mo si kokey?" Panira din tong babae na to.
"Tara na nga alis na lang tayo dito. Baka makasapakako ng wala sa oras."
"Miss!"
"Bakit po?"
"eto po pinabibigay ni Sir, yung nagbigay ng name niyo" Tinignan ko siya sa table kung saan siya nakaupo kanina pero mukha nakaalis na siya. May note pa sa Frappuccino na binigay saakin.
"Hi Chloe. Sorry kung hindi kita tinulunga kanina, ang cute mo kasi kapag naiirita ka. matagal na kitang nakikita dito kaya alam ko na ang pangalan mo. See you around ganda!"
Hinayupak kang guwapo ka. napangiti mo ako ah!
_____________________________________________________________________________
30 comments para sa part 2 nyahaha
-Lyn (@damnitleyuh//twitter, @leyuhfinity//ig)