Ilang araw na ang nakaraan bago ang mga pangyayare. Hindi ko sinabi sa mga magulang ko at kapamilya ko tungkol sa outing ng mga kaibigan ko. Nagtataka sila nuong paguwi ko pugtong pugto ang mga mata ko. Sabi ko napasobra lang ang ligo sa Dagat. Kaya ayoko sabihin dahil ayaw ko rin mag alala sila sa akin dahil alam ko na napaka Over protective nila sa akin. Baka mamaya hindi na nila ako papuntahin ng school at mag home schooling na lang ako at ikulong sa bahay. Ang OA naman kung iisipin. Wala eh ito ang paniniwala ko at ayoko sila maapektuhan. Kung may problema ako lagi kong sinasarili, ganto naman talaga ako eh. Pero itong nangyare sa kaibigan ko grabe ang hirap kung isasarili na lang namin ng buong tropa. Tumawag ang mga magulang nila sa amin at nagsinungaling kami. Sabi namin nagpapart time Job sa Manila para sa hindi pwedeng sabihin na dahilan at sinabi na lang namin na sorpresa un. Oo sorpresa nga na hindi na sila nagigising. Habang nakikita ko sila naluluha ako. Namamayat na rin sila. Tinago namin sina Jason at Marie sa isang rest house nina John. Mayaman kasi tong si John pero hindi ito alam ng magulang nya. Araw araw namin sila binibisita at kapag may free time lang kami.
Nandito ako sa kwarto ko at maya maya tumatawag sa akin si Monica.
"lalalalalalala~" ringtone ko po yan.
"Hello Monica nandyan ka ba sa rest house nina John?" Tanong ko agad sa kanya.
"Oo.." rinig na rinig ko ang katal ng boses nya.
"Bakit ganyan ang boses mo? Anong nangyare? Anong balita?" Dahil kinakabaduhan na rin ako sa boses nya ang dami ko na naitanong.
"Sharleyn wag ka magugulat sa sasabihin ko ha.." sagot naman ni Monica na halatang basag na basag ang boses nya dahil umiiyak na ito.
"Monica ayaw ko ng ganyang tono. Please" Naluha ko sinabi.
"Nawawala si Jason at Marie. Tinanong namin dun sa body guard kung may lumabas ba na babae at lalake dun sa rest house pero wala naman sya napapansin at nilibot namin ang buong paligid pero hindi talaga namin sya makita." Maluha luha sinabi nito.
Napapanganga ako sa sinabi nya at hindi makasagot agad. Tumingin ako sa orasan ko at 10am pa lamang ng umaga. Tinanong ko si Monica.
"Sino kasama mo naun at anong oras pa sila nawawala?"
"Kasama ko si John at Alvin. Tinext ko na din si Jessica, Dave at Lhoyd at papunta na rin sila dito. At mga kanina 8am naabutan ko si John na basang basa ng pawis kakahanap kay Jason at Marie mga bandang 7am pa naghahanap si John tapos kasabay ko dumating si Alvin at naghanapan na kami." dere deretsong sinabi ni Monica habang humahagulhol sa kakaiyak. Samantala ako walang kibo at umiiyak na ng todo.
"Sige susunod ako mamaya. Pupunta ako dyan" Iyak kong sinabi sabay patay ng call.
Hindi ko mahandle ang pangyayaring ito. Umub-ob ako sa study table ko at umiyak ng umiyak buti na lang ako ang tao dito sa bahay.
Maya maya may gumagalaw sa kabinet ko pero hindi ko to pinansin baka daga lang to.. wala pala daga sa bahay o baka sa sobrang stress ko kung anu ano na lang ang napapansin ko.
Napatunghay na lang ako bigla sa kinauub-oban ko napansin ko sa sahig ang notebook na natanggap ko nung debut ko. Imposibleng napahulog na lang to basta basta kasi nakalagay to sa kabinet ko na maayos.
Nagulat na lang ako ng bigla to bumukas na wari mo'y may invisible na tao nagbubuklat nito. Pumunta to sa huling pahina at nakalagay dun ang isang pirasong papel na may nakasulat"Maligayang kaarawan Sharleyn, sana gamitin mo itong notebook na ito bilang diary mo. Ituring mong isang napakahalagang libro na hindi mo kayang bitawan. Isipin mo na parang isa tong proteksyon."
naalala ko dinikit ko pala ung papel na un sa huling pahina. Binasa ko ulit ang nakasulat pero bigla ako nanlamig at nakaramdam ng kakaiba. Parang gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang sakit na nararamdaman ko sa nangyare sa kaibigan ko. Pakiramdam ko kumalma ang mga nasa kapaligiran ko.
Pagkatapos ng ilang segundo naramdaman ko na ang kanang kamay ko gusto magsulat sa notebook na to. Ang weird.
I grab my pen and the notebook and started to write.April 11, 2015
Itong araw na to pakiramdam ko may mga bagay na hindi ko maintindihan at sobrang nakakatakot. Meron akong dalawang kaibigan nagngangalang Marie at Jason. Napakasaya ko sa kanilang dalawa dahil isa sila sa mga kaibigan ko nakasama ko kulang kulang tatlong taon ko sa kolehiyo. Hindi ko ulit naranasan ang kalungkutan ng Highschool at Elementary dahil sa kanila. Naramdaman ko na may mga kaibigan ako may pakialam sa akin. Pero dumating ang panahon na ang kaibigan ko parang sinumpa, namanigno, naduwende, hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nangyare sa kanila. Napakasaya ko nung araw na nasa tabing dagat kami at nagwiwish sa kanila na sana maging masaya sila pero ano ang nangyare? kinabukasan nagkaganun sila at naung araw na ito nawala sila! Sana makita na sila at bumalik sa dati.
habang sinusulat ko to sa notebook nagulat na lang ako at bigla nawala ito. Sayang ung ink!! Pero hindi ko inisip ung ink. Parang may halong mahika. Mga ilang segundo may lumabas na isang mensahe.
"You love happiness, You seek happiness, but not all times there will be always a happiness. You should learn how to face the opposite of it. The sadness, the sorrowfull, the woefull feeling. After you pass all this, three is something waiting for you. Wipe your tears my dear, Every challenges will always have a solution."
medyo nayamot ako dun sa reply. Grabe namang kapalot un?! Ang magkaganun ang kaibigan ko at mawala pa sila! Anong klaseng opposite na kalokohan un.
Nung hinawakan ko naung notebook at may balak nga ako batuhin un bigla may lumabas ulit na mensahe.
"madami na tao ang bumato ng notebook na ito. Alam ko hindi mo nagustuhan ang sagot nito kanina at hindi mo ito naiintindihan. 18 ka na Sharleyn at dapat may alam ka sa pagkatao mo. Gusto ko sabihin dito ngunit wala ako karapatan. Mas maganda tanungin mo ang magulang mo."
ano daw? Ano itatanong ko? Anong klaseng salamangka ito! teka baka nababaliw talaga ako o panaginip lang ito. Ang tanga mo naman Sharleyn bakit naun mo lang narealize na panaginip lang to.
Maya maya may lumabasa ulit na mensahe.
"Hindi ito panaginip. Buksan mo ang mga mata mo sa nangyayare sayong paligid."
Sinampal ko ang aking sarili at binato ko ung notebook pero tumayo ako at pinulot yuon. Sorry tanga lang. Pero napaisip ako sa pangalwa nyang reply. 18na ako at tanungin ko ang mga magulang ko. Ano ba talaga meron?
Naalala ko bigla ung lalake. Se...Se..Sebby ba ang name nun? //slapped yang ung nasa black butler.
Ayun Sebastian! May kinalalaman ba sya dito? hmmm
sinulatan ko ulit ang notebook.sino ka ba?
sumagot agad ito.
"ako ang konsensya mo
hahaha biro lang.."
Anong kalokohan yan?! Pinagloloko nya ba ako. Kahit papano napatawa naman ako perp medyo badtrip. Ayoko na nga isipin yang Sebastian na yan at ung lalake pumunta sa debut ko.
Hayyyy ano naman ang itatanong ko sa magulang ko? tsk*sighs*
kailangan ko na puntahan ang mga tropa ko :'(
BINABASA MO ANG
Sharleyn's Diary
Mystery / ThrillerLahat ng mga bagay na nangyayare sa mundo ay may halong misteryo. Mga bagay na hindi maipaliwanag at maintindihan. Hindi lahat ng hinihiling natin ay natutupad kasi may dahilan ito upang tayo ay matuto. Madalas naguguluhan tayo. Tunghayan natin sa...