10

9 1 0
                                    


D-day! Acquaintance party na namin ngayon. Nag ayos na ako para maaga akong makapunta sa school. Sure akong tataas ang linya papasok sa school dahil may time limit kami at ire-record ang oras ng pagdating namin.  


Ang suot ko pala ay cropped na plain brown shirt, jumper skirt at high-cut na white rubber shoes. Dahil hindi naman ako marunong mag make-up, nag polbo at liptint lang ako. Nag lagay lang ako ng hairpin sa buhok ko para hindi matabunan ang mukha ko. Kinuha ko na ang bag ko at nag paalam kay Mama. Wala si Papa kasi pumunta sa isa pa naming business.


Nag tricycle lang ako papuntang school. Pumunta naman ako sa classroom namin at nakita ko na madami-dami na pala sila. Lumapit naman ako kina Assel, CJ at Fred na maagang dumating.


"Beh! Bakit 'di ka nag paganda? Dapat mag paganda ka! Madami tayong makikilang mga gwapo." Sabi ni Assel.


"'Di na. Pag papawisan lang din ako dahil sure akong sobrang init mamaya." Sabi ko naman. "Okay na ako sa ganito. Basta hindi ako haggard."


"Bahala ka nga. Basta 'wag kang magsisisi ha." Habang nag aayos sila, ako naman ay nag s-scroll lang sa Facebook. Share nang share ng memes. Usual routine pag walang ginagawa.


Around 7:45 AM, pumunta na kami sa may gym. Nakita naman agad namin ang signage kung saan kami u-upo. Medyo malapit kami sa stage at nakikita namin ang mga iilang activities sa may gilid ng backstage. 


PIcture picture muna bago mag simula ang program. Tinawag ang representatives namin para sa Mr. and Ms. Acquaintance dahil meron silang short photoshoot. 


"Ehem! Okay students, settle down already. We will start our program at exactly 8:30 AM."


Umayos naman kami ng upo at tumahimik na. Ang katabi pala naming strand ay ABM.


Maya maya, nag simula na. Nag prayer, national anthem, kumanta ng school hymn, at usual na  ginagawa pag nag f-flag ceremony ay ginawa namin. After no'n, umupo naman kami. 


Host spiels, opening remarks, and intermission number. Pagkatapos no'n nag proceed na sa mga chants. At dahil kami ang pinakamalapit sa stage, kami ang na una.


"Let's welcome, TVL 11, section peace for their chant presentation. A round of applause please." Tumayo naman kami at nagsimula sa chant namin. 


Andito na ang TVL, TVL eleven

Galing kami sa sectiong mapayapa 

'Wag kayong humarang sa aming dadaanan

At baka mapaluhod kayo sa aming kagitingan


Narinig naming napa-"woah" sila dahil sa narinig nila.


Peace-te, peace-ya

Peace mga Ate at mga Kuya


Nakarinig naman kami ng mga halaklak at mga cheer dahil para kaming nagmura pero hindi naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon