8

8 1 0
                                    

Nang maka-upo na ulit kami sa bleachers, nag kwentuhan ulit kami hindi pa naman nag sisimula ang program. 


Unti-unti ding bumalik ang mga estudyante sa mga bleachers dahil malapit na mag ala una. Umingay ulit ang gym dahil sa dami ng estudyanteng nag sisibalikan.


"Beh, ang init jusko! Para akong priniprito sa sobrang init!" Reklamo ni Assel. Lahat kami ay medyo pinagpapawisan na pero salamat naman ay may nag on ng malaking electric fan sa baba namin. Bumanda ang hangin sa amin dahil pina-ikot ito.


"Hi! Abot ba diyan ang hangin?" Nagulat ako ng makita si Ethan sa baba na hinarap sa amin ang electric fan.


"A-ah oo! Salamat!" Sagot ni Assel na nag tataka.


"Thank you, Ethan!" Sabi ko sa kanya no'ng naka recover ako sa gulat ko.


"No prob! Kita doon sa pwesto namin na pinagpapawisan na kayo kaya sinaksak ko na ang electric fan." Sabi niya tapos tumawa. Ngumiti naman ako sa kanya. "Sige, balik  na ako sa pwesto ko."


"Thank you!" Sabi ng mga kaibigan ko kay Ethan bago ito tumakbo pabalik sa pwesto ng section nila. Nasa kabilang bleachers pala sila. 


"Beh, jowa mo?" Tanong ni Vivian sa akin na nasa likoran ko.


"Hindi. Acquaintance lang siguro. Nabangga niya kasi ako at natapunan ng juice noong nakaraan kaya pinahiram niya ako ng jacket niya." 


"Akala ko jowa mo. Lapitin ka ng mga gwapo ha. Una si Kairo, tapos 'yong ex-crush mo tapos 'yong Ethan. 'Di pa natin sure sa admirer mo pero sure akong gwapo din 'yon."


Napalingo nalang ako sa sinabi ni Vivian. Maya maya, nag simula na ulit ang program at may iilang activities na naganap. Around 4:30 pm natapos ang program. Nagpaalam naman ako kina Assel na mauuna na ako dahil maaga akong pinapa-uwi ni Mama. 


"May miryenda diyan sa lamesa. Kumain ka muna." Rinig kong sabi ni Mama. Lumapit  naman ako sa kanya upang mag mano. 


Nilapag ko ang bag ko sa upuan at dumiretso sa may kusina para kumain. Pagkatapos kong kumain, umakyat ako para mag bihis ng pambahay at kinuha ang mga photocopy ko sa Filipino dahil may quiz kami bukas. Dumiretso naman ako sa may tindahan namin para mag bantay. 


Habang nag me-memorize ako ng mga key points, bigla namang umilaw ang cellphone ko. Chat pala sa gc namin.


Grade 11 pips

Rohann: pakopya bukas

Kurt: sus! kaya mo na yan. bdo ka naman eh

Rohann: tumahimik ka nga. nangongopya ka lang din.


Napalingo nalang ako sa kakulitan nila. Medyo nakapag adjust naman din ako sa bago kong school. Isa't kalahating buwan na din pala ang lumipas pero ang dami ng nangyari.


Kinabukasan, hindi natuloy ang quiz namin sa Filipino dahil may biglang meeting ang lahat ng teachers. Pagpatak ng ala una, hindi pumasok ang subject teacher namin pero pumasok ang adviser namin. Ni-announce niya na may acquaintance party na magaganap kaya nag meeting kami sa mga gagawin. 2 weeks from now gaganapin ang acquaintance party.


"May mga contest na gaganapin. Kung gusto niyong sumali, kindly write your names and submit it to me. So the theme will be earth tone. The color of your outfit should be any shades of green, brown or blue. Nasa inyo na 'yon. The event will start at exactly 8 am but you should be here before 7:30 am. Same rules, hindi kayo papa-pasukin ng guards kung hindi kayo dumating bago mag 7:30. Abide the rules, okay? You can wear anything that is related to the theme but revealing clothes is not allowed. Understand?"


"Yes Sir!"


"Dismissed. No classes this afternoon dahil may meeting ulit kami. Walang lalabas sa classroom unless kung mag c-cr and tone down your voices." Umalis na si Sir at kanya kanya na kami sa pag u-usap na tungkol lang din naman sa acquaintance party.


"Ano susuotin niyo?"


"Hindi ko nga alam. Wala ako masyadong earth tone na damit. Baka bibili ako."


"Same." Sabay sabay naming sabi. 


"May sasalihan kayong contest?" Lumingo kaming lahat. As a person na hindi gaano sumasali sa mga school activities unless kung compulsory or may grade, wala talaga akong balak na sumali sa kung ano. 


"Audience impact nalang role natin." Nagbibirong sabi ni Armela na ikinatawa namin.


Sabay na tumunog ang messenger namin at nakita ang chat ng adviser namin. 


Grade 11 (advisory) 

Ryan: btw class, we need 2 class representatives for the Mr. & Ms. Acquaintance. pumili kayo na pwede mag represent sa section natin. and please prepare a short chant for our section. lahat kayo sasali diyan. don't worry, sa bleachers lang kayo. it's like a short introduction about our section. 


"Hoy class representatives daw at chant!" Tumayo sa platform ang president namin at pina-ayos kaming lahat.


"Okay guys, first suggest kayo kung sino ang pwedeng mag represent ng section natin. Tapos proceed tayo sa chant."


"Si Kim at si Reign."


"Oo nga!"


"I agree, charismatic si Kim tapos si Reign naging model. Sure akong makakakuha tayo ng spot sa final round." Umagree naman kaming lahat. Hindi naman tumutol ang dalawa dahil sumang-ayon na kaming lahat. 


"Okay, ibibigay ko na names niyo kay Sir." Bumalik ulit kami sa kanya kanya naming ginagawa.


"Ang gandang lalake ni Kim, ano? Hindi halatang lalake kung hindi siya naka-uniform." Sumang-ayon kami sa sinabi ni Shelly. 


"Akala ko nga babae no'ng first day. Lalake pala." Sabi ni CJ. 


"Next is para sa chant natin. Sumulat kayo sa 1/8 sheet of paper ng kahit dalawang stanza lang kung ano masasabi niyo about sa section natin. Pipili kami ni vice pres ng mga suitable lines na pwede ipag-dugtong dugtong para sa chant natin. Ipapasa niyo sa akin hanggang 3:30 para makapili na kami at makapag practice na tayo bukas agad." Tumango naman kami sa sinabi ni pres at kumuha ng papel at ballpen para mag sulat.



Broken Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon