Chapter 27

63 7 0
                                    

Cindy POV

Nagulat ako isang araw pag gising ko ay ang dami ng tao sa bahay mukhang pinag uusapan kami . Dahil na nga siguro sa mga ipinadalang gamit kanina . May mga ref mga sofa at kung ano -ano pa hindi na nga iyon nagkasya sa Loob ng bahay namin eh .

Ang hindi ko maintindihan ay bakit niya ibinigay ang lahat ng iyon tuloy ay Hindi matigil ang pag tsitsismisan ng mga kapit bahay namin .

"Mare kanino galing ang mga iyan" turo ni aling Soledad sa mga gamit na nakalagay sa bahay

"Galing iyan sa boyfriend ng anak ko"sagot ng aking mama

"Talaga mayaman ba ang boyfriend ng anak mo " tanong nila

Doon ako pumagitna sa kanila masyado naman ata silang tsismosa

" Mawalang galang na ho ano "'sabi ko sa kanila " baka po pwede na po kayong umalis " Pagtataboy ko sa kanila

Narinig ko pa ang mga bulungan nila bago sila umalis sa harap ko . Tsaka ko binalingan ang aking Ina

"Ma bakit niyo po tinanggap ang mga iyan" turo ko sa mga appliances na dumating

"Nakakahiya naman kay Xavier anak kung isasauli natin ito " sabi niya sa akin

Sabi na nga ba eh sa kanya galing ang mga ito siya Lang naman ang May kakayahang gawin ito eh . Umiling na Lang ako

Late na akong nakapasok sa eskwelahan dahil na rin sa pagtatalo naming mag Ina ayaw kasi niya pumayag na isauli ang mga gamit eh . Kaya ito ako ngayon naglalakas Loob na Kausapin siya kahit alam kong ako rin ang mapapahiya sa gagawin ko

Mabilis akong nagtungo sa tambayan nila .at agad ko rin naman siyang Nakita .prenteng nakaupo sa couch mabuti na Lang at Wala pa ang dalawa niyang kaibigan hindi nila maririnig ang pagtalak ko

" Hoy lalaki" agaw pansin kong tawag sa kanya nagulat naman siya at napatingin sa akin pero nagulat ako dahil nakangiti siya ang lawak pa nga ng pagkakangiti niya eh

"Sinong May sabi sa'yo na magpadala ng mga gamit sa bahay?"tanong ko sa kanya

Imbis na sagutin ay ngumisi pa siya "nagustuhan mo ba ?" Balik niyang tanong sa akin

"Anong nagustuhan hindi mo ba alam ng pinagpipyestahan kami dahil sa ginawa mo "

"Hindi ba iyon naman ang nararapat ang suyuin ang mga magulang " sabi niya sa akin

Napatigil ako hindi ko alam kung ano na naman ang gusto niyang mangyari napapapikit na Lang ako sa inis sa lalaking ito

"Hindi mo ako girlfriend para gawin ang lahat ng ito " sabi ko sa kanya

"Bakit kailangan ba girlfriend muna kita para gawin ang lahat ng bagay na iyon "

Hindi na Lang ako nagsalita hindi naman magpapatalo ang lalaking ito isa pa nakakapagod makipag talo sa kanya . Dahil alam ko naman na hindi ako mananalo sa kanya

THE FALLEN FLOWER (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon