CHAPTER 6

11 1 0
                                    

This chapter is dedicated to my best friend, Uhm part na to ng regalo ko sa kaniya, Belated happy birthday A, Love you! <33

________________________________________________________________________________

Kinabukasan ay sinundo ako ng driver ni Cj gamit ang van nito dahil malayo ang set na pupuntahan namin ngayon para sa scene na kailangan nilang itake. 

Pagpasok ko sa loob ng van ay naabutan kong pupungas pungas pa ang mata ni Cj halatang inaantok pa. Binigyan niya ako ng maliit na ngiti na sinuklian ko naman bago ako umupo sa katabing upuan na inuupuan niya.

Papasikat pa lang ang araw ng nagsimula kaming byumahe patungong Zambales.

Noong nakaraang meeting napagusapan ang pag punta sa Isang beach na kailangang ipakita sa iilang scenes.

Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng van habang nasa biyahe. Si Cj ay tuluyang nakatulog sa kaniyang upuan. Nilagyan ko siya ng neck pillow para hindi mangawit ang leeg niya habang natutulog.

Tahimik ko lamang pinagmamasdan ang dinadaan namin.

Habang nasa daan ay malayo pa lang ay kita ko na ang Billboard na mukha naming dalawa ni Cj ang nakarehistiro.

Napangiti ako ng makita na maganda nga ang mga lumabas na mga litrato.

Nilingon ko si Cj pero mahimbing pa din ang tulog niya at ayaw ko namang gisingin siya para lang ipakita iyon.

Kinuha ko ang phone ko at tahimik na kinuhaan ng litrato ang Billboard.

Habang kumukuha ng litrato ay nagulat ako ng tusukin ni Cj ang tagiliran ko.

"Sabi ko na nga ba eh kukuhaan mo ng picture yan eh!" Nangaasar niyang tinig.

Napaiwas naman ako ng mata sa kaniya.

"I-ipapakita ko kasi sayo! Akala ko tulog ka kaya ko kinuhaan para makita mo!" He chuckled.

"Wag ka na mag paliwanag sige na hahayaan na kitang ipost yan tapos ipagmayabang mong Isang Caious John ang kasama mo." Mayabang niyang sabi.

"Yabang! Diko gagawin yun noh! Asa ka!" I rolled my eyes after saying that.

"Sus! Ok lang naman wag ka nang mahiya!" Patuloy niya pa rin.

"Tumigil ka na nga! Ang aga aga Cj ahh wag mokong inisin." Mataray ko nang sabi sa kaniya pero mahina lang siyang tumawa bago ako tigilan.

Tahimik na ulit kaming dalawa nang magingay ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag sa akin.

Agad ko itong sinagot ng makita ang DP ang tumatawag sa akin.

"Hello? Goodmorning allenah!"

"Goodmorning din po. Bakit po kayo napatawag." Sagot ko. Nilingon ko saglit si cj at nakitang nakikinig ito sa akin.

"Tumawag ako para sabihin sayong magkikita tayo mamaya!" Kumunot saglit ang noo ko.

"Po? Pero wala po ako sa Manila ngayon for 1 week. Papunta po akong Zambales ngayon para sa shoot ni Cj."
Mas naging interesado na ngayon ang itsura ni cj nang mabanggit ko siya.

"Oh yes I'm aware about that. Well iha papunta din kasi akong Zambales ngayon dahil isa ulit ako sa camera director sa isang shoot nila Cj mamaya for commercial. Dinala ko na din ang contract na pipirmahan mo kaya sabi kong magkikita tayo mamaya!" Masayang sabi niya. Napatango tango naman ako.

Bukod din kasi sa shoot sa teleserye nila Cj ay doon din sa Zambales gaganapin ang commercial shoot nila.

"Ok po, magkita na lang po tayo mamaya." After that I ended the call.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reaching My Favorite StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon