Chapter 19

94 9 0
                                    

Cindy's POV

Maaga kaming nakarating sa meeting place ngayon araw na din kasi ang Alis namin at dahil maaga akong sinundo eh ito nga kami ngayon at nag-aantay sa mga kaibigan niya

"Ano ba Xavier nahihilo na ako sa'yo " sabi ko sa kanya kanina pa kasi ito lakad ng lakad

Ang totoo niyan hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin ng maayos mag mula kasi nung umamin siya sa akin na Gusto niya ako ay Hindi na ako nakatulog ng maayos .Hindi ko din alam kung ano ang dapat kong maramdaman .o baka naman hindi siya seryoso nung sinabi niya iyon .

Tumigil ito sa paglalakad at tumingin sa akin "Pasensya na ang tagal kasi nila Cindy kilala mo ako ayuko ng pinag-aantay " sabi nito na naka kunot ang mga noo

Napabuntong hininga na Lang ako maya -maya ay dumating na din ang kanina pa namin inaantay isang kotse at isang motor isa-isa silang bumaba

"Cindy !" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses

"Pau anong ginagawa mo dito ?" Taka kong tanong sa kanya

"Sinundo ako ng lalaking iyan"sabay turo niya Kay Zach "sabi niya May nangyari daw sa'yo " nag alala niya akong tinignan at sinuyod ang kubuuan ko tinignan ko naman ng masama si Zach na kakamot kamot sa ulo nag peace sign ito

"The more the merrier " sabi niya sa akin

Umiling iling na Lang ako .sumulyap ako sa May gawi ni Inigo Nakita ko siyang nakatingin sa kawalan at malulungkot ang mga mata

"Cindy "pukaw sa akin ni Pau napalingon naman ako sa kanya "Alam mo ba kung bakit tayo nandito " tanong niya

"Pasensya na Pau kung nadamay ka pa dito Pero sabi kasi nila mag-babakasyon tayo " sabi ko sa kanya

"Alam mo ba kung Saan?

Oo nga pala hindi ko pa natatanong sa kanila kung saang lupalop kami pupunta .sa totoo Lang hindi ko akalain na makakasama ko ang tatlong lalaking ito na nasa harapan ko ngayon .

"Mawalang galang na ano ! " nabaling ang atensyon nila sa akin "pero Saan ba tayo pupunta ? " Tanong ko sa kanila

"Sa Isla Verde  " biglang sabi ni Xavier

Isla verde sa batangas .ngayon Lang ako makakapunta dun .

"Ngayon andito na tayong lahat pwede bang umalis na tayo para makadating tayo doon ng maaga" sabat ni Zach

Agad naman kaming tumango at sumakay na sa kani-kanilang sasakyan .Hindi ko kasama si Pau dahil doon siya sumakay kay Zach.

Iniumang ko ang upuan ko ng pahiga dahil kanina pa ako inaantok .dahil maaga akong nagising .at halos walang maayos na tulog

"Seryoso Cindy tutulugan mo ako ? " tanong sa akin ni Xavier ng makapasok siya sa kotse

"Maaga mo akong binulabog sa bahay kaya pwede ba wag ka ng magreklamo dahil antok na antok pa ako " sabi ko sa kanya

Ngumisi siya tsaka umiling .pinikit ko ang aking mga mata at ilang sandali Lang ay dinalaw na ako ng antok!

"Cindy wake-up where here" naalimpungatan ako sa pag -gising niya sa akin hindi ko namalayan na andito na kami napasarap ata ang tulog ko .

THE FALLEN FLOWER (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon