Tahimik lang akong nakaupo at nakatulala dito sa loob ng dressing room habang inaayusan ako ni Ema. Isa sa mga make up artist na kasama namin dito. Si Clara naman na nag aayos ng buhok ko ay hindi mapigilan ang sarili na daldalin ako.
"Grabe teh! Ang swerte mo naman makakasama mo sa ganito si Cj! Tapos yung suot niya pa shocks!"
Ang una kasi naming imomodel na mga damit ay mga leather na damit at ang concept ng shoot ay para kaming motor racers. Nag ready din sila ng motor na gagamitin na props.
"Kaibigan mo din siya diba? Grabe Ikaw na talaga! P.A. ka na nga kaibigan ka pa naku hindi na ako mag tataka kung magiging mag jowa din kayo." Tuloy pa ring sabi ni Clara.
"Hindi mangyayare yun, hanggang kaibigan lang kami." Totoo kong sabi pero nakaramdam ako ng pait.
"Feeling ko nga mas bagay kayo kesa kay Shaira eh! Hindi ako kinikilig sa kanila ni Shaira diko feel chemistry." Inilingan ko nalang ang sinabi niya.
"Shh wag mong sabihin yan baka may makarinig sayo nakarating sa bruha." Seryoso kong sabi at malakas naman na tumawa yung dalawa.
Sa totoo lang hindi ko din kasi gusto si Shaira. Mabait siya kay cj pero may pag ka masama ang ugali niya sa ibang tao. Hindi sa nanghuhusga ako pero ganun ang nakikita ko o namin sa kaniya kapag kasama namin siya sa trabaho pero syempre walang nag rereklamo.
Alam ko din ang mga pinag gagagawa niya dati sa ex ni Cj kaya mas hindi ko gusto ang ugali niya.
Natapos na sa pag aayos sa akin ang dalawa kaya lumabas na ako kasama sila.
Pag labas ko ay nakatingin sa akin ang lahat kaya diko maiwasang maconscious sa sarili ko. Hindi ako sanay na ganito nila akong tignan lahat.
Nakayuko lang akong naglalakad papalapit sa pwesto ng DP. Nasa tabi niya rin ang ibang staff at sila Cj pati Alex.
Paglapit ko ay agad akong kinatyawan ni Alex.
"Wow! Grabe Ikaw ba yang Sera-ulo? Umayos pala itsura mo kapag naka pang model itsura mo!?" Agad kong sinamaan ng tingin si Alex.
"Anong Sera-ulo!? Eh kung sabunutan kita? Atleast ako gumanda palibhasa kasi sayo kahit anong gawin di na mag iiba itsura mo eh, itsurang exotic animal." Inis ko sabi.
Tumawa naman ang ibang nakarinig sa maliit naming bangayan ni Alex.
Lumingon ako kay cj at nakitang nakatingin din siya sa akin.
Pinasadahan niya ang itsura ko at nakaramdam ako ng ilang.
"Hmm pwede na rin, maayos naman di mo na hawig si Miss Minchin." Malakas na tumawa si Alex sa sinabi ni Cj. Inis kong pinalo sa braso si Cj kaya pati siya tumawa din.
"Nakakainis kayong dalawa epal talaga kayo sa buhay ko eh!" Pairap kong sabi.
"Kidding, you look amazing." Pag bawi ni Cj sa sinabi niya. Pinamulahan ako sa pisnge kaya inalis ko ang tingin ko sa kaniya.
"Miss A! You look wonderful. Sabi na nga bat hindi ako nag kakamali na piliin ka." Papuri sa akin ni direct kaya ngumiti ako.
"Naku wag niyong pinupuri yan! Baka lumaki ulo niyan tapos baka sumabog." Pag aasar pa din ni Alex.
"Alam mo ikaw Alex, kaya ka ayaw balikan ng hinahabol eh panget mo kasi kabonding." Sabi ko at sinimangutan naman ako ni Alex, rinig ko naman ang malakas na tawa ni Cj.
"Ouch bro! Real talk yun pareh!" Dagdag pangiinis ni Cj kay Alex kaya sinamaan siya nito ng tingin.
"Let's start na! Para matapos na tayo!" Sabi ni direct kaya sinunod namin siya.
BINABASA MO ANG
Reaching My Favorite Star
RomanceShe is there when the star was broken. She help him fix the scar but is she ready to break him again? She is Allenah Seraphine Dixon, the girl who always admire and love Caious John Collins, her favorite star. Choosing Love Series #2