Chapter 14 - What Happen?

234 19 0
                                    

JOHANN’s POV:

 

Halos isang lingo na kaming di nagkikita ni Jie. Pang-anim na araw ngayon. Bukas isang lingo na talaga. Hindi siya nagpaparamdam sakin. Hindi din siya nagtetext. Kahit tawag wala. Kahit nga magpakita na lang wala padin ehh.. Hindi ko na alam kung anong update sa kanya. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa lalaking yun.

Gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang kamustahin. Kung okay ba siya. Kung ano nang ginagawa niya. Kung may sakit ba siya. Kung anong pinagkakaabalahan niya. Gusto ko siyang Makita. Mayakap. Makausap. Gusto ko gawin sa kanya lahat nang mga bagay na magaganda pero alam ko naming sa huli, wala padin akong karapatan sa kanya.

Hindi siya sakin..

At kailanman hinding hindi yun mangyayari..

Malabo.. NAPAKALABO..

Tanging yung mga salitang binitawan niya sakin ang pinanghahawakan ko. Ang dahilan para lalo akong umasa sa kanya. Na habang umaasa ako, patuloy naman akong nasasaktan. Pero wala padin yun kwenta. Parang out of 100%, meron lang 10% dun.

Nakakapagtaka lang talagang hindi nagpaparamdam sakin si Jie. Wala naman akong nagawang masama sa kanya. Okay pa naman kami nung huli naming paguusap.

Sana naman magparamdam ka na Jie..

Sobrang namimiss na kita..

Nasa gitna ako nang kadramahan nang dumating si Lea at si Renzo. Nasa waiting shed ako. Wala naman akong gagawin pa. Kung bakit ako nandun ay hindi ko alam. Siguro naghihintay.

Naghihintay sa prince charming ko.. –si Jie.

“Hoyyyyy!”

Tinapik ako ni Lea gamit ang mga dala niyang libro.

“Ouchieee namannn..”

“Wow ha!? Kailangan mag-inarte? Hindi naman masakit yun ehh..”

“Kahit na, nagulat padin ako. Tsaka masakit kaya! Try ko sayo!?”

Inagaw ko yung mga dala niyang libro at akmang pupukpukin sa kanya. Hinarang naman ni Lea yung dalawang kamay niya bilang pansalag sa pag-aakalang gagawin ko.

“Hahahahaha.”

“At ginawa pa kong clown neto..”

Pagsusungit sakin ni Lea.

“Hayaan mo na Lea, minsan lang yan tumawa..” sabat ni Renzo.

“Oo nga pala..”

“Kelan mob a nakitang sumaya yan si Johann. Ehh almost one week na nga yang di makausap ng matino!?”

He Loves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon