1

322 11 7
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gerard's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gerard's PoV

"Gerard, pagkatapos ng dinner mag-uusap tayo"

"Okay, Dad" walang ganang tugon ko sa kanya saka ako dumiretso sa kwarto ko para magbihis at magpahinga.

Lagi namang ganyan, si Dad andyan lang pag may bagsak ako. Ano pa bang aasahan ko? Failures ko lang naman nakikita nila, kaya nawawalan na rin ako ng pakialam.

Nagpost ako sa twitter para sa monthsary namin ng long time girlfriend ko. Actually, she's my childhood sweetheart, si Tasha. Hindi na niya ako nireplyan after ng message ko sa kanya. Ayun, busy na naman sa pag-aaral. Tch, istorbo sa lovelife, kaasar.

Bumaba ako para kumain ng dinner, pero parang nawawalan ako ng gana. Alam mo yung dinner pero kung titigan ka ng sarili mong ama para kang lalamunin ng buhay? Ganun ako titigan ng tatay ko ngayon.

Thankfully, I survived eating my dinner without getting bitten, geez. Natapos ang dinner namin then naiwan kami ni papa sa dining hall.

"Sumunod ka sakin sa library" sambit niya saka tumayo at pumunta sa library. Sumunod naman ako kay dad pagkatapos. Pagkadating dun ay umupo na ko sa may bakanteng silya sa harapan ni Dad.

"Explain this" matigas na sambit niya sabay bagsak ng report card ko sa lamesa

"Kailan ka ba matututong bata ka? Nakikita mo ba yang mga grades mong palakol?! Sa tingin mo nakakatuwang tingnan yan?!"

Nakayuko lang ako habang nagsasalita si Dad. Expected ko na to eh.

"Hanggang diyan na lang ba kaya mong gawin?! Pulpol ka talaga!" dinuro nito ang ulo ko saka itinulak yon gamit ang daliri niya

"Babawi po ako next time, dad"

"Aba, dapat lang! Mahiya ka sa girlfriend mo! Mabuti pa siya, consisten sa Top 1 ng school! Eh ikaw? Puro ka pagbubulakbol! Ano? Pano ka papakasalan ni Tasha kung ganyan ka?! Walang kadiredireksyon sa buhay! Ipapaalala ko lang sayo na wala akong anak na bobo!"

Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa habang seryoso lang akong nakatitig sa class card kong nakalapag sa lamesa.

"Ayusin mo yan. Dahil kung hindi, ipapadala kita sa Germany at dun ka mag-aaral. Ilalayo kita sa mga kaibigan mo, pati kay Tasha. Naiintindigan mo ba?!"

Hindi ako kumibo imbis ay padabog akong lumabas sa library ni Dad.

Hindi ako kumibo imbis ay padabog akong lumabas sa library ni Dad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Terror LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon