Chapter 12 - Same feelings?

295 19 1
                                    

Jie’s POV:

 

Palabas na si Johann sa may abandonadong building na kinaroroonan namin. Alam kong galit siya ngayon. Naiinis siya sakin dahil hindi ko sinabi sa kanya ang importanteng bagay na dapat sasabihin ko sa kanya. Nauunahan ako nang hiya ehh. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang magconfess sa taong mahal ko. Hindi rin yata tama? Na maging pareho ang nararamdaman namin sa isa’t-isa.

Pero sa mga oras na ito, gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang mag-stay sa abandonadong building na yon.

Gusto kong mag-stay kaming dalawa..

Gusto kong kasama siya.

“Johann!”

Dire-diretso pa din siya sa paglalakad.

“Johann!”

Wala padin.

Tumakbo na ko palapit sa kanya..

“Johann! Uyyy! Johann! Uyyy—Uyyy..”

Hinablot ko yung kamay niya para huminto siya. Akala ko magiging okay lang yun sa kanya pero pumiglas siya.

“Ano ba?! Bitawan mo nga ako!! Letse ka!!”

“Uyyy sorry na..”

Bigla naman siyang natahimik sa sinabi ko..

“Sorry na, bati na tayo please?”

Nag-paawa epek face ako sa kanya. Pero siya dedma lang.

“Tigilan mo nga yan!”

‘Sorry na nga ehh.. Please???”

“Tigilan mo na ko.”

“Hindi kita titigilan hanggat hindi mo ko pinapatawad.”

Patuloy padin ako sa pagpapaawa epek. Lumuhod pa ako para mas may sense yung passorry ko. Sincere talaga ako. Ayokong malayo siya sakin.

“Tigilan mo nga sabi yan ehh! Tumayo ka na!”

“Bati na ba tayo?”

Akmang tatayo na ko nung nagsalita siya ulit.

“Sino may sabi?”

Nakataray yung mukha niya. Pero tumtalikod padin siya. Kaya inisip kong galit padin siya sakin. Lumuhod ulit ako.

“Sabe nang---“

“Johann, sorry.. sorry sorry sorry..”

He Loves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon