SIXTH ENTRY

8 4 0
                                        

Mayladelle's POV

Dumating ang Friday na nagpaiwan na naman akong mag-isa sa dorm. Hindi na ako umuwi ng bahay kagaya nina Cora at Kai dahil mas makaka-concentrate ako sa pagsusulat na ako lang mag-isa. Nagpaalam ako kay mama na hindi na muna ako uuwi this weekend at dinahilan ko na lang ang school projects. May isa pa akong dahilan kung bakit hindi ako uuwi, mas makakausap ko kasi ng maayos si kuya Author sa loob ng dorm na walang makikinig na ibang tao at aakalaing nababaliw na ako dahil kinakausap ko ang sarili ko.

Ayaw ko ring pati si mama mabaliw  sa pag-aalala kapag malaman niyang may kinakausap akong hindi nila nakikita. Kaya palagi talaga akong nag-iingat lalo na kina Kai at Cora, baka mahuli nila akong nagsasalitang mag-isa since hindi naman nila nakikita si Carl. Kapag na sa mga puplic places ako kagaya ng food court or sa lounge palagi akong nagsusuot ng headset kapag kinakausap ko si Carl para akalain ng lahat na nasa kabilang linya ang kausap ko.

Simula nang dumating si Carl at nagpakita sa akin, bigla na lang naging kumplikado ang buhay ko. Akala ko madali ang pagiging sikat. Kailangan pa palang marunong ako kung paano i-entertain ang mga tao sa paligid ko. Kahit wala ako sa mood, kailangan kong ngumiti. Naalala ko ang sinabi ng isa sa mga staffs ng book publishing company na pinermahan ko ng kuntrata, ang sabi niya magkakaroon daw ako ng interview para sa libro kong ipa-publish nila soon at para na rin i-promote ito.

Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Isa akong introvert na tao at hindi ako sanay sa mga ganoong bagay. Paano ko kaya sila haharapin. Ano naman kaya ang isasagot ko kapag magtanong sila tunggol sa mga kuwentong ginagawa ni Carl, kung bakit niya ito naisulat o ano'ng naging inspirasyon niya dito? Pa'no kapag hindi ako makasagot in the middle of the interview? Nakakatakot. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala kung bakit bigla na lang akong naging si GhostWriter.

"Hey."

Nagulat ako no'ng bigla niyang pisilin 'yong ilong ko. Napahawak ako sa aking ilong saka nilingon ko siyang nakaupo sa aking kama katabi ko.

"Trip ni'yo talagang mga multo ang manggulat 'no?"

Naiiritang sabi ko sa kanya.

"I'm sorry. Did I scare you so much?"

Natatawang sabi niya. At talagang may gana pa siyang itanong sa 'kin 'yan.

"Nevermind!"

Inikutan ko siya sa mata saka tumingin ulit sa ballpen at notebook na hawak ko. Tinitigan ko ito ng ilang sigundo habang nakapatong ang notebook sa aking hita.

Tinuturuan niya ako ngayon kung paano i-forge ang signature niya. Ang gusto niya, simula ngayon ito na rin ang magiging signature ko. Komentaryo pa niya, ang pangit daw kasi ng signature ko at nakakadismaya kapag darating ang panahon ng book signing. Talaga namang napakaarte niya. I can't believe a ghost is now controling my life.

"Why? Something's bothering you?"

Pagtatanong niya habang nakasilip siya sa mukha ko habang nakayuko ako at sa notebook ko lang nakatingin. Ang dami ng mga tries na ginawa ko para lang makupya ang signature niya, ngunit hindi ko pa rin ito magawa.

"Eh ang hirap naman kasi ng perma mo!"

Pagrereklamo ko sabay kamot sa aking ulo. Umayos siya sa kanyang pagkakaupo at huminga ng malalim.

"Mahirap talaga kapag ang isang bagay ay subrang ganda."

Akala ko pa naman may sasabihin siyang makabuluhan, 'yon pala magyayabang lang.

GhostWriter - Confession Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon