Cindy Pov
Wala na akong balita tungkol kay xavier pagkatapos ng nangyaring paguusap namin noong nakaraang araw at halos wala rin akong maayos na tulog tuloy ay para akong zombie ngayon
Hindi ko na nasabi kila inigo at zach ang nangyaring pag-uusap namin ni Xavier dahil ayukong pati sila ay madisapoint ko sila naman kasi talaga ang dahilan kung bakit ako andito ngayon
Pero ngayon malinaw na sa akin ang lahat mukhang kailangan ko na ata bumalik sa pilipinas kailangan ko na talagang makaalis sa lugar na ito .
At dahil doon ay napagpasyahan kong kausapin sina zach at inigo kukumbinsihin ko sila na bumalik na sa pilipinas tutal wala na naman akong gagawin dito .
At sakto naman nakita ko sila sa may kusina naghahanda ng makakain huminga muna ako ng malalim bago ko sila pinuntahan .
"Gising ka na pala anong sa atin Cindy" bungad na tanong sa akin ni Zach
Kinalma ko ang sarili ko bago nagsalita " Pwede bang umalis na tayo sa lugar na ito gusto ko ng bumalik sa amin"tahasan kong sabi sa kanila
Matagal bago sila nakasagot nagkatinginan muna silang dalawa at parang nagpakiramdaman pa bago nila ako tinanong at tumingin sa akin ng seryoso
"Bakit may problema ba? " tanong ni Zach
"Where not yet leaving Cindy " ani naman ni Inigo "malapit na ang kaarawan Ni Xavier at kailangan natin maghanda para doon "
Patay na sinasabi na nga ba eh hindi madaling kumbinsihin ang dalawang ito ano na ngayon ang gagawin ko dapat ko bang sabihin sa kanila ang totoo pero imbis na. Sumagot ako sa kanila ay nanlulumo akong lumabas at nagtungo sa veranda para makalasap ng sariwang hangin
"Any problem " nagulat ako sa boses na iyon hindi ko alam na sinundan pala niya ako "kanina ka pa wala sa sarili mo you can talk to me cindy wag mong sarilihin ang problema mo i'm always here ready to listen " ani ni inigo
Napangiti na lamang ako dahil doon natandaan ko tuloy iyong unang araw na makita ko siya sa skul ang unang araw kung saan siya ang nagustuhan ko.
Kaya wala akong nagawa kundi sabihin ko ang lahat sa kanya alam kong siya ang kailangan ko sa mga panahong ito .
Nakita ko ang gulat at ang galit na anyo niya pagkatapos kong maikwento sa kanya ang lahat ng nangyari .
"You know what may alam akong paraan para maibsan iyang kalungkutan mo follow me Cindy" ani niya sa akin tsaka niya ako hinila pababa at nagtungo kami sa motor niya
"Come with me for a while and i can make you happy just in the meantime" sabi niya sa akin bago niya sinuot sa akin ang helmet at pinaharurot paalis ang kanyang motor . Huminto kami sa isang mall
"Anong ginagawa natin dito " tanong ko kay Inigo
"Andito tayo para makalma ang sarili mo at gusto ko wala ka munang iisipin kundi ang mga masasayang araw muna " sabi niya sa akin
Pumasok kami sa loob ng mall at nagsaya naglaro kami sa arcade sumakay sa iba't ibang rides at kumain ng kumain sa iba't ibang restaurant inigo make sure to make me happy just this once
Nagtungo kami sa isang shoe store pagkatapos meron siguro siyang pagbibigyan ng sapatos tumingin tingin ako sa loob ng shoe store pagkatapos ay isang red stiletto heels ang pumukaw ng atensyon ko kinuha ko iyon para tignan ang presyo at napa nganga ako sa laki ng presyo na iyon
Hindi ko iyon kayang bilhin kaya ibinalik ko na lang sayang mukhang bagay pa naman sana sa akin .
Bumalik na ako kung saan naghihintay si inigo sa akin .ilang minuto pa ang itinagal namin sa mall bago ako napagod kaya nagdesisyon na kaming umuwi na lang at tama si inigo kahit papaano sa ilang oras na kasama ko siya ay nakalimutan ko ang iniinda kong sakit sa puso ko !!
Xavier Pov
Napakarami kong iniisip nitong mga nakaraang araw at halos ilang araw din akong lutang ni hindi ko nga masagot ng maayos ang mga katanungan sa akin ng mga empleyado ko eh dahil madalas ay nakatulala ako o di kaya ay wala naman ako sa sarili ko
Kaya napag-desisyunan ko munang mag-relax at magpalamig ng ulo dito sa mall dito ko lang kasi ako nakakaranas ng kapayapaan at nakakaiwas sa mga stress dulot ng pag tratrabaho ito na rin ang free time ko sa sarili ko .
Deserve ko rin naman siguro ng free time ano ! Nagtungo ako sa may ice rink dito gusto ko mag skate ito ang pampalipas ko ng oras dito. Ilang minuto rin ang ginawa kong pag skate kaya napagod din ako
Nakakapagod din pala ito .kaya nagdesisyon akong huminto na at maglibot-libot na lang sa kalilibot ko ay may pumukaw sa atensyon ko at di ko rin inaasahan na makikita ko siya rito kasama ang isa sa mga kaibigan ko mukhang napakasaya nila nagtatawanan pa sila .pero anong ginagawa nila dito anong ginagawa nila Cindy at Inigo dito ng hindi ko na makayanan ay naglakad ako papalayo pero sumulyap muna ako kay Cindy nakita ko siyang may hawak na pulang sapatos pero ibinalik niya rin iyon atsaka lumabas
Nagtago ako para hindi nila ako makita ng makasigurong wala na sila ay tsaka ako pumasok sa loob upang bilhin sana iyong sapatos
Pero laking gulat ko ng may biglang sumulpot na isang babae at nakahawak din iyong kamay niya doon sa sapatos
"Ah excuse me miss ako ang nakauna sa sapatos na ito" taas kilay kong sabi doon sa babae
"Excuse me rin po MR. kanina pa ako dito isa pa napakaraming sapatos dyan oh akin itong pulang sapatos na ito" sagot sa akin noong babae
At dahil sa inis ko ay hinila ko iyong sapatos kaya dalawa kaming naghihilaan ngayon walang gustong bumitaw sa sapatos
"Ano Ba bitawan mo nga " sabi ko doon sa babae
"No ako ang nauna kaya ikaw ang bumitaw" sagot naman niya
At dahil sa sobrang inis ko ay nabitawan ko iyong sapatos kaya natumba siya sa sahig napahiyaw naman siya tinitigan ako ng masama noong babae
Ilang sandali pa ay nilapitan ni nishida iyong babae
"Excuse me Miss "sabi ni Nishida doon sa babae "pero pwede mo ba ibigay sa amin iyang sapatos na iyan papalitan na lang namin kung gusto mo mahalaga kasi kay Sir Xavier ang babaeng pagbibigyan niya ng sapatos na iyan" doon ako napahinto at napatingin sa kanya
Alam kaya niya o nakita niya kaya sila Cindy at inigo kanina alam kasi niya kung kanino ko ibibigay ang sapatos na iyon .nahuli niya siguro ang pagsulyap ko kay cindy kanina
Wala na naman ako sa hulog pag nakikita ko kasi siya ay parang tumitigil ang mundo ko kapag. Siya ang nakikita ko .
Ilang saglit lang ay tumayo iyong babae at iniabot sa akin ang sapatos madali naman pala siyang kausap pinatagal pa niya at humaba pa ang mag aargumento namin .
Sa wakas ako ang nanalo haha akin na ang sapatos na ito .binilatan ko iyong babae bago nagtungo sa counter upang bayaran na iyong sapatos .
Pagkatapos ay pinabalot ko na atsaka na kami nagpasyang umalis nagtungo na kami ng sasakyan .
Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung ano ang mararamdaman ni Cindy pag nabigay ko na sa kanya ang sapatos na ito .
Well I hope she likes it !!!
BINABASA MO ANG
THE FALLEN FLOWER (SharDon)
FanfictionIsa lang naman ang pangarap ni Cindy ang mamuhay ng normal sa mundong ito Pero parang Hindi sumasang ayon sa kanya ang tadhana imbis na mamuhay ng normal ay magugulo pa ang tahimik niyang buhay sa pagpasok niya sa HARISON UNIVERSITY Magawa pa kay...