"Cempre naman. Dadalin ba kita dito kung wala?" Oh my G!!
"A-ano naman yun?"
Medyo kinakabahan kong pang sabi.
Matagal na talaga akong nagtataka kung bakit at paano nalaman ni Carlo ang sikreto ko. Hindi naman kasi kami close dib a? Care nya naman kung admirer ako ni Harry my loves… at nagtataka din ako kung bakit lapit ng lapit sakin ang mokong na to, eh napakasuplado nya at snobero pa….. wag mong sabihing----- O.O
"Wag ka sanang mabibigla ah.. Alam kong matagal ka ng may gusto kay Harry--"
OMG! Sinasabi ko na nga ba!!!
"--At matagal mo na din syang hinahangaan.. pero Fatima, may dapat kang malaman." sabi nya habang unti-unting nilalapit yung muka nya sakin.
"A-ano yun?"
Ngumuso sya kaya nanglaki yung mga mata ko. OoO
*PAAAAK!* Agad syang napahawak sa pisngi nyang sinampal ko.
"OUCH! Bat ka ba nananampal?!!"
"E-eh.. kasi ikaw! Sinasabi ko na nga ba, may gusto ka sakin eh! Bakit mo ko hahalikan ha! Hindi ako easy to get no!"
"H-huh?? hahalikan?? ikaw?”
*Insert Awkward silence here*
“ HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Hoy! Bakit mo ko pinagtatawanan!" sabi ko sabay hampas sa kanya
"Oy! Nakakarami ka na ah! Hahahaha.. Nakakatawa ka kasi! hindi kita hahalikan! Pss.. Asa ka naman! Patapusin mo kasi muna ko! Ayun oh!" sabi nya sabay nguso ulit.
Napatingin ako dun sa direksyon kung saan sya nakanguso at nakita ko si Harry kasama nung mga kaibigan nya na papasok sa mcdo kaya napatayo ako.
"H-harry.." nagulat naman ako nung bigla nya akong hilahin paupo.
"Maupo ka nga muna.."
"B-bakit nandito si Harry? kaya mo ba ko--"
"Oo. Kay Kumalma ka lang muna dyan pwede?"
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Feeling ko, natatae at na ewan! Gosh! Kinakabahan ako! Alam kong para akong timang pero bakit ba?!! Ganito talaga ako pag nakikita ko si Harry eh!
Laking gulat ko umupo sila ng mga kaibigan nya sa table sa mismong likuran ng kinauupuan ko!!! At ang matindi pa, nakaupo sa likuran ko si Harry! Bale, back to back kami!!! KYAAAAAAA!! Upuan lang ang pagitan ng aming mga likod!!!!! >////////<
"Huy! Ayos ka lang?" tanong sakit ni Carlo. Tumango lang ako dahil speechless ako sa mga pangyayari. Kyaaaa!~
"Umayos ka nga! Para kang timang eh!" Sinipa ko sya mula dun sa ilalim ng lamesa
"Pasalamat ka.. hindi ako pwedeng manapak ngayon!" pabulong kong sabi sa kanya
"Pss? Bakit? Dahil nandyan yung Harry mo?" Nanglaki yung mga mata ko dahil sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Miss Chubby ♥ (Short Story)
RomanceChubby Definition: sumobra ng konti sa pagiging sexy, pero hindi naman umabot sa pagiging piggy. Synonyms: Healthy, Petite and slim ^__^v Note: Gawa-gawa ko lang po ang definition na yan. Lol. Sa mga insecure sa figures nila (kagaya ko) XD at sa ib...