EIGHTH ENTRY

18 3 0
                                    

May's POV

Humiga ako sa aking kama at minsan nakikinig sa mga pinag-uusapan nina Cora at Kai. Aalis na daw si Kai sa paaralang to by next week. Hindi ko rin alam kung saang paaralan siya magta-transfer. Kahit hindi kami close, nakaramdam pa rin ako ng lungkot no'ng nalaman kong aalis na siya. Mami-miss ko ang ka-wierdo-han niya.

Tiningnan ko ang oras sa screen ng aking cellphone at nakita kong 7:27 PM na pala. Tinalikuran ko sila saka in-open ko ang Facebook account ni GhostWriter at tiningnan ko ang page ng book publishing company na-pinermahan ko ng kuntrata. They are still promoting one of GhostWriter's work that will be having a hard copy soon. Ang daming excited at hindi makapaghintay at isa na ako do'n.

"Cora, before I leave I have a wonderful story that I'm gonna share to you "

Narinig kong sabi ni Kai. Napangiti ako saka umiling. Ano na naman kayang klase ng ka-wierdo-han ang ikukuwento niya kay Cora? Baka brutal na naman ito at nakakadiri gaya ng madalas niyang ikinikuwento sa amin o 'di kaya tungkol sa mga multo.

"Noong unang panahon, may dalawang taong nagngangalang Anthony at Misaki."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan matapos marinig ang sinabi ni Kai. Habang nakahiga at nakatalikod sa kanilang dalawa na nag-uusap, naisip kong tingnan sila. Dahan-dahan akong lumingon at nakita kong nakaupo si Cora sa kanyang kama na katabi ko at si Kai na kaharap din niyang nakaupo sa pinakadulong kama.

Nakatalikod si Cora sa 'kin kaya hindi niya ako napansin noong nilingon ko sila. At dahil si Kai ay nakaharap sa amin nakita ko ang kanyang masayang ngiti. Bigla akong kinilabutan. Pakiramdam ko may kakaiba sa likod ng mga ngiting 'yon. Agad akong tumalikod muli noong nakita ko si Kai na tumingin sa akin.

"Subrang mahal nina Anthony at Misaki ang isa't isa. Ngunit, nagkahiwalay ang dalawa dahil sa isang malagim na pangyayari."

Narinig kong nagbuntong hininga si Cora. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay narinig ko ang tunog ng kama na gumalaw siya at humiga.

"Ano ba naman 'yan Kai? Aalis ka na nga ganyan pa rin ang mga ikinukuwento mo!"

Pagrereklamo ni Cora.

"Sorry. But do you want me to continue the story?"

Anthony. That name is so familiar to me.

"May?"

Narinig kong tinawag ako ni Cora. Naintindihan ko agad na gusto niya akong tanungin kung interesado ba akong ituloy ni Kai ang kuwento.

"Yeah go on."

Sagot ko kay Cora sa malamig na boses. Nag-scroll ako sa screen ng aking cellphone kahit wala na ro'n ang concentration ko. Nagkukunwari akong walang pakialam sa mga sinasabi ni Kai. Well, hindi ko dapat pinagtuunan ito ng pansin ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan.

"In other hand, may tatlong magkakaibigan na nagngangalang Ayan, Joseph at Carl."

Matapos marinig iyon ay bigla kong nabitawan ang hawak na cellphone. Nakakunot noong nilingon ko si Kai ngunit hindi ko na siya nakita dahil nakahiga na rin siya. Nasa pagitan naming dalawa ang nakahigang si Cora kaya kailangan ko pang bumangon upang tingnan siya, pero hindi ko na ginawa.

Ayan, Joseph at Carl. Hindi ako maaaring magkamali. Naalala kong nabanggit na sa akin ni Carl ang pangalang Anthony, Ayan at Joseph. Nakapagtataka. Saan ito nakuha ni Kai at sino ba si Misaki?

"Nagtapat si Ayan ng kanyang pag-ibig kay Misaki, ngunit hindi ito tinanggap ni Misaki dahil si Anthony lang ang tanging lalaking nilalaman ng kanyang puso."

@GhostWriter - Confession Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon