Prologue

48 4 1
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are products of the writer's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or any actual events are purely coincidental only.

Grammatical errors ahead.


ENJOY READING! 


----

BROKEN WITHOUT YOU 


Dali dali akong pumasok sa gate ng bagong paaralan ko. First day ko ngayon bilang senior high. Orientation namin ngayon at ilang minuto nalang ay mag sisimula na ito. Mabuti nalang talaga at pinapasok pa ako.


Pumunta ako sa covered court dahil doon gaganapin ang orientation namin. Madami nang tao pero may mga bakanteng upuan pa naman sa bleachers. Umakyat ako sa may bleachers. Pinunasan ko ang pawis ko. 


Ang init! 


Mukhang magsisimula na ang orientation. 


"Hi! May naka-upo ba?" Napalingon ako sa nagsalita. 


"Ah wala. Sige, upo ka." Sabi ko naman sa kanya.


"Thank you!" 


"Kakasimula lang ba?" Tumango naman ako.


"Oo. Kakatapos lang ng National Anthem."


"Assel Yuzon pala. Ikaw? Ano pangalan mo?"


"Kayla Natividad."


"Cute naman pag pronounce ng name mo. Kaye-lah."


"Unique nga ng pangalan mo. Assel."


"Sus! Nag bolahan pa nga." Pareho kaming natawa. 


Natapos ang orientation at nagsimula na kaming mag hanap sa classroom namin.


"Ano ang strand mo?"


"TVL. Vocational course. Home economics."


"OMG! Classmates tayo!" 


"Talaga? Ayos! May kakilala ako agad."


"Sabay na tayo maghanap sa classroom natin." Tumango naman ako sa sinabi niya. Nag ikot ikot kami sa mga classrooms. Ang laki kasi ng paaralang ito. 


Bumalik ulit kami sa dinaanan namin at nakita namin ang room number namin.


"Dumaan tayo dito kanina ah." Reklamo ni Assel. Pagpasok namin medyo madami nang tao. Umupo kaming dalawa sa may gitnang bahagi. Nakakita din ako ng mga pamilyar na mga mukha. Schoolmate ko sa dati kong school 'yong iba. Ang iba naman nakikita ko sa facebook.

Broken Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon