My name is Fatima Candeva, 16 years old and proud to be a chubby girl. :) Lilinawin ko lang. Hindi ako MATABA. Chubby lang po ako at magkaibang adjectives yun. I'm in between Fat and Thin and the right word to describe me is the word "Chubby".
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng school namin. Actually, kanina pa kong umaga dito sa school. May ginagawa kasi akong secret mission tuwing umaga kaya lagi akong maaga pumapasok. Hihihi
“Pst. Taba.”
*SCREEEEEEEENCH!*
Napatigil ang aking mga paa sa paglalakad dahil may narinig akong hindi kanais-nais.
Wait lang? Bakit nga ba ako tumigil? E hindi naman ako yung tinatawag. Taba daw e.. hindi naman ako mataba. Chubby lang. Hihi
“PSST! Taba…”
Huminto ulit ako pero this time, nilingon ko na yung pinanggalingan nung sumisitsit. Parang nakakainsulto kasi e.. Hindi naman sa affected ako… pero… basta!
Paglingon ko, unang nakita ng paningin ko ang nakangising muka ni Carlo Espanto. Tinaasaan ko sya ng kilay dahil nakatingin sakin ang loko!
“Akala ko hindi ka na lilingon eh.”
“Excuse me?” Ako ba ang kausap ng lalaking to?
“Kanina pa kasi kita tinatawag. Hindi ka naman lumilingon.”
Mukang ako nga! Pero teka?? Kung ako pala yung tinatawag nya… ibig sabihin, ako yung Taba?! BRRRR!
“Anong sabi mo?!”
“Ang sabi ko, kanina pa kita tinatawag---“
“Tinawag mo akong --- Taba?”
“oh? Anong problema dun?”
Anong problema dun?!!! MALAKI!! KASING LAKI NG BILLBOARD SA EDSA!! PESTENG TO!
“Hoy!! Mr. Espanto, hindi tamang tinatawag ng ganun ang mga babae! Isa pa, sinabi ng hindi ako mataba!! Chubby lang!!”
“Pareho lang yun. Ms.Candeva.” Abat talaga--!!!
“Argh! Ano na naman bang kailangan mo ha?!!”
Lumapit sya sakin at hinagis sa tyan ko ang isang plastic bag.
“Aray naman!” Sumusobra na talaga ang lalaking to ah!
“Do my project in Music. I need that after lunch.” Ano daw?
“What the? At bakit naman ako ang gagawa nito aber?!”
“Dahil sinabi ko.” He said then smirked.
“Huh! Ang kapal!”
“Nagrereklamo ka?---------“
Inilapit nya yung muka nya sa may tenga ko…
“—baka gusto mong malaman nila ang sikreto mo… miss stalker?” pabulong nyang sabi.
Si Carlo Espanto. Ang nag-iisang pahirap sa nananahimik kong buhay! Simula kasi ng malaman nya ang aking deep dark secret, nagsimula na syang gawing miserable ang buhay ko. ARGHH! Hindi ko alam kung pano nya nalaman ang secret ko. Sinisugurado ko namang maaga akong pumapasok para walang makakita sakin pag ginagawa ko ang aking secret mission!
BINABASA MO ANG
Miss Chubby ♥ (Short Story)
RomanceChubby Definition: sumobra ng konti sa pagiging sexy, pero hindi naman umabot sa pagiging piggy. Synonyms: Healthy, Petite and slim ^__^v Note: Gawa-gawa ko lang po ang definition na yan. Lol. Sa mga insecure sa figures nila (kagaya ko) XD at sa ib...