XIII

927 22 2
                                    

Ilang araw pa ang nakalipas at mas lalo nga kaming naging close ni Athena sa isa't isa.

Dahil rin doon ay paunti-unti na ring nagkakaroon ng pagitan sa aming dalawa ni Tyler. Hanggang tinginan nalang kaming dalawa sa isa't isa dahil mukhang ayaw niya na akong kausapin.

Hindi ako mapakali nang natapos lang doon ang pagkakaibigan naming dalawa kaya gusto ko na siyang makausap at maayos ang dapat ayusin sa aming dalawa. Sakto namang habang lunch break namin sa training nang napansin kong nakaupo lang siya sa gilid at mag-isang nakaupo.

Sinubukan ko siyang lapitan ngunit hindi pa man ako nakakalapit sa kaniya ay tuluyan na siyang tumalikod at lumakad papalayo. Para tuloy akong may nakakahawang sakit dahil sa labis na pag-iwas niya sa akin.

Kahit na gusto kong magtampo sa kaniya dahil hindi niya na ako pinapansin, hindi ko naman magawa kaya napagpasyahan kong habulin siya para makapagusap na kami. Anong nangyari sayo Tyler?

"Tyler..." tawag ko sa kaniya. Nagbabakasakali na lumingon siya sa akin.

Hindi siya lumingon sa akin kahit na tinawag ko siya kaya hinawakan ko na siya sa braso. Naramdaman ko na napatigil rin siya sa paglalakad.

"Tyler, ano bang problema? Bakt hindi mo na ako kinakausap?" naguguluhan kong tanong. Wala akong kaide-ideya kung bakit niya ako iniiwasan at hindi pinapansin.

"Mukhang hindi mo naman na ako kailangan Eraleyz kaya hindi na rin kita kakausapin." malamig niyang tugon. Tama ba ang narinig ko? Hindi niya na raw ako kakausapin?

"Ano 'yun, Tyler? Ganon-ganon nalang 'yon? Ikaw ang unang naging kaibigan at kasundo ko dito sa kampo kaya 'di ganoon kadali 'yang sinasabi mo."

Nahihirapan ako na ganito ang sitwasyon naming dalawa kaya hangga't maari, hahanap at hahanap ako ng solusyon dito.

"Pilitin mo Eraleyz kahit hindi madali." iritable niyang sagot. Anong nangyari sayo Tyler? Bakit ka naging ganyan?

"Ayoko." pagpupumilit ko dahil naiisip ko palang na hindi na kami magpasinang dalawa ay nasasaktan na ako kaya gusto ko ng maayos kaming dalawa. Hindi ako susuko.

Naiiyak na ako sa sitwasyon ko ngayon dahil sinasabi niya na nga na ayaw nya na kong kausapin. Pero heto ako, nagpupumilit pa rin.

Hindi ko naman ugali na mamilit ng isang tao na ayaw sa akin pero ibang usapan na si Tyler, hindi lang siya basta-basta sa buhay ko.

Nang narinig niyang humikbi ako ay napansin ko na lumingon sya sa akin at niyakap ako. Lalo akong napahagulgol dahil sa kaniya. Please, 'wag mo akong iwasan Tyler.

"Hindi mo ba talaga alam ang problema Eyz? Hindi kasi ako sanay na may kasama kang iba. Napansin ko nitong mga nakaraang araw na palagi na kayong magkasama ni Athena, kaya sumagi sa isip ko na baka ayaw mo na akong maging kaibigan." sabi niya habang nakayakap sa akin.

"Baliw ka ba? Anong ayaw ka dyan? Ako nga 'tong nalulungkot sa kinikilos mo dahil pinapakita mo talaga sa akin na ayaw mo na akong kausapin." nagtatampo kong sabi sa kanya.

Naalala ko na naman nung nakaraan na nagkasalubungan kaming dalawa, ni ngiti ay di niya ako binigyan at nilagpasan niya lang ako.

"Kahit babae pa kasama mo Eyz, 'di talaga ako mapakali kapag may nakikita akong kasama na hindi ako." seryoso niyang sagot.

"Pasensya ka na kung nitong mga nakaraang araw ay 'di kita nakakausap, mas lalo kasi kaming naging close ni Athena lalo na't ako magtuturo sa kanya." paliwanag ko.

"Alam ko naman 'yun. Ginagawa mo lang ang tungkulin mo hindi ka mahirap kaibiganin Eyz pero mag-iingat ka pa rin."

"Saan naman ako mag-iingat?" naguguluhan kong tanong.

Fight For You (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon