XXVI

696 13 0
                                    

Napasarap ang pagtulog ko kaya 'di pa ako magigising kung hindi pa nag-alarm ang telepono ko.

Pagkaidlip sa balikat ko ni Vhal ay nagising rin siya agad. Humingi pa nga siya ng paumanhin sa akin dahil pagod na pagod raw siya.

Nagtataka nga ako kung pagod ba talaga siya kasi nahatid niya pa ako sa tent ko. Ayaw niyang umuwi ako mag-isa kaya sinamahan niya akong umuwi.

Pinaalala niya rin sa akin na bago magtanghalian ang nakatakdang oras na magkikita kami dahil ngayong araw kaming lalabas dalawa.

Hinalughog ko na lahat ng aking mga damit sa aking lagayan pero ni isa ay wala pa rin akong mapili. Sobrang naiinis na ako dahil ang dami ko namang dalang damit pero hindi ako makapili dahil kinakabahan ako na baka hindi niya magustuhan ang suot ko.

Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag nag-aayos ka para sa taong gusto mo? Kung 'di ko lang talaga siya gusto ay hindi ako mag-e-effort na magbihis at ayusan ang sarili ko.

Sa huli, napili ko ang isang sleeveless na black dress na lagpas sa aking tuhod pero fitted naman sa akin. Ayos naman na siguro 'to.

Pagkaligo ko ay sinuklayan ko na agad ang basa kong buhok at pinatuyo upang maitali 'to. Sinuot ko na rin ang aking black dress na kasyang-kasya pa rin sa akin hanggang ngayon. Ang sapatos ko namang susuotin ay ang black boots ko na pang-alis.

Napangiti nalang ako nang makita 'kong mukha akong elegante sa suot ko. Kinuha ko na rin ang aking black na sling bag upang doon ilagay ang mga importanteng bagay na dadalhin ko.

Sana lang talaga ay 'wag niya akong pagkamalang pupunta ng patay dahil itim na itim ang aking suot.

Umalis na agad ako at tumungo sa lugar na pagkikitaan naming dalawa.

Natanaw ko na agad siya sa 'di kalayuan. Napangisi ako nang makita kong nakaitim rin siyang polo na longsleeve na nakatupi ang sleeve sa siko nya.

Ang gwapo-gwapo naman nitong lalaking 'to lalo na't ganon pa ang kaniyang suot. Ang lakas na naman tuloy ng tibok ng puso ko.

Pagkatingin niya sa akin ay sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya. Hindi pa man ako nakakalapit sa kaniya nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit na mahigpit.

"Ang ganda mo naman, payakap lang ako saglit ha?" bulong niya sa akin.Napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya at ginantihan ko rin siya ng yakap.

"Mamaya ko na pupurihin uli 'yang ganda mo, umalis na tayo para madami tayong oras na magamit na magkasama tayong dalawa." nakangiti niyang sabi.

Akala ko ay mamamasahe kami papunta sa pupuntahan namin pero dala-dala niya pala ang kanyang sasakyan kaya doon kami sumakay.

"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko.

"Syempre surprise 'yon." sagot niya habang nagmamaneho.

Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya. Tumawa siya nang makita sa repleksyon ng salamin sa sasakyan ang ginawa ko.

"Huwag kang ganyan, ang cute mo Eyz." natatawa niyang sabi. Aba, pinagtitripan ba ako nito?

"Tumatawa ka nga, ibig sabihin nang-aasar ka lang." mataray kong sabi.

"Natutuwa ako kasi ang cute-cute mo."

"Napakabolero mo ring lalaki ka 'no?" akusa ko.

"Hindi ako nambobola, totoo kaya yung sinasabi ko." painosenta niyang sagot at saglit na sumulyap sa akin.

"Oo nga pala, hindi naman tayo nagusap pero bakit pareho tayong naka-itim?" tanong niya sa akin.

Napatingin rin ako sa suot naming dalawa. "Hindi ko rin alam pero ito nalang ang napili kong suotin lalo na't hindi ko alam kung ano susuotin ko." sagot ko at sumulyap sa aking suot.

Fight For You (Military Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon