Mayladelle's POV
Unti-unit kong iminulat ang aking mga mata at ang kisame agad ang aking nakita. Napagtanto kong umaga na pala. Kinapa ko ang aking hinihigaan at nasa kama pa rin naman ako. That is right. All those weird stuffs happened to me was only just a dream. I swear.
"Glad you're awake."
Napaupo ako sa pagkakahiga no'ng may biglang nagsalita sa katabing kama na hinihigaan ko. It was him, the guy from last night and yesterday night. Teka nga muna, nananaginip pa rin ba ako hanggang ngayon? Matapos ko siyang tingnan na nakaupo sa katabing kama ay agad akong nag-iwas ng tingin saka sinampal ko ang aking magkabilang pisngi ng sabay. Please! Gusto ko nang magising.
"I see."
Muli akong napalingon sa kanya noong nagsalita na naman siya. Naniningkit na naman ang kanyang mga mata habang naka-smirk at nakatingin sa akin
"Kunukumbinsi mo ang iyong sarili na isang panaginip lang ako. What s defense mechanism."
Diretsong sabi niya sa akin. Napasimangot ako sa sinabi niya.
"It's not like that. I did really thought you're just a nightmare, you idiot!"
Depensa ko naman sa sinabi niya.
"Gano'n ba? Pasinsiya ka na."
Natatawang sabi niya kasabay noon ang pagkamot niya sa kanyang batok. Ang bilis naman mag-iba ng facade niya. Abnormal siguro ang lalaking 'to. Nakapagtataka. Ang suot niya noong araw, kahapon at hanggang ngayon ay gano'n pa rin. Hindi man lang niya nagawang magbihis. Yuck! Kadiri. Gumapang ako sa kama at umupo sa tapat niya saka napabuntong hninga.
"Kung gano'n, hindi pala siya isang panaginip."
Bulong ko sa aking sarili habang nakayuko at napahawak sa aking noo. Kaya lang agad akong napatigil noong naalala ko kung paano tumagos ang kamay ko sa kamay niya. Habang nanginginig ay dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya.
"Well, I can explain that."
Nakangiting sabi niya na parang nahulaan niya agad ang nasa isip ko. Kahit may explanation man siya tungkol do'n, hindi pa rin normal sa isang taong gawing parang hangin ang kanya katawan. Nakakatakot! Sino ba talaga ang lalaking 'to?
"Ako nga pala ulit si Carl."
Inabot niya ulit ang kamay niya sa akin ngunit hindi ko ito tinanggap. Dahil do'n, hindi na lang niya itinuloy ang pakikipagkamay sa akin. Natatakot ako. Baka mangyari ulit ang nangyari kagabi. Ayaw ko nang subukan pang hawakan siya.
"At isa akong manunulat sa Wattpad. Kaya lang, isa na rin akong multo."
Mas lalo akong hindi makagalaw sa sinabi niya. Sana nagkamali na lang ako ng dinig. Bumilis ang pagkabog ng dibdib ko at dahil sa panic, agad akong napatakbo papuntang banyo. Sinarhan ko ang pintuan at napaupo habang nakasandal sa pinto. Tinakpan ko ang aking magkabilang tainga saka napapikit ng madiin.
"Panaginip lang 'to. Panaginip lang 'to. Panaginip lang ang lahat ng ito."
Paulit-ulit na bulong ko sa aking sarili. Gusto kong makumbinsi ang aking sarili na nasa isang masamang panaginip lang ako. Kailan ba ako magigising nito?
"Gotcha!"
Nagulat ako no'ng bigla na lang siyang sumulpot sa aking harapan. Nakaupo rin siya katulad ko habang nakangiti ng mapang-asar.
"P-paano ka napunta dito?"
Nauutal na tanong ko sa kanya.
"Well as a ghost, I can easily do that."
BINABASA MO ANG
@GhostWriter - Confession Series 2
ParanormalCarl's spirit has been haunting the university for years, unable to understand why he can't move on to the next world. But as it turns out, he's not just any restless ghost - he's also a famous writer on Wattpad, known by the penname GhostWriter. Al...