Chapter 7 - Look Who's Talking?

330 19 9
                                    

"Johann.."

Lumapit ako sakanya. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ako nag-aalala sa kalagayan niya. Ganto din naman ako sa mga kaibigan ko. Kay Angel, kapag inaasar siya ng mga kaibigan namin. Kay Rose pag nag-aaway pamilya niya. Kay Claire kapag nabbroken hearted sa mga nagiging jowa niya. Mahilig naman talaga ako mag-alala. Ang kaibahan nga lang. Babae yung mga yun. Pero si Johann? Hindi naman siya babae diba? Pero bakit ganun?

Johann's POV:

 

Pagkatapos nung mapahiya ako sa klase nila Jie. Nalungkot ako bigla. Ang tanga tanga ko. Bakit ko ba ksi ginawa yun? Para ano? Para mapansin ni Jie? Ganun na ba ko kadesperado? Tska bakit si Jie? Hindi ba pwedeng iba na lang? Bakit kasi ganto yung nararamdaman ko. Kakaiba! Nakakaloko!

Pumunta ako sa may hallway kung saan hindi masyadong matao. Nagreminisce lang ako. Naalala ko lang yung mga panahong nagkakilala kami ni Jie. Grabe amg bilis ng panahon. Ganun na din pala katagal yun. Naging magkakaibigan kami nila Renzo at Lea. Tapos nagkaron sila ng tampuhan. Nadamay ako. Ngayon? Heto wala na. Ang bilis.. Naglahong parang bula. Tapos heto ngayon, wala pa ngang maayos na nangyayari saming apat, may panibago na naman akong problema. Pano ko haharapin si Ms. Pie?

 

"Talk to me later.."

 

"Talk to me later.."

 

"See me at the office."

 

"See me at the office."

 

Parang naririnig ko si Ms. Pie nagsasalita. Hayss.. Johaann ano bang nangyayare sayo? Ang lakas ng imahinasyon ko. Pwede na kong mabaliw.

Ayoko pa sanang tumayo sa kinatatayuan ko pero epal si kuyang Janitor. Palayasin ba naman ako sa pwesto ko dahil maglilinis daw siya. Sumunod na lang ako. Baka mamaya may makaalam pa pag pinagtripan ko si Kuya. Baka malaman pa ni Ms. Pie yun! Yare na naman ako..

Pumunta akong CR. Makapag-ayos nga muna ng mukha. Nahahaggard ako. Ayokong mastress. Ayokong makita ng mga tao na hindi ako okay. Lalo na sa mga kaibigan ko. Kay Renzo, Lea at kay Jie? Hmm.. as if naman na concern saken si Jie? Ano ba kame? Ehh hindi nga niya ko pinapansin. Diba nga galit siya kay Renzo? Kasi minsan na din siyang napagalitan ni Ms. Pie.

Naghilamos lang ako ng mukha tapos nagjingle bells. Alam mo na yun! Pag dukot ko ng panyo sa pantalon ko, nalaglag lahat ng barya ko. Ending, heto ako ngayon nagpupulot. Kung san-san ako nagpupunta sa paligid ng CR para lang pulutin yung mga baryang gumlong gulong.

"Johann.."

Narinig kong bumukas yung pinto. Si Jie.

"Anong ginagawa mo dyan? Bat nasa sulok ka?"

"Ahh.. Wala.. may kinuha lang akong mga baryang nahulog."

"Ganun ba.. Ahe!"

"Anong ginagawa mo dito?"

He Loves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon