CHAPTER 1

6 3 1
                                    

Paikot ikot ako ngayon sa loob ng condo ko habang sabunot ang buhok ko.

"Pistud ka Allenah bakit hindi ka nag iisip ng maayos! Bat ka nagpadala sa sarili mo!!" inis na sigaw ko sa sarili ko.

Patuloy lang ako sa ganun hanggang sa may kumatok sa pinto ng condo ko. Nagmamadali kong inayos ang itsura ko bago harapin ang tao dun.

Nasa harap na ako ng pinto at tinignan ko muna sa peephole kung sino ang nasa labas. Nang makita ang tao dun ay napasinghap ako. Shit bakit nandito siya! 

Huminga muna ako ng malalalim bago siya pagbuksan ng pinto. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang prenteng nakatayo na si Cj.

"W-why are you here?" Kinakabahang tanong ko.

"Can I come in first?" Sabi niya pero hindi na niya inintay ang sagot ko at siya na mismo ang kusang pinalaki ang bukas ng pinto ko at tuluyan ng pumasok.

Sumunod ako sa likod niya na may kunot sa noo. Anong ginagawa niya dito? Puputulin na ba niya friendship namin?

"Ahm Cj about last-" Pinutol niya ang sanabi ko.

"Do you have food here? I'm hungry." Napatanga ako sa kaniya ng makitang lumapit siya sa kitchen ko. 

Kahit lito ay ako na mismo ang kusang kumilos para ipaghanda siya ng pagkain.

"Ahm w-what do you want to eat?" Tanong ko sa kaniya na simple lang na nag aabang ng pagkain sa island counter.

"A proper breakfast, I'm starving to death." Pagkasabi niya noon ay agad na akong kumilos.

Nagluto ako ng dalawang itlog at spam, nag fried din ako ng rice at pinagtimpla ko din siya ng coffee.

"This is all I could cook, Hindi pa ako nakakapag grocery." Tumango tango lang siya habang nilalapag niya ang mga platong kinuha niya.

"This is fine." Tahimik lang kaming umupo at nag simula nang kumain.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang titigan siya. 

"Alam kong gwapo ako pero wag mo namang ipahalatang gwapong gwapo ka sa akin." Mayabang na sabi niya na nag pa laglag ng panga ko. Umirap ako sa kaniya.

"May bagyo pala ngayon di ako nainform." Ngumisi lang siya.

"Ahm cj about last night... I know its just misunderstanding, I hope it wont affect our friendship." Diretso kong sabi.

Nasa akin na ngayon ang seryoso niyang tingin.

"Ano kasi wala ako sa sarili ko kagabi dala ng alak kaya ko nagawa yun, ahm siguro kung ibang tao kasama ko baka sa iba ko nagawa-"

Napatigil ako sa pagsasalita ng padabog niyang ibaba ang kutsara niya sa plato niya. 

"Hindi mo pwedeng gawin yun sa ibang tao." Matalim ang matang sabi niya.

"Yeah I know hindi ko naman sinabing gagawin ko yun ng kusa, What I mean is if ibang tao ang kasama ko nun na nasa ganung lagay ako baka nga sa kanila ko magawa yun." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Kahit nasa ganun kang kalagayan, I wont let you do that thing with some fucker." Napatahimik na lang ako. 

He acts like a big brother and a trusted friend na hindi ako pababayaan. Ganyan sila lagi sa akin nila Alex madalas silang protective.

"Forget what happened last night." Just like what I expected.

"And of course it wont affect our friendship." Ngumiti ako sa kaniya ng pilit.

Tinapos na namin ang kinakain namin at nag presinta na siyang mag hugas ng pinagkainan namin. 

Umakyat muna ako sa kwarto ko para makaligo at ayusin ang utak ko.

Reaching My Favorite StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon