XXII

729 16 2
                                    

Pagkagising ko kinabukasan ay nakayakap pa rin nang mahigpit sa akin si Athena at mahimbing pa rin na natutulog na parang isang anghel.

Dahan-dahan ko nalang tinanggal ang kanyang braso sa aking katawan para makatayo ako at makapaghanda na ng almusal namin.

Habang tinatali ko ang aking buhok ay tumatawag sa aking telepono si Capt. Vhal. Lumayo ako mula sa kwarto at bumaba ako sa hagdan nang kaunti at sinagot ang kanyang tawag.

"Good morning po, napatawag po kayo?" tanong ko.

"Wala lang, gusto ko lang tanungin kung nag-almusal ka na ba." kaswal niyang sagot.

Tinanong niya lang ako kung kumain na ba ako ng almusal pero heto ako, nakangiti na nang todo na kaunti nalang ay maabutan na ang kisame nitong bahay namin.

"Kakagising ko lang po, maghahanda pa lang ng kakainin. Kayo po ba?" tanong ko sa linya.

"Nakakain na ako, maghanda ka na rin dyan ng kakainin niyo. Good morning uli, Eraleyz." 

"Opo, good morning po uli" sagot ko sa kaniya habang pinipigilang mahalata ang saya na nararamdaman ko.

Pinatay ko na ang tawag nang mapansin kong ngiting-ngiti pa rin ako. Napailing nalang ako at tumungo sa kusina para maghanda ng kakainin namin nila Mama.

Nakita ko naman si Mama sa garden namin na nagdidilig ng halaman kaya agad ko siyang nilapitan upang batiin.

"Good morning, Mama!" masaya kong bati sa kaniya.

"Uy, good morning rin anak. Para yatang maganda ang gising mo ngayon ha?"

"Maganda naman po yung gising ko palagi mama ah?"

"Hindi, parang may kakaiba ngayon." may panghihinala niyang pagkakasabi.

"Ma naman, masaya lang talaga po ako ngayon dahil nakakasama ko po uli kayo kahit saglit lang." sagot ko sa kaniya. Totoo naman talaga na masaya ako ngayon dahil kasama ko siya.

"Hays, ito talaga 'tong batang 'to napakabolera. Pero matanong nga kita, Iba talaga yung ngiti mo ngayon, may hindi ba ako alam Eyz?" sabi niya habang nakatingin nang mariin sa akin.

"Ma! Ano po yung sinasabi mo?" nahihiya kong tanong.

"Kilala kita Eraleyz, tsaka nasa wastong gulang ka naman na anak para sa mga ganyang bagay kaya walang masama." Tsaka ko lang naintindihan yung sinasabi niya kaya napailing nalang ako.

"Kung sino man 'yang natitipuhan mo, Aba! ipakilala mo sa akin 'yan anak nang makilatis ko ang lalaking 'yan." panunukso niya sa akin.

"Ma naman, masaya po ako na ikaw at trabaho ko po muna ang pinaglalaanan ko ng oras at atensyon ko, kaya kayo po muna ang prayoridad ko." depensa ko.

Fight For You (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon