Dahil sa sobrang pagod kagabi, tanghali na ako nagising at hindi ko na namalayan na maaga na umalis ung mga iba ko tropa. Lumabas ako sa aking kwarto na katamtaman ang laki. Kahit papano nagkasya ako sa kama ko, ang dami din kasing regalo na natanggap ko na nagsiksikan sa kwarto ko. Dahil bagong gising pa ako medyo iba ang mood ko at medyo masakit ang ulo ko dahil sa hangover kagabi. Maingay sa bahay at ang mga tito at tita ko naman ay pauwi na sa kanila mga tirahan, mga malalayo na rin kasi ang kanilang bahay. Inentertain ko ang mga iba kong tropa na hindi pa umuuwi habang kumakain kami. Kwentuhan tungkol sa mga nangyare kagabi, ung halos matanggalan na ng bra si Monica sa kakasayaw, pagkadapa ni John kakauli sa pagkuha ng pagkain, muntikang halikan ni Dave si Alvin dahil sa kalasingan, tungkol sa poging lalake na naSpot ng mga tropa kong babae at mga chix na naSpot ng mga tropa kong lalake. Tinatanong pa nga sa akin kung anong pangalan ng mga un. Sa akin pa nagtanong eh hindi ko naman alam ang mga pangalan ng mga kamag anak ko kahit pamilyar ang mga mukha nila. Wala eh, laging kulong sa kwarto.
Pagkatapos naming kumain at makipagkwentuhan, naggayak na sila para umuwi at isa isa sila nagpaalam sa akin, ako todo thank you sa kanila. Habang paalis na sila nalulungkot nanaman ako kasi ang tahimik ulit sa bahay lalo na at summer na nga.
Pagkatapos kasi ng finals namin eh kinabukasan debut ko. So ayun bakasyon na nga.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko this summer. Last summer nagpart time job lang ako dun sa isang fast food chain namin, bilang cashier, para may magawa din kahit papano at nagkakasweldo pa ako kahit kami ang may ari.
Hindi naman kami ganun kayaman. Isang maliit na fast food chain lang meron kami at consultant naman ang tatay ko, taga ayos ng mga papeles, etc.
At ang nanay ko naman ang nagmamanage nun.
hayyyy..
Sa ngayon, wala na ako ibang gagawin kundi buksan ang mga regalo ko.
Kahit papano may natanggap pa rin akong pera. Kuripot kasi mga tao dito eh.
Dumeretso ako sa kwarto ko at sinimulan ko buksan ang mga regalo ko.
To: Sharleyn Anak
From: Nanay & Tataysyempre ito muna ang una ko bubuksan, ano kaya regalo nila sa akin?
Hindi sya medyo kaliitan at kalakihan. Nung tinanggal ko sa wrapper nito nakabox sya at nung binuksan ko isang locket at ternong damit. Tiningnan ko na maigi ung locket, medyo mukha sya luma dahil sa antique na kulay nito pero amoy bago. May nakaukit na magandang mansion sa locket na pipalibutan ng mabulaklaking hardin. Nung binuksan ko ung locket picute naming mag anak, nanay at tatay ko at kaming dalwa ng maliit kong kapatid. Tiningnan ko ung damit at amoy bago, galing pang mall. haha
sinunod ko buksan ang regalo sa akin ng lolo at lola ko sa side ng Nanay ko.
To: Apo
From: Lola Elena & Lolo BongKahit papano napapanahon pa rin ang pangalan nila haha. Binuksan ko ang regalo nila at isang flute na medyo mabigat. Hanggang naun pinipilit pa rin ako ng lolo at lola ko na matuto ng kahit anong musical instruments ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ayaw ko matuto. Mas gusto ko pa ata magkulong sa kwarto at magbasa ng mga libro, maglaro ng online games at maginternet maghapon.
Binuksan ko naman ang regalo galing sa lolo at lola ko sa side ng Tatay ko
To: Magandang Apo
From: Lola Jane & Lolo VictorIto naman ung lolo at lola ko na may sosyal na pangalan. Taray! binuksan ko naman ang regalo nila kahit napakaliit nito ang hirap buksan. Ilang minuto nabuksan ko, isang kwintas, napakagandag kwintas, gold na may halong white gold na may pendant na letter "S" stand for Sharleyn. Ang cuteeeee!!
binuksan ko naman ang mga regalo ng mga tito at tia ko, purp mga sapatos, bag, damit, perfume, etc.
Sinunod ko namang buksan ang regalo sa akin ng mga highschool at college friends ko, puro mga relo, wallet, mugs, at may unan pa.
May isa namang regalo na huli ko binuksan, walang pangalan na nakalagay kung kanino galing. Kakaiba ang balot nito kasi mukhang bastahan na un pagkabalot nito. Nung binuksan ko isang notebook na medyo lumain na. Binuklat ko to at wala namang nakasulat. Nung tiningnan ko ang huling pahina may nakasulat na
"HM.I.C"
napansin ko may nakasingit sa isang maliit na papel at binuklat ko ito. At may mensaheng nakalagay.
"Maligayang kaarawan Sharleyn, sana gamitin mo itong notebook na ito bilang diary mo. Ituring mong isang napakahalagang libro na hindi mo kayang bitawan. Isipin mo na parang isa tong proteksyon."
nararamdaman ko na parang may kakaiba sa notebook na ito o kaya parang may kakaiba talaga o baka guni guni ko lang yun.
Ang mga regalo na natatanggap ko talagang tinetreasure ko un. Tumatagal sa akin at nagkakaroon naman ng saysay.
Bigla pumasok sa isip ko ung lalake na nakasayaw ko sa debut ko na bigla nawala.
Sinampal ko ang sarili ko at para magising gising sa katotohanan. Ayaw ko sa lahat na magpapantasya nanaman ako ng kung anu ano baka mabaliw ako nyan. Umiling na lang ako at inayos ang mga regalo na natanggap ko. Inimis ko ang kwarto ko at tinapon ko sa basurahan ang mga pabalat ng regalo ko at tinagao ko naman ang mga paper bags, in case na kailangan ko na lalagyan magagamot ko naman itong mga paper bags.
Nang naayos ko na lahat iniisip ko nanaman kung anong gagawin ko this summer.
Kausapin ko kaya ang mga tropa ko at magplano ng outing! Hayyy gustung gusto ko mag swimming kahit langoy pahiga lang ang kaya ko hahaha.
Binuksan ko ang facebook ko at gumawa ng group chat at nayakag ng swimming. Halos lahat ng tropa ko mga online kasi nga wala naman ata sila ginagawa sa bahay at nagplaplano lang sila ng kanilang mga pamilya.
Me: Tara outing! :D
Jessica: uiiiii!! tara nga! Libre daw ni Sharleyn. haha
Me: Ayy grabe. kkb hahaha
Dave: tara tara!!
Alvin: Baka nakakalimutan nyo ung grades natin.
Me: Halaa oo nga pala. Hintayin muna natin ung release ng grades.
John: Loko ka Alvin dapat hindi mo na pinaalala.
Monica: Naku Sharleyn wag mo sabihin na wag na ituloy ang outing.
Jessica: Ganto na lang guys hintayin muna natin ang result ng grades tapos pwede na tayo mag outing! =)
Me: Hindi naman Monica. Hintayin na lang natin ang results. :Dnaramdaman ko na hindi na ako medyo kj. Simula nung nag18 na ako feeling ko malaya na ako hahaha.
Sana miski isa sa aming tropa walang magsummer class para kompleto kaming magsswimming. Hihi saan kaya lugar maganda?
Nararamdaman ko na may pagbabago din ang summer ko. Hindi dahil lang sa outing kundi sa feeling na pwede ko na gawin ang gusto ko kasi nasa legal age na ako. huehue
Pero dapat alam mo kung hanggang saan ang limits mo.
BINABASA MO ANG
Sharleyn's Diary
Mystery / ThrillerLahat ng mga bagay na nangyayare sa mundo ay may halong misteryo. Mga bagay na hindi maipaliwanag at maintindihan. Hindi lahat ng hinihiling natin ay natutupad kasi may dahilan ito upang tayo ay matuto. Madalas naguguluhan tayo. Tunghayan natin sa...