XXXIV

674 15 0
                                    

Hanggang ngayon ay nababalisa pa rin ako dahil sa nangyari kagabi. Naisip ko na huwag na lang 'to banggitin kay Vhal dahil paniguradong mag-aalala siya kapag nalaman niya.

Maaga akong nagising at nagpaalam na rin ako sa kaniya na uuwi muna ako sa tinutuluyan ko para makakain na ng agahan at makapagbihis na rin.

Pagkarating ko sa aking tent ay muli na naman akong nakatanggap ng mensahe mula kay Athena.

Athena:

Eyz, bakit 'di ka nag-reply sa akin? Ayos ka lang ba? May nangyari bang masama sayo?

Nagtataka na talaga ako sa kinikilos at sinasabi niya simula pa kagabi kaya hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na pagbintangan siya sa nangyayari.

Huminga ako nang malalim at pumunta sa kusina upang makakain na ng agahan.

Pagkakain ko ay naligo na rin ako at nagbihis. Habang nakatingin ako sa salamin ay napasulyap ako sa kalendaryo. Naalala ko bigla na dalawang araw nalang ay kaarawan ko na.

Sadyang napakabilis ng panahon at araw nalang ay kaarawan ko na. Wala naman akong naisip na gagawin sa araw ko kung hindi mag-training at matulog, parang sa gawain ko lang tuwing karaniwang araw.

Pagkabihis ko ay kinuha ko na rin ang aking mga gagamitin at umalis na patungo sa kampo. Pagdating ko sa kampo ay nakita ko na agad sila na magkakalapit. Ako nalang pala ang inaantay dito sa kampo.

"Gusto ko lang ipaalala sa inyo ang gagawin natin, medyo malapit-lapit na ang nakatakdang araw ng misyon natin laban sa mga terorista kaya pinapaalalahanan ko ang bawat isa sa inyo na ihanda niyo na ang inyong sarili." pagsisimula niya.

"Kapag kailangan niyo ng tulong ko o may nais kayong itanong, lumapit lang kayo sa akin at tutulungan ko kayo. Magandang umaga sa inyong lahat at maari na kayong magsimula sa pag-eensayo niyo."  paalam niya sa amin at tumabi sa tabi ko.

"Eyz, nakakain ka na ba?"  tanong sa akin ni Vhal.

Nagulat ako dahil bigla siyang sumulpot sa tabi ko.

"Oo naman, ikaw ba?" 

"Oo, pwede ba tayong magsabay mamaya sa lunch?" nahihiya niyang tanong.

Ang cute niya talaga kapag nahihiya siya. Ang sarap lang isipin na ang kinatatakutan naming tao dito sa kampo ay mahiyain pagdating sa akin.

"Bakit ka nahihiya? Sige na nga, sabay na tayo mamaya."  nakangiti kong sagot sa kaniya.

Bigla niya namang hinawakan ang buhok ko at ginulo ito kaya nakita ko ang ilan kong kapwa sundalo na nakatingin sa amin at tinutukso kaming dalawa.

"Eyz, nawala lang ako ng ilang buwan rito malalaman ko nalang bigla na may namamagitan na sa inyo ni Capt." panimulang tukso ni Lt. Vincent.

"Ang hilig mo talaga mang-asar Lieutenant, tsaka walang namamagitan sa amin 'no."  tanggi ko naman.

Fight For You (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon