Dinala ako ni Carlo sa isang restaurant malapit sa school namin.
"Peste ka talaga!! Kung magkacutting ka, wag mo na kong idamay!!" sabi ko sabay hampas sa ulo nya
"ARAY!! Bat ba nananakit ka dyan?! Pasalamat ka nga at sinama pa kita dito!"
"Bakit naman ako magpapasalamat sayo aber?! Ikaw nga ang may utang na loob sakin! Isa pa, first time kong mag cut-class dahil sayo!"
"Tss. Ang arte mo!"
Ewan ko ba naman sa lalaking to! Gwapo na sana eh… kaya lang ugaling halimaw! Nakakasira ng kagwapuhan nya ang attitude disorder nya!
Umupo sya dun sa isang vacant table for two, kaya sinundan ko naman sya.
"Akala ko ba nagugutom ka?! Kumain ka na nga para makapasok na ko!"
Naglabas sya ng 1000 pesos.
"Oh, Pumila ka na! Fries at sundae lang ang order ko. Bumili ka na din ng gusto mo."
Kinuha ko yung 1000 nya. Huh! Fries at sundae lang ang kakainin nya?! Akala ko ba nagugutom sya?! Tss. Bumili pala ng gusto ko ah. Pwes! Humanda kang halimaw ka, lintik lang ang walang ganti! Mwahahahaha!
******
Ninilapag ko yung tray sa lamesa namin after kong umorder.
"oh! Ayan na ang fries at sundae mo."
"Bakit yan lang ang binili mo? Asan na yung para sayo?" I grinned.
Bumili pala ng gusto ko ah! Lumingon-lingon ako para hanapin yung dalawang service crew na kasama ko kanina. >:D
"Kuya! Dito po yan!!" sabi ko dun sa dalawang service crew ng mcdo na may hawak ng tig-dalawang tray.
Nilapag nila sa mesa namin yung mga tray na hawak nila at halos humalakhak ako sa sobrang tuwa nung Makita ko yung reaksyon ng muka ni Carlo. HAHAHAHAHAHAHAHA!!
"Ay~.. hindi na kasya sa table namin. Ahm.. kuya, pwedeng pausog nung isang table dito?"
"Ahm.. okay po maam."-Service Crew
"Salamat kuya."
After nilang maayos yung table at mga pagkain KO. Umupo na ko sa tapat nya. Si Calro naman hindi pa din maipinta ang muka. HAHAHAHAHA
"A-ano to?!"
"Pagkain yan kuya!! Hindi ba obvious?!"
"M-mauubos mo ba ang lahat ng yan?!" Mukang napipikon na si kuya! Whahaha
"Tss! Di ba sabi mo bumili ako ng gusto ko? Ayan! Gusto ko lahat ng yan!~" huh! Ano ka ngayon?!
"Sinabi kong bumili ka ng gusto mo, hindi orderin mo lahat ng ngkadisplay sa counter!"
BINABASA MO ANG
Miss Chubby ♥ (Short Story)
RomanceChubby Definition: sumobra ng konti sa pagiging sexy, pero hindi naman umabot sa pagiging piggy. Synonyms: Healthy, Petite and slim ^__^v Note: Gawa-gawa ko lang po ang definition na yan. Lol. Sa mga insecure sa figures nila (kagaya ko) XD at sa ib...