Chapter 15 - That's Final!

388 16 10
                                    

YAJJI's POV:

Nasa bahay lang ako ngayon. Hindi ako pumasok. Dalawang araw na akong hindi napasok. Bukas may Saturday class ako pero hindi na din ako papasok. Sa Monday na siguro. Wala na din naman gagawin kasi exams na next week. Naayos ko na din naman yung mga assignments and projects na dapat kong ipasa. Tanging exam na lang yung hinihintay ko so okay lang na hindi na ko umattend nang klase. Additional na lang naman yun. Hindi ko naman pinangarap magkaron nang mataas na grades at mapabilang sa mga topnotcher. Basta makapasa okay na.


Pero ang totoo nyan madami kasing nangyari na nakapagpagulo nang utak ko.


Akala ko okay na.. Akala ko tapos na.. HINDI PALA.


Kumuha ako nang isang baso ng tubig. Ininom ko yun nang isang lagukan habang binabasa ang isang story na may title na "This and That". Galing sa wattpad. Isang wbsite na ngalalaman nang iba't ibang fiction stories. Tinigna ko kung sino yung author, @just4rap yung nakalagay. Hindi kilala yung author pero mukha naman maganda yung book niya kaya binasa ko. Hindi ko nga alam kung paanong napadpad yung book sa bahay. Baka sa kapatid ko.

"Hindi porket nagmamahal ka, hindi mo na alam kung ano ang TAMA."

 

"CHECK! ANG GALING!"


Nasabi ko na lang yan sa sarili ko matapos kong mabasa ang ilang pahina nang libro. Sandali akong nahinto sa pagbabasa. Humiga ako sa sofa. Nasa sala ako ngayon mag-isa. Gaya nga nang sinabi ko, walang pakelamanan ditto sa bahay. Kaya kahit nandito sila, may kanya-kanya silang lungga na pinagtataguan.


Isang lingo na pala mula nang hindi ko kausapin si Johann. Kahit gustuhin ko man, pilit kong nilalabanan ang sarili ko. Kailangan ko kasing pigilan ang temptasyon. Kahit alam kong dun ako magiging masaya, alam kong mali. Hindi maganda. Hindi tama. Alam ko naman na kapag pinili ko at ginawa ko ang tama, magiging masaya din ako sa naging desisyon ko. Kung pagsisihan ko ba ang desisyong gagawin ko yun ang di ko alam.


Actually hindi pa naman ako nagdedecide kung ipagpapatuloy ko ba tong nararamdaman ko kay Johann o hindi.kaya nga pinagninilayan ko muna. Nagtanong-tanong na ko kung kani-kanino. Ngaconfess ako sa mga taong mapagkakatiwalaan ko. Kaya lang wala padin akong katiyakan sa gagawin ko. Ano bang dapat? Pigilan ko ang nararamdaman ko kay Johann habang maaga pa at habang wala pang namumuong relasyon saming dalawa? O hayaan ko lang na mahalin siya at tanggapin ang bawat pangungutya nang iba na kahit anong gawin ko ay hindi naman matatanggap ang ganung relasyon sa lipunan?


Dalawang araw na kong umabsent pero wala padin akong kasagutan. Kailangan ko nang mag-decide. Naapektuhan na ang pag-aaral ko. Kailangang may gawin na ako.


Sandali kong pinikit ang mga mata ko. Nilasap ang katahimikan na tanging hangin lang ang maririnig. At sa pagpikit ko, madaming nagbalik-tanaw..


*flashback 1*

 

Papunta ako sa library upang maghanap nang sagot para sa assignment ko. Next subject pa naman yun. Ganun naman talaga ehh, kung kelan malapit na yung pasahan, tsaka lang ginagawa. Pagpasok ko sa library, nakita ko si Donita. Yung dati kong crush. Natawa ako sa sarili ko, dati babae ang crush ko, ngayon lalake na. Hindi lang basta crush, mahal ko na.

He Loves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon