Good morning beautiful, I love you :)
Ngiting ngiti si Hershey pagtapos niyang mabasa ang note na nasa mesa niya. Hindi niya man alam kung kanino galing yun, pero naghihinala na siya.
" Good morning Hershey, bakit ngiting ngiti ka? "
Speaking of paghihinala, eto na yung pinaghihinalaan niya. Etong napakagwapong officemate niya na araw araw atang tinutunaw siya sa mga ngiti niya.
" Good morning Wesley, ang aga mo atang pumasok ngayon ah? " nakangiti niyang tanong dito. Ngumiti din ito sa kanya bago nilapag yung mga folders na hawak ni Wesley sa mesa niya.
" Pero mas nauna pa ring pumasok si Sir Oreo. " mapang-asar na sabi nito sa kanya sabay turo sa office ng boss nila. " Eh baka naman siya ang dahilan ng pagngiti mo? "
Nagseselos ka ba Wesley? Shet na malagkit, kinikilig ako 😍
" Ano? Yung mukhang butiking yun? Excuse me ah? Pero mas gwapo ka dun. "
Ay lintek. Ano yung nasabi ko?
He flashed me another charming smile. " Syempre mas gwapo ako dun. "
Pwede bang tumambling? Ang gwapo kasi nitong nasa harapan ko eh. Pero siguro nga malas akong tao dahil kung kelan naman haharot na ko tsaka naman susulpot tong epal na monster na to.
" Miss Pascual, my office, now. " napaka-cold na sabi ni Mr. Oreo Vasquez, ang CEO ng company nila na nuknukan ng sungit.
" Yes sir. "
Tinitigan pa siya ni Oreo sandali bago pumasok sa office nito.
Bakit ba ang sungit nun? Gwapo naman siya eh. Kaya ko nga pinatulan yun dati eh.
Yes readers, naging kami dati. Nung college. Pero dahil walang forever, nagbreak din kami, just before they graduation.
Inayos niya muna ang sarili niya bago siya pumasok sa office ng halimaw na yun.
" Good morning Sir Oreo. " magalang niyang bati dun sa lalaking seryosong nakatitig sa screen ng laptop niya. Nag-angat ito ng tingin at tinitigan siya.
" Miss Pascual, let me remind you of the company rules. Bawal ang employee-employee relationship dito. "
" Let me remind you din Mister Oreo Vasquez, hindi ako simpleng empleyado lang dito. My father owns half of this company. Business partners sila, remember? "
Mula sa pagkakaupo, tumayo si Oreo at nilapitan siya. Sobrang lapit. Sobrang lapit na napasandal siya sa puting pader ng opisina nito.
" Hindi ka nga lang simpleng empleyado dito. Because you're my fiancee, remember? "
Napadilat na lang siya dahil sa sinabi nito. Nakita niya na sobrang lapit ng labi nito sa ilong niya. At nalalanghap niya na ang mabangong hininga nito.
Shit Oreo, wag mo kong inaakit.
Fiancee ko siya. Ipinagkasundo kami ng parents namin. At nalaman ko yun bago kami mag-graduate ng college. Nalaman ko rin na matagal niya na palang alam. Kaya ang feeling ko, kaya niya ko niligawan ay dahil alam niyang magiging kami rin naman.
Nagto-throwback pa ko ng past namin sa isip ko ng biglang bumaba yun g isang kamay niya sa bewang ko.
" Ano Hershey, should I kiss you now? "
She smirked at him. " May mga bagay na hindi na tinatanong, Mr. Fiancee. " sabi niya bago hatakin ang batok nitong lalaking to at halikan sa labi.