Tanghali na ako nagising at lahat ng tao sa paligid ko galit na galit sa akin. Pero hindi naman ung totally galit na hindi na ako papansinin panghabang buhay, tanghali na kasi ako nagising!
Ako nga pala si Sharleyn Ablaza, average lang ang height ko at average lang din ang itsura ko. Wala namang pangit sa mundo diba? lahat pantay pantay. Anyway, bakit nga ba sila galit sa akin? Malamang tanghali na ako nagising at madami pa ako dapat gawin dahil birthday ko naun. May debut ako eh, sila naman ang may gusto nun, eh ang gusto ko lang naman ay simpleng birthday party. Once in a lifetime lang daw kasi un mangyari kaya pakabonggahan na daw ng todo at maskara pa ang tema para sosyal daw. Eto na man ako kiOO ng kiOO. Ang hirap maexpose kaya lalo na kung hindi ka mahilig makihalubilo pero okay na rin nakamaskara naman.
Mamayang gabi gaganapin na itong debut ko at hinahanda ko ngayon ang mga kailangan sa 18 18 tulad ng mga kandila, roses, at iba pa. Pagkatapos ko ihanda ang dapat ihanda, syempre kakain ako at maliligo para maayusan na ako.
Eto na nga! Tapos na ako maayusan at ilang minuto na lang at paalis na kami papunta sa venue, kinakabuduhan ako kasi first time ko maeexpose sa madaming tao.
Nandito na kami sa venue at hindi ako makapaniwala, madaming tao na hindi ko naman kilala. Hahahaha ikaw ba naman ang laging magkulong sa bahay at lalabas lang kapag may pasok at may bibilhing pagkain.
Take note, mga kamag anak ko lang yan pero kahit papano meron naman ako nainvite na Highschool at College friends. May kabarkada naman ako kahit papano kaso ako ung tahimik sa grupo.
Nung nagsisimula na ang program parang ayoko tumayo sa kinauupuan ko, ewan ko ba, feeling ko matatapilok ako kapag tumayo, first time ko lang din magsuot na masyadong mataas na heels at feeling ko bawat galaw mo may nakatingin talaga sayo.
Nagsasalita na ang MC at isa isa binanggit ang mga espesyal na bisita at nagsalita ang magulang ko para iwelcome sila.
pagkatapos nito may nagcotillion at sumayaw, sumunod dito ay ang 18 candles, ang unang 18 sa listahan.
Mga tita ko at ilang mga highschool friends ang nagwish sa akin. Grabe naman puro "mag-aral ng mabuti" "magpakabait" at "huwag muna magboboy friend" ang wish sa akin. Wow ha, ano sila nanlalait? mukha ba ako hindi nag aaral ng mabuti? kung gabi gabi may hawak ako na libro at mukha ba ako hindi mabait? grabe naman sila. At ano tingin nila sa akin? magboboyfriend ako? hello??? priority first! natatawa at napapaFacepalm na lang ako habang naiisip ko to.
pagkatapos nito, may kumanta at 18 roses na nga!
Sayaw sayaw kami ng kapatid ko, tatay ko, mga lalake kong kaklase, at mga tito ko. Tapos intermission number ng mga pinsan ko, 18 gifts naman, tapos kainan.
Habang kumakain sila, eto ako naglilibot, picture picture sabi ni mr. photographer. Habang nagpapapicture ako ang dami nagbibigay sa akin ng regalo, hindi ko na nga alam kung kani-kanino galing.
Tapos eto hindi ako nakakain ng matino, 18 gifts naman tapos paulit ulit ng intermission at 18 18.
Natapos na ang 18 18 na nakakapagod at magsasalita ako sa harap ng madaming tao. Kinakabaduhan ako at napakachoppy ko magsalita pero okay lang to, natural naman to eh.
So ayun nakasurvive at tapos na ang birthday party ko at nagmukhang disco ang venue lahat sila nagsasayawan at medyo madilim at mga flash flash ng iba't ibang kulay ang umiilaw. Basta mukhang bar.
Parang may stampede at lahat sila may kanya kanyang partner, nakita ko na lang ung lolo at lola ko todo bigay sa sayawan parang walang rayuma haha. Nakakatuwa naman tingnan ang saya saya!
Nagulat na lang ako at may humawak sa aking braso at nilahad nya ang kanyang kamay ung parang pormal na ginagawa kapag ang isang binata ay magyayakag sa isang dalaga para sumayaw. Wala akong idea kung sino ung lalake na nasa harapan ko, matangkad, maputi, manipis ang labi at malakas ang dating kaso nakamaskara ung kalhati ng mukha kaya hindi ko makilala. Pero good mood ako ngayon at nakipagsayawan ako sa kanya pero maya maya hindi ko na sya napansin na bigla sya nawala. Basta ang weird. Baka, siguro mga kamag anak ko lang yun. Ang shunga ko noh? buti mukhang disco at kanya kanyang sayaw dito kundi magmumukha ako tanga.
Natapos na ang party at unti unti umuwi na ang mga tao, nagpahuli ako umuwi kasi ineentertain ko pa ung mga kaklase ko na makikiovernight sa bahay at magiinum daw kami at videoke. First time lang to!!
Nung nililinis na ang venue nandun pa rin ang mga regalo ko at mga gamit na ginamit sa 18 18. Napansin ko din meron pa mga regalo na nasa table na siguro nakalimutan sa akin ibigay kaya iniwan na lang nila duon. Nilagay ko lahat ng regalo ko sa likod na kotse at tinulungan naman ako ng mga kaibigan ko.
Sa wakas nakauwi na din kami! Gusto ko matulog kaso may inuman pa eh. Inayos ko ang sarili ko at inentertain ang mga kaibigan ko. Kwentuhan tungkol sa mga lovelife nila at mga kalokohan nila nung highschool. Tapos may mga nagyayakapan na dahil mga lasing na ung iba. Buti ako konti lang magshot. Hayy sana maulit ito ganto mga bonding at party. Masaya pala ma debut. haha
BINABASA MO ANG
Sharleyn's Diary
Mystery / ThrillerLahat ng mga bagay na nangyayare sa mundo ay may halong misteryo. Mga bagay na hindi maipaliwanag at maintindihan. Hindi lahat ng hinihiling natin ay natutupad kasi may dahilan ito upang tayo ay matuto. Madalas naguguluhan tayo. Tunghayan natin sa...