Hindi makapaniwalang tinitignan ko si Cj. Anong ginagawa niya dito? Habang tinitignan ko siya ay nilapitan siya ni mommy.
"Caious! What a sudden visit! How are you!?" Tuwang tuwang sabi ni mommy niyayakap pa siya.
Nakangiti namang yumakap din pabalik si cj. "Nasabi po kasi ni Enah na uuwi siya sa inyo and naisip ko na din po kayong bisitahin."
Nanlaki ang mata ko sa tinawag niya sa akin. Binalingan ako ni Cj kitang kita niya ang gulat sa akin at nginisian niya lang ako.
Enah... She's the only one who calls me that aside from my family. Madalas niya yang itawag sa akin dati nung hindi pa nagiging sila ni Rhowela, even the twins never calls me by that name sya lang at ang pamilya ko pero simula nung nagka gf siya she stops calling me that kaya nagugulat ako ngayong ganun ulit ang tawag niya sa akin.
Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw niya. Nilapitan niya si daddy at nagmano dito kay kuya naman ay nag fist bump lang sila. Nang mas makalapit na siya sa akin ay doon niya napansin si Jerry na nasa tabi ko lang.
Tumagal ang tingin ni Cj kay jerry bago itong ibaling sa akin na may kunot na noo. Nagtaas ako ng isang kilay.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka nag sabing pupunta ka!" Nag pout siya at nilagay ang noo sa balikat ko. Naguguluhan ako sa kinikilos niya! Anong ginagawa niya!?
"I also want a weekend break..."
"Eh bakit hindi ka sa inyo umuwi?"
"Kaya ka ba umuwi dito dahil kikitain mo ang ex mo?" Tanong niya habang hindi tinatanggal ang noo sa balikat ko. Nakitang kong may naguguluhan nang ekspresyon sa mukha ng pamilya ko. Binalingan ko si jerry at ngumiti lang ito sa akin ng makitang nakatingin ako.
"Anong sinasabi mo? Umayos ka nga ng tayo!" Sinunod naman niya ang sinabi ko, Pagtayo niya ng maayos ay nag pout siya sa akin.
"Hindi ako umuwi dahil don!" Magsasalita pa sana siya ng kausapin na siya ulit ni mommy.
"Nag breakfast ka na ba cai?" Agad na tumango si Cj.
"Kumain na po ako kanina, nag drive thru po ako papunta dito." Nang matapos magsalita ay napabaling ang mata naming lahat kay kuya nang ishoot niya ang bolang hawak niya sa ring mula sa kinatatayuan niya.
"Tara na laro na tayo! Cai sumali ka na sa amin." Pag aaya ni kuya. Sumunod naman sa kaniya si daddy at jerry. Si cj naman ay bumaling muna ulit sa akin at inabot niya ang bitbit niyang gym bag.
"Panoorin mokong mabuti ha wag yung ex mo." Inilingan ko nalang siya.
Sinundan namin sila ni mommy pero nasa isang tabi lang kaming dalawa. Nag partner partner sila at ang naging magkakampi ay si cj at kuya laban kila daddy at jerry.
Habang nanonood kami ay lumapit ang isang katulong na may dala dalang mga juice. Bago maka alis ang katulong ay pinapasok ko sa kaniya ang gamit ni cj at pinadala ito sa kwarto ko, doon muna pansamantala.
Sa kalagitnaan ng laro ay nangunguna sila jerry ng ilang puntos. Nag tawag muna ng break si daddy kaya tumigil silang lahat.
Agad namang lumapit sa akin si Cj na pawis na pawis buti na lang may mga naka handang towel na pinakuha ni mommy kanina. Inabot ko ang isa kay cj, tinanggap naman niya agad.
Nakita kong wala ding towel na dala si jerry habang umiinom siya ng gatorade kaya inabutan ko na din siya kawawa naman naliligo na sa pawis eh.
"Thanks." Tumango lang ako at bumalik na ulit sa kaninang pwesto ko. Pagbalik ko ay masama na ang tingin sa akin ni Cj. Problema neto?
BINABASA MO ANG
Reaching My Favorite Star
RomanceShe is there when the star was broken. She help him fix the scar but is she ready to break him again? She is Allenah Seraphine Dixon, the girl who always admire and love Caious John Collins, her favorite star. Choosing Love Series #2