Siguro nga hindi na ko makakapasok sa klase ko ngayong araw na to. Una sa lahat, wala na ko sa mood para bumalik ng school at mag-aral at pangalawa, ayoko ng bumalik dun dahil baka makita ko pa si Harry.
Pakshet! Ang tanga ko! Nakakainis!! Naiinis ako sa sarili ko! Napakapathetic ko! Nakakahiya ako!!
Feeling ko, naririnig ko pa din yung mga sinabi nila kanina.. paulit-ulit sa utak ko! Parang may sirang recorder na nagpapaalala sakin kung gano ako katanga!
'Shet! Matabang babae?!!'
'Letche! Hindi ako pumapatol sa matataba!'
'matabang nerd na babae?!!'
'MALAS MO PRE!!'
'HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA'
'HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA'
'HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!'
"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!"
Kinuha ko yung pinakamalaking bato na nakita ko at hinagis ko sa ilog na nasa harapan ko.
Dinala kasi ako ni Carlo sa lumang park sa likod ng school namin.
"AAAAAAAAAAAHHHHH!!! BAKIT BA ANG TANGA-TANGA KO!!!" *dampot ng malaking bato sabay hagis sa ilog*
"GINAWA KO NAMAN LAHAT!!~" *bato ulit*
"BAKIT AKO PA!!!!!!!!" *bato ulit*
"AAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!"
Feeling ko matatanggal na yung baga ko sa sobrang hingal ko. SHET! Bakit ba ayaw tumigil ng mga luhang to?!! Bakit ko ba iniiyakan ang walang kwentang lalaking yun?!!! BAKIT?!!
Porket sya si Harry Evangelista?!! Ang pinakasikat, pinakagwapo at pinakapopular na guy sa buong school?!
Ang nagiisang lalaking hinangaan ko?! Ang nag-iisang lalaking nagtanggol sakin nung mga panahong binubully ako ng buong school?! E isang beses lang naman yun eh! Pagkatapos nun, para na kong tanga na sunod ng sunod sa kanya! BAKIT NGA BA AKO NAGPAKABALIW SA KANYA?
Dahil nga ipinagtanggol nya ko noon! AAAAHHH!! Hindi ko na gustong isipin pa! Pero parang abnormal din tong kokote ko eh! Pilit inaalala ang dahilan kung bakit ako nabaliw ng ganun kay Harry! Parang kahapon lang kasi ang lahat eh… at isa pa… hinding hindi ko makakalimutan yung araw na yun… Naaalala ko pa nung pinagtanggol nya ko noon.....
**flashback**
"Piggy! piggy! oink! oink!"
"Piggy! piggy! oink! oink!"
"Piggy! piggy! oink! oink!"
Kanta ng mga classmate kong lalaki habang dumadaan ako sa hallway ng school namin. Transfer student lang ako sa school na to, dati kasi akong naghohome school kaya first time kong pumasok sa totoong eskwelahan pero unang linggo ko pa lang sa bago kong school, tampulan na agad ako ng tukso dahil sa mataba ako. Sobrang taba.
BINABASA MO ANG
Miss Chubby ♥ (Short Story)
RomanceChubby Definition: sumobra ng konti sa pagiging sexy, pero hindi naman umabot sa pagiging piggy. Synonyms: Healthy, Petite and slim ^__^v Note: Gawa-gawa ko lang po ang definition na yan. Lol. Sa mga insecure sa figures nila (kagaya ko) XD at sa ib...