Sinama ko sa paghihiwa ko ng karne ang lahat ng sama ng loob ko.
Paano ba naman kasi ako nalang lahat gumagalaw sa Condo. Ever since the lockdown started all they did was make me a slave.
Ako na magluluto, ako pa maghuhugas ng pinggan ako pa maglalaba.
Yes i know what your thinking we don't have communication that's why this is happening.
Napaka Tahimik ko and Polite as a person. I don't want to make a fuss, pero tipong dinadabog ko na ang mismong paglapag ng plato di pa din sila makaintindi.
"Rex, pre what are you cooking?" Tanong ni Gelo thats my cousin on the mother's side.
"Adobo" sagot ko at nagpatuloy na sa paghiwa ng karne ng manok.
"Nanaman? Yan din diba yung ulam natin the other day?" Tanong ni Rio
"That's all we've got" sagot ko kaya napatahimik silang dalawa at nagsimula na ulit magscroll sa mga phone nila.
"Kilala mo ba si Frida Garcia, Rex? Same org kayo" sabi ni Rio. Di ko siya pinansin alam ko na din naman saan toh papunta eh.
"Shawty ba pare?" Tanong ni Gelo saka nakiusyoso kay Rio.
"Pare pakilala mo naman kami" sabi bigla ni Gelo nang matapos magscroll sa phone.
"Oh ba't pati you? I was first Gelo" sabi ni Rio at medyo nanigas ang panga niya sa inis.
"I don't see your name on that girl, pustahan nalang pare" sabi ni Gelo at sa di malamang dahilan nagkasang ayon sila.
"I don't know her" bigla kong sabat at nawalan naman sila ng pag-asa.
Iginisa ko na ang bawang at sibuyas hinalo ko na din ang siling green. That's my moms recipe it might sound wrong to others pero inuuna ko talaga yung siling green kasi yun ang sabi ni mom.
Nilagay ko na ang manok at hinalo ang iba pang sahog. Habang kumukulo na ang adobo ay gumawa ako ng Coffee, mabilis lang maluto ang adobo kaya pagbalik ko ay nilagay ko nalang ang gulay saka tinignan ang kanin.
When all of that was over dumiretso ako sa pinto nag-mask saka lumabas dala ang pagkain na inilagay ko sa baonan.
Sa Rooftop ko balak kumain. Maaga pa at ayaw ko muna ma-stress sa dalawang kumah kong pinsan.
"You're here again?" Tanong ng pamilya na boses.
"Halata ba?" Sagot ko saka iniwasan ang tingin niya, pumunta ako sa medyo malayo sa kanya para di niya ako makausap.
"So why you here? Alam mo ang suplado mo, I always see you here pero never mo akong pinansin" sabi niya bigla at nag-pout.
"I don't know you" sabi ko sa kanya tapos bigla nalang siyang ngumiti.
"Magpapakilala ako, I'm Coniella Exyzz-" di ko na siya pinatapos dahil kilala ko naman talaga siya ayaw ko lang syang kausapin.
Coniella Exyzz Romueldez ang nagbasted sa dalawa kong kumag na pinsan. Party girl but also a dein's lister, Org Queen din dahil kahit anong Org ang sasalihan mo ay anjan siya nakangiti sayo.
"I know who you are" sabi ko kaya mas lalong lumapad ang ngisi niya.
"Akala ko ba sabi mo you don't know me?" Tanong niya sa akin. Di na ako nagsalita para di na humaba ang usapan.
"You hate living with your cousins noh? I hate living with my step-sisters too, minsan they're kinda fraustrating eh" sabi niya at kinainan ang dala niyang tinapay.
"I would do everything just to be free from them" sabi ko sa kanya at napatingin sya sa akin.
"Magkuwento ka" sabi niya at narinig kong tumunog ang tiyan niya kaya natawa ako, that piece of bread won't do magugutom talaga siya.
"Oh sayo na" sabi ko sabay bigay ng food ko sa kanya. Kawawa naman baka mamatay pa yan eh.
"Thank you, you're so kind. Akin nalang toh ha, I never say NO to food eh" sabi niya at tumawa
"I'm just sick of them" sabi ko kaya lumapit pa sya sa akin. Jeez where's my privacy?
"You know you're cousins are jerks, no offense kaya i feel you" sabi niya at tinapik-tapik ang likod ko habang nakakunot ang noo
"May hinanakit ka sa kanila or something?" Tanong ko parang wala ng bukas pagkakunoot ng noo niya ng sinabi niya yun eh
"Wow nagsasalita ka pala? Kanina lang ayaw mo makipag-usap sa akin" sabi niya kaya natawa kami pareho.
"Well I'm talking now" sabi ko at ngumiti.
"Tell you what balik ka ulit dito bukas, may class pa ako gotta go" sabi niya at umalis na. So rude just when i was about to talk to her iniwan niya ako, but why am i smilling?
BINABASA MO ANG
Meet you on the Rooftop [COMPLETED] LOCKDOWN SERIES#2
Short StoryAdmit it or not we all kind of broke down when the quarantine started. We didn't like being locked inside our house/Condo/Boarding house or anything you wanna call it. Our lives stopped for a bit and boy it was hella energy draining, that's what Rex...