2

15 4 0
                                    

"Okay, let's welcome group three. Please prepare yourselves." 


Kinakabahan ako ng sobra kaya pilit kong kinakalma ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at shine-shake ko ang mga kamay ko.


"Kinakabahan ka?" Lumingon ako sa nagsalita. Tumango naman ako. "Okay lang 'yan! Classmates lang natin 'yan. Isipin mo nalang mga patatas sila. Ikawit mo kamay mo dito sa braso ko. Magsisimula na tayo." Ngumiti ako sa kanya at tumango.


"In one, two, three--action!"


"For our next guest, they are one of the famous and rising loveteam within the industry. Let's welcome, Reese and Leonel. Or also known as Reenel!" Umupo kaming dalawa sa dalawang armchair na nasa gitna. Pumalakpak naman ang mga kaklase namin kunwari mga audience sila sa segment.


"Kamusta kayo?"


"Okay naman kami. Ito, blessed." Si Kairo ang unang nagsalita.


"Sa loob ng maiksing panahon naging maingay ang mga pangalan niyo. Anong naging reaksyon niyo nang mas nakilala pa kayo ng mga kababayan natin?"


"Actually at first, we got shocked. Kasi hindi naman namin ine-expect ni Leonel na magugustuhan ng mga kababayan natin ang pagtatambal namin."


"At dapat isang movie lang ang gagawin namin. 'Di ba hindi naman kami talaga bida doon sa unang pelikula na nagkasama kami. Kapatid kami ng mga bida at magka-away pa. Kaya nakakabigla at nakakatuwa at the same time na nagustuhan nila kami."


"Kahit ako nga. Nakakakilig ang mga scenes niyo kahit palagi kayong nag-aaway ang role niyo doon dahil magka-away ang mga kapatid niyo. Okay, next question. Sa pagtatambal niyo, nakaramdam ba kayo ng pressure sa mga naging taga suporta o mga taong nakapaligid sa inyo?"


"Yes. A lot. Madaming nakatingin sa amin at madaming gusto mag dikta kung anong gusto naming pero guys, tao lang din kami. We have our own decisions. We have a life aside from being an artist."


"How do you handle to those who criticize or bashes you?"


"Hindi na namin pinapansin. Lahat naman napipintas. We know ourselves more. And yes, naapektuhan pa din kami but we don't post it online or what. We just keep it to ourselves."


"There's this rumor spreading, in a relationship ba kayo? I mean, hindi kayo ha. Respective relationships. Can you answer that? Reese, you can answer first."


"I'm not dating anyone as for now." Sabi ko.


"Leonel?"


"Wala din."


"Okay last, question. Connected pa din naman do'n papaano. Ano na ang status niyong dalawa? Dating ba?" Kunwari magtititigan kaming dalawa tapos nagsisigawan ang lahat. Ngumiti ako sa katabi ko at humarap.


"Mag kaibigan lang po kami. And no po. We're not dating--"


Broken Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon