*KRINNNNNGGGGGGGG*
Yan ang alarm clock ko.
"SHARLEYN ANG INGAY NAMAN NG ALARM CLOCK MO!" Sigaw naman sa akin ni Jessica na medyo sabog ang boses dahil bagong bagong gising. Nagising sa alarm ko.
"Ano ka ba Jessica. Hayy naku sobrang mainitin ng ulo mo kapag bagong gising! Ayaw mo nun? Maaga ka nagising at makakapagJogging tayo sa tabing dagat?" excited ko sinabi. Tumingin lang sa akin si Jessica at humiga ulit. Si Marie naman matibay di man lang nagising sa alarm ko. Siguro hindi to nakatulog kagabi. Kinantahan pa kasi ni Jason kaya aun sa sobrang kilig hindi na nakatulog. Miski ako 5 oras lang ang tulog ko.5:30am naun at dali dali ako pumunta ng cr para makapag hilamos. Paglabas ko nakita ko agad si Monica na nagluluto.
"Good Morning Monica!! Anong oras ka nagising?" tanong ko sa kanya.
"5:00am, sanay na kasi ganito ako gumising kaya nagluto na muna ako at nagpainit ng tubig. Gusto mo ba mag kape, milo, or gatas?"
"Sige Monica, maghihilamos muna ako sa cr, ayy nga pala tara magJogging ngayon! Yung dalwa kasi tulog pa eh maganda magJogging sa tabing dagat kapag ganitong oras"
"Sige ba!"excited na sagot din nito.NagjojoJogging kami naun ni Monica sa tabing dagat. Ang sarap sa pakiramdam at ang lamig lamig pa.
"Sharleyn may nanliligaw na ba sayo?" Muntik na ako madapa sa sinabi ni Monica sa akin. Seriously? May papatol ba sa akin? eh nakakaTurn off nga ang ugali ko at mga pinaggagagawa ko eh.
"HAHAHAHAHAHAHA LOKA KA TALAGA MONICA! anong klaseng tanong yan? Hindi pa ba obvious?" sagot ko naman habang tumatawa.
"Wag ka nga ganyan Sharleyn! Maganda ka kaya hindi ka nga laang marunong mag ayos sa sarili."
" Grabe ka naman Monica
T.T .. Teka bakit mo naitanong? siguro... may nanliligaw na sayo?" pang aasar ko sa kanya pero alam ko wala kasi hindi naman sya nagkwekwento sa akin eh at kilala ko yang si Monica sobrang hard nyan sa mga lalake. Parang hard to get talaga at sobrang strikto.
"Meron at almost 1 year na sya nanliligaw sa akin" ayun na nga at nadapa na ako sa sinabi ni Monica.
"Di nga? Seryoso? akala ko ba manhater ka?"
" Ang tibay nung lalake Sharleyn kahit anong klaseng rejection ang ibigay ko sa kanya hindi pa rin sya sumusuko, siguro sya na nga para sa akin."
" Kaya ka naman pumayag magpaligaw. huehue Sasagutin mo na ba sya ngayon since mukhang pwede na sa tropa natin magkashota eh, haha"
" Hindi eh"
"Bakit naman?" tanong ko sa kanya.
" Sasagutin ko sya kapag nakaGraduate na kami. Kung mahal nya talaga ako, maghintay sya."
"Nakss naman! ikaw na talaga Monica!" Masaya ko sagot.
" At tsaka mahal ko ang tropa natin noh? haha Alam mo ba dati si Dave at Lhoyd nakita ko may nga kasamang babae at naghahalikan sa may plaza malapit sa University natin"
"eh? seryoso? bakit hindi ko alam T.T diba bawal sa ating tropa un."
"hahaha nakita nga nila ako at umamin sila na jowa jowaan nila lang ung mga un at hindi nilala sisirain ang tropa" sagot naman sa akin ni Monica
"Ikaw kasi napakatahimik mo sa tropa para kang ghost alam mo ba un?" pagbibiro naman sa akin ni Monica
"Sorry naman, eto na nga oh madaldal na hahahaha"
"Dapat sirain na to mga pinagkasunduan natin tungkol sa bawal magjowa. Malalaki na tayo at alam kong napakatibay na ng tropa natin at kailan man hindi to mabubuwag"
"Tama!!" sagot ko naman.
"napaka childish isipin ung mga ganung rules hahaha" sabi naman ni Monica habang napapailing na lamang to.
"Anong oras na Monica?"
"quarter to 7 na. Tara na sa dorm natin para makapag handa ng almusal.Pumunta kami sa dorm at nakita namin sina Jessica, Alvin, Lhoyd, Dave, at John na nag hahain at pinapainit ung niluto ni Monica kaninang umaga.
"Nakss naman gising na ang mga boys at naghain pa" pabirong sabi ni Monica.
"Syempre isa isa kong binuhusan ng tubig yang mga yan maliban kay Jason baka bugbugin ako ni Marie hahaha" sagot naman ni Jessica
"Loka loka kasi yang Jessica na yan. Ayan tuloy tanggal antok namin" sagot naman ni Alvin habang nakasimangot ito.
" Angal ka pa! Hampasin kita dyan ng sandok eh" sigaw naman ni Jessica na medyo nagbibiro."Hindi ba marunong makiramdam ung magshota na un? kainan na eh dapat mabilis dito si Jason!" pabirong sabi ni John
"Kaya nga nakakapagtaka dapat gising na din si Marie siguradong gutom na un" sabi naman ni Monica,
malapit na mag 8am naun at nagtataka ako sa magshota na un. Dapat gising na sa ganitong oras si Marie kasi kapag tuwing 8am dapat kumakain na un kakaiba kasi sikmura nun eh, may morning sickness.Pumunta sina Dave, Jessica, at Lhoyd sa kwarto ng mga lalake para gisingin si Jason.
Niyugyog ni Dave si Jason ngunit ayaw pa rin nito magising.
"Hoy Tol! Gising na. Kainan na oh! Pambihira ka naman pre." Sabi naman ni Lhoyd kay Jason pero hindi pa rin kumikibo si Jason. No choice si Jessica kundi buhusan na rin ng tubig ngunit hindi pa rin ito nagising.
Tumakbo palabas si Jessica para sabihin sa amin na ayaw magising ni Jason. Nakaramdam na ako ng takot at kaba at napapansin ko na nangangatal at kinakabaduhan ang mga tropa ko.
Sumunod kami kay Jessica papunta sa kwarto. Tiningnan namin ang pulso meron naman kaso nung nilagay ni Monica ang palad nito sa mukha ni Jason walang lumalabas na hangin at hindi ito humihinga.
Tumakbo kami ni Monica at Jessica papunta kay Marie ngunit ganun din si Marie ayaw magising kahit anong yugyog at hindi sya humihinga kahit tumitibok ang pulso nito.
"Monica ano nangyayare?" Maluha luha ko sinabi.
"Hindi ko alam. Anong gagawin natin?" kabado sinabi ni Monica habang umiiyak ito.
"Marie wag ka naman magbiro ng ganyan oh! Niloloko nyo ata kami ni Jason oh" Ungol ni Jessica.Nagumpisa na kami maluha ng todo todo at hindi namin alam ang gagawin.
Hindi ko alam kung ano ang nangyare at natatakot ako. Bakit ganun? Kung kailan masaya kaming buong tropa tsaka nagkakaganito?! Hindi magandang biro to! Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayare! Wala namang ganung sakit na hindi ka humihinga pero may pulso. Anong klaseng.. klase bagay to?! Kakaiba!
BINABASA MO ANG
Sharleyn's Diary
Mystery / ThrillerLahat ng mga bagay na nangyayare sa mundo ay may halong misteryo. Mga bagay na hindi maipaliwanag at maintindihan. Hindi lahat ng hinihiling natin ay natutupad kasi may dahilan ito upang tayo ay matuto. Madalas naguguluhan tayo. Tunghayan natin sa...