XII

1K 18 1
                                    

Sinimulan ko nang bumangon mula sa pagkakahiga para makapaghanda na para sa training.

 
Nagunat-unat muna ako ng aking katawan nang biglang tumunog ang aking buto kaya natawa ako. Pumunta na rin ako sa kusina para makapaghanda ng agahan at kape para makain.

Pagkakain ko, inihanda ko na ang aking mga susuotin lalo na ang itim na t-shirt na may nakalagay sa likod na "Philippine Army" at ang aking combat shoes. Pagkatapos ko namang makapaligo at makapagbihis ay tinali ko na ang mahaba kong buhok para 'di sagabal sa aking pagtatraining. Nakahanda na ang aking sarili kaya kinuha ko na ang aking baril at umalis.

Pagkarating sa kampo ay marami-rami na rin sila at napansin kong nakapangtraining rin na damit si Athena. Handang-handa na talaga siya sa pageensayo namin.

Oo nga pala, bigla kong naalala na ako nga pala ang magtuturo at magbabantay sa kaniya dito sa kampo habang nagsasanay kami. Gusto ko ring masubaybayan ang ginagawa niya rito sa kampo kaya pumayag ako sa kagustuhan niya.

Habang naglalakad ako papalapit sa kanila ay may umakbay sa akin. Walang iba kung hindi si Tyler. Meron pa bang iba? Siya lang ang sobrang kasundo ko dito sa kampo.

"Namiss kita, Eyz. Hindi rin kasi kita nakita kahapon."

"Ay, sus. Parang isang araw lang namang hindi nagkita namimiss mo na agad ako?"

Miss niya na raw ako? Minsan hindi ko alam kung nageexagerate lang si Tyler sa mga sinasabi niya.

"Oo nga, 'di kasi kita nasamahan magsimba kahapon. Pasensya ka na, may ginawa rin kasi ako kahapon." paghingi niya ng tawad sa akin.

Teka, bakit siya nag-sosorry sa akin? Ayos lang naman 'yun kahit hindi niya ako masamahan parati.

"Uy, ayos lang 'yun, ito naman. Oo nga pala, paano mo nalamang nagsimba ako kahapon?" tanong ko dahil nakakapagtaka na alam niyang nagsimba ako.

Maliban nalang kung sinusundan niya ako o 'di kaya naman ay nagsimba rin siya pero hindi ko siya nakita. Hindi niya nalang sinagot ang aking tanong at nagkibit-balikat nalang sa akin.

Patuloy pa kami sa paguusap ni Tyler nang may narinig kaming pumito. Ang aming kapitan, senyales na simula na ang pageensayo namin.

"Itigil muna ang pakikipagkulitan, maaring ipagpatuloy 'yan mamaya para makapagsimula na tayo sa ating pagsasanay." sabi niyang lahat sa amin pero pakiramdam ko kami ni Tyler ang pinaparinggan niya.

Pumwesto na rin kaming lahat dahil magsisimula na ang aming pagsasanay.

"Gaya nga ng sinabi ko, sasama sa ating pageensayo si Athena at inaasahan ko na tutulungan natin siyang lahat dito sa kampo, lalo ka na Lieutenant Corazon." anunsyo niya at saglit na lumingon sa akin.

"Ngayong araw, pagbibigyan ko kayo na magagaang gawain lang ang gagawin lalo na unang araw ng pageensayo ngayon ni Athena." patuloy niya pa sa pagsasalita.

"Kaya, kahit anong gawin ninyo basta makikita kong may ginagawa at nag-eensayo kayo ay ayos lang, ang mahuli kong walang ginagawa habang nagsasanay ay makakatanggap ng parusa, naintindihan niyo ba?"

Fight For You (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon