9

5 1 0
                                    

Isang linggo ang nakalipas at nagpa-practice pa rin kami para sa chant namin. Next week na kasi ito at kailangan namin itong mapulido at ma-memorize. Habang nag pa-practice kami, nakarinig kami ng kaguluhan sa labas ng classroom namin. Lumabas kami at sa kabilang section pala ito. 


Naki-nood kami dahil na curious din kami. 


"Ano meron?"


"May nanliligaw." Napa-'oh' nalang kami sa sagot. Ang katabi naming room ay sa grade 12. Maypa harana at pag bigay ng bulaklak. Sumiksik ako para makalabas kasi sobrang sikip. Pumasok ulit ako sa classroom na halos walang tao dahil lahat nakiki-usyoso sa nangyayari. 


Tumayo ako sa may wall fan dahil naiinitan ako. Pinunasan ko din ang pawis ko sa may noo. Maya maya nagsigawan ang lahat dahil sinagot na pala ni ate girl si kuya boy na nanghaharana. Napangiti nalang ako at napa buntong hininga.


"Sana all! Sana may humarana din sa akin." Sabi ni Assel habang papalapit sa akin. 


"Beh, 'wag ka ng umasa." Bara ni Armela sa kanya. Dinilaan lang siya ni Assel kaya natawa kami.


"Kairo may nag ha-hanap sayo!" Rinig kong sigaw ng isang ka-klase namin. Napatingin naman ako sa may pintuan at nakita ang isang babae. Iniwas ko naman ang tingin ko at nakinig sa mga kwento nina CJ at Fred. 


"Kayla, sama ka? Bibili kami ng ulam?"


"Oo. Wait lang." Sabi ko at kinuha ang wallet sa bag ko. 


Pagdating namin sa canteen, ang daming tao since wala kaming mga pasok para sa mga practice sa gaganaping acquaintance party. 


"Ang daming tao!" Sabay naming sabi dahil sa sobrang crowded talaga tapos ang haba pa ng mga pila. 


"Beh, pipili na kami doon baka ma ubosan kami ng ulam. Bili ka na kung ano bibilhin mo." Tumango naman ako kay Assel. 


Sumilip ako sa kabilang counter upang sumilip kung may tinda ba silang rebisco na chocolate. Lilinya na sana ako pero tinawag ako ni Rohann. Kasama niya pala sila Kairo. 


"May bibilhin ka?" 


"Oo sana. Tubig at rebisco na chocolate."


"Si Kairo na raw bibili." 


"Nako 'wag na! Lilinya nalang ako. Mataas pa naman ang pipilahan niyo."


"Okay lang raw. Siya na nag volunteer." 


"'Wag na ta-"


"'Yon lang ba bibilhin mo?" Napatingin naman ako kay Kairo. Tumango naman ako.


"Ako na bibili. Mag hintay ka nalang doon."


Broken Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon