Carl's POV
It's precisely 4:00 o'clock in the afternoon. Habang naghihintay ako ng 30 minutes bago dumating ang schedule na naka-assign sa aming tatlo, humiwalay muna ako sa kanila. Nagpaalam ako kina Joseph at Ayan na gusto ko munang mapag-isa to clear my mind. Naintindihan naman nila ako dahil alam nilang gusto ko lang ihanda ang aking sarili bago ko lisanin ang mundong 'to at bago ko sila iwan.
Nagpunta ako sa abandunadong lugar kong saan kami madalas tumatambay. Dumungaw ako sa labas ng bintana at pagkatapos ay napatingin sa mabituwing kalangitan. Patay na ako at hindi ko na maibabalik pa ang buhay na mayro'n ako noon. Hindi ko na kailan man maibabalik pa ang kahapon.
Napayuko ako at napatingin sa naka-intertwine na mga kamay ko habang nakapatong ito sa bintana. Paano ko kaya ito ipapaliwanag kay May? Hindi ko rin alam kung kailan ako mawawala. Baka sa susunod na buwan o sa susunod na linggo. Puwede ring bukas sa makalawa, kinabukasan, mamaya o 'di kaya, ngayon na mismo. Alam kong matagal ko na itong hinahangad, pero sa totoo lang hindi pa ako handa. Hindi pa handa ang aking puso na iwan ang pangarap ko at
ang mga taong mahalaga sa akin."Why are you alone, feeling gray?"
Napakunot noo ako habang nakapikit ang aking mga mata noong narinig ko ang boses ng fallen angel sa aking likuran. Kaninang nakapatong ang aking mga braso sa bintana, ngayon lang ay tumayo ako ng tuwid. Napabuntong hininga muna ako bago ko siya hinarap. Gusto ko sanang makapag-isip ng maayos kaya lang, biglang dumating ang tarantado. Tiyak nandito siya para guluhin na naman ang isip ko.
"What do you want?"
Pagtatanong ko sa kanya noong hinarap ko na siya. Sumandal ako sa bintana saka napakrus ang aking mga braso habang seryuso akong nakatingin sa kanya. Sana sa pagkakataong 'to matino ang sasabihin niya sa 'kin.
"Mukhang masyado na yata kayong malapit sa isa't isa ng babaing 'yon."
Sabi niya sabay upo sa isang desk na madalas inuupuan ni Anthony noon. Marami ring mga nakaambak na upuan sa likuran nito at kadalasan ay sira na, ito lang ang nag-iisan nakatayo ng hiwalay sa ibang mga upuan kahit noon pa. Sinundan ko si Kai ng tingin hanggang sa kanyang pag-upo. Ano na naman kaya ang trip ng anghel na 'to?
"What do you want from her?"
Tanong ko sa kanya habang naniningkit ang aking mga mata.
"Paano kaya kapag malaman niya ang tunay mong pagkatao?"
Instead na sagutin niya ako ay bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi na para bang may halong takot. Dahil do'n, napangisi rin siya noong napansin niya ang nababahala kong itsura habang naka-number four ang kanyang mga paa.
"Don't you dare, Kai!"
Pagbabanta ko sa kanya habang tinitingnan ko siya ng masama.
"How exciting. Ano kaya ang mararamdaman ng babaing 'yon kapag malalaman niya ang tungkol sa ginawa ni'yo noon, bago kayo namatay ng mga kaibigan mo?"
Mas lalo akong nakaramdam ng takot sa kanyang sinabi. Parang ayaw ko na siyang marinig, ayaw ko nang dagdagan pa niya ang kanyang sasabihin. Ano ba talaga ang binabalak niya? Ano bang gusto niyang mangyari?
"I-I'm gonna tell her soon, but not now. Please just stay away from her, Kai."
Kahit nakikiusap ako sa kanya ay pinipilit ko pa ring maging ma-autoridad ang aking boses.
BINABASA MO ANG
@GhostWriter - Confession Series 2
ParanormalCarl's spirit has been haunting the university for years, unable to understand why he can't move on to the next world. But as it turns out, he's not just any restless ghost - he's also a famous writer on Wattpad, known by the penname GhostWriter. Al...