Chapter 5

147 9 0
                                    

Cindy's POV

Nagising ako ng makarinig ng ingay na nagmumula sa labas ng aming bahay kinusot kusot ko ang aking mata at bumangon na kahet inaantok pa ako nagtungo na ako sa banyo at naghilamos tska ako nagpalit ng damit pambahay .

Ng natapos na ako ay lumabas na ako ng aking kwarto upang tignan ko kanino nagmumula ang mga ingay na yun ng makalabas ako ay na abutan ko ang aking mga magulang at nakikipag talo sa isang matandang babae kaya agad ko silang nilapitan

"Wag ho kayong mag alala aling pasing makakabayad kame ng upa hindi Lang ho sa ngayon " ani ng aking ina

"Napaka haba na ng palugit na ibinigay ko sa inyo aba'y sumusobra na ata kayo " ani nung isang matandang babae

"Isang buwan pa ho bigyan nyo pa ho kami ng isang buwan hindi pa ho kasi sumusweldo ang Asawa ko " pagmamaka awa naman ng aking ina

Dali Dali na rin akong lumapit sa aking Ina na ngayon ang mangiyak-iyak na

"Ma Ano po ang nangyayari dito "sabi ko habang Inaalo siya

"Sinisingil na kase tayo ni Aling Pasing anak Wala naman ako maibigay sa kanya dahil hindi pa sumusweldo ang papa mo " ani niya sa mababang tono

Mukhang mapapalayas pa kami sa pamamahay na ito ng wala sa oras dahan dahan akong lumingon at humarap kay aling Pasing

"Pwede po ba bumalik na lang po kayo mamaya pinapangako ko po makakabayad kami " ani ko habang kinakalma ko ang sarili ko

"Siguraduhin niyo lang kung hindi hindi ako magdadalawang isip na paalisin kayo dito " anito at walang pasabing umalis na at naglakad palayo

Isang buntong hininga ang ginawa ko mukhang kailangan kong gumawa ng paraan para hindi kami mapaalis sa bahay na ito muli kong binaling ang tingin sa aking Ina na ngayon ay kumalma na

"Wag na po kayong Mabahala ma gagawa ako ng paraan "ani ko sa kanya

Maya-maya pa ay kumalma na siya mukhang kailangan kong makausap si kuya Marco ito na Lang ang tangi kong paraan para makabayad ng upa dali Dali akong nagtungo sa kwarto upang maligo at makapag bihis alas syete pa lang naman ng umaga may oras pa ako para makapasok sa trabaho

Ng makarating na ako Sa QUARANTEA Ay agad akong pumasok sa Loob nadatnan ko pa si pau na gulat na napatingin sa akin

"Cindy anong ginagawa mo dito diba may pasok ka pa " Ani ni pau habang nakatingin si akin

"Kailangan kong makausap si kuya marco asan siya " tanong ko kay pau na gulat pa rin na nakatingin sa akin bgo nag salita

"Nasa may kusina siya " Turo niya at agad ko naman tinungo ang kusina kinalma ko muna ang sarali ko bago ako makapasok sa loob kakapalan ko na ang mukha ko tutal ito na Lang ang natitirang pag asa ko

Agad agad akong lumapit sa kanya ng makita ko siya halatang na gulat din siya ng makita ako

"Cindy anong ginagawa mo dito? " tanong ni kuya Marco hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at sinabi ang dahilan ko

"Kailangan ko pong humingi ng advance na sweldo ngayon " ani ko nahalata ko ang gulat sa mukha niya pero Wala na akong ibang paraan ito na Lang ang paraang naisip ko "kailangan po kse namin ng pambayad mula sa upa kayo na Lang po ang tanging matatakbuhan ko sa oras na to " ani ko ng may halong pagmamakaawa sa boses ko

THE FALLEN FLOWER (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon