PROLOGUE

11 3 1
                                    

"Mahal kita bakit ba pinipilit mo pa ako sa iba!? Ikaw yung gusto ko eh bakit moko pinamimigay?" Nagpupuyos sa galit at sakit na sambit ni Cj.

I sighed, pinapanood ko ang ongoing shooting nila ngayon at mula dito sa kinatatayuan ko ay ramdam kong totoo ang pinapakita niyang emosyon habang umaarte.

It's been 10 months since he broke up with his fiance and alam kong hindi pa din sya nakaka get over.

The first 2 months ay nakita ko kung gaano siya kabasag na basag. Walang araw na lumipas na hindi siya iiyak at sa totoo lang nasasaktan din akong makita siyang ganun.

Nahirapan din kami ni Alex na kumbinsihin siyang iayos ulit ang career niya buti na lang ay umayos din siya kalaunan pero alam kong hindi pa sya maayos emotionally.

"And cut! Good job! That was excellent! Ramdam ko ang mga emosyon! Ipagpatuloy niyo yan!" Papuri sa kanila ng Director bago sila bigyan ng break.

Walang emosyon namang tumango lang doon si Cj at nang matapos kausapin ng director ay lumapit siya sa akin para kunin ang bottled water na kinuha ko kanina.

Inabot ko sa kaniya agad ito at agad naman niyang binuksan para makainom, binigyan ko din siya ng tissue para punasan ang luha niya kanina mula sa pag arte.

"Thanks." Maikling sabi lang niya ng matapos siyang uminom at dumiretso na siyang pumasok sa tent na para sa kaniya. Nakita ko namang sinundan siya doon papasok ni Alex kaya hindi ko na siya sinundan. Alam ko rin kailangan niyang pakalmahin ang isip niya.

Habang nandoon siya sa loob ay sakto namang tumawag sa akin ang isang company ng damit na ineendorse niya. Madalas kasi ako na ang sumasagot ng mga ganitong tawag dahil mas madalas na niya akong kasama dahil may mga bagong actors na kailangang asikasuhin si Alex, at wala naman akong problema doon.

"Yes hello." Pormal kong sagot sa tawag.

"Hi good afternoon, about sa schedule ng shoot ni Mr. Collins for our brand we would like to move it next week na lang. Our CEO would like to be there when the shoot starts and wala siya ngayong week kaya pina move niya next week."

Agad akong napakunot ng noo.

"Sana sinabi niyo yan last week pa!naka ayos na ang schedule ni Caious at hindi ito pwedeng magulo dahil marami pa siyang ibang gagawin!" Frustrate na sabi ko.

Magugulo ang schedule dahil sa ginagawa nila! Bakit pa kasi kailang pumunta ng CEO siya ba mag pipicture!? Tss for all I know may gusto yung babaeng CEO na yun kay Cj kaya gusto niya pumunta tss.

"I'm sorry po Miss Dixon, ngayon lang po kasi ako nasabihan na mamo-move yung shoot." Bumuntong hininga na lang ako. Kahit naman naiinis ako hindi ko pwedeng bitawan to dahil malaking brand to and kailangan ni Cj ng madaming endorsement para makabalik siya sa tuktok ng kasikatan dahil nawala iyon noong nangyare ang issues.

"Alright. Just make sure na this is the last time na mag papalit kayo ng schedule." Totoo kasing full pack din ang sched ni Cj dahil kinukuha nga namin ang lahat ng pwede niyang iendorse at samahan pang may shoot sila para sa bago nilang teleserye ni Shaira.

Nang matapos ang phone call ay pumasok ako sa loob ng tent para makausap silang dalawa ni Alex.

"May new changes sa schedule." Agad silang lumingon sa akin ng marinig ang sinabi ko.

"Why?" Si alex ang nag tanong, Kita kong pagod na nakatingin sa akin si Cj.

"Yung isang clothing brand tumawag sa akin gustong i-reschedule ang shoot next week sabi ng CEO nila." Kumunot din ang noo ni Alex.

"Bakit daw?" Takang tanong niya.

"Psh, gusto daw pumunta sa shoot nung CEO nila and next week lang daw sya available kaya pina resched. May gusto sa kaniya yung babae nilang CEO kaya gusto manood ng shoot kunwari pa yung panonoorin lang kung maayos ba ang lahat." Rolled eyes kong sabi, na tinawanan naman ni Alex. Si Cj naman ay walang paki alam na nag basa na lang ng script.

Reaching My Favorite StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon