CHAPTER 3

8 2 0
                                    

Kagaya ng sinabi ni Alexa ay dito nga sya natulog nung gabing iyon. Nag marathon kami ng isang series sa Netflix kaya halos saglit lang ang tulog ko. Hindi namin natapos ang pinanonood namin dahil pareho kaming nakatulog mga bandang 4am ng madaling araw. 

Nagising na lang ako sa malakas na alarm ng cellphone ko ng mga 7am. Medyo masakit ang ulo ko dahil 3hrs lang ang itinulog ko. 

Kinuha ko ang cellphone ko at pinatay ang alarm noon habang bumabangon. Hindi ko muna ginising si Alexa dahil mahimbing na mahimbing pa ang tulog niya.

Bago pumunta ng banyo para mag hilamos at mag tooth brush ay chineck ko muna ang schedule at mga gagawin ko ngayong araw.

Maluwag ang sched ngayon ni Cj dahil ang gagawin niya lang ay ang shoot sa isang clothing brand na namoved noong nakaraan at may meeting siya mamaya kasama sila Shaira at ang mga boss namin.

9 pa ang start ng shoot ni Cj pero kailangan kasama ko na siya ng 8:30 pa lang. Hindi namin kasama mamaya si Alex dahil may sasamahan siyang actress sa isang mall show. Mahaba haba pa ang oras ko pero minadali ko na ang paghihilamos at pag totoothbrush para makapag luto pa ako ng breakfast.

Pagkalabas ko ng cr ay hindi pa din gising si Alexa kaya hinayaan ko na siya. Gigisingin ko na lang kapag kakain na.

Bumaba na ako sa kusina para makapag handa ng breakfast naming dalawa. Naisipan ko lang na magluto ng omelete rice at nagtimpla ako ng kape. 

Habang nagsasalin ng mainit na tubig ay nakarinig ako ng doorbelle sa pintuan ko.

Iniwan ko muna ang kape ko na hindi ito nahahalo at dinaluhan muna ang pinto ko.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Cj na may maaliwalas na mukha. Kumunot agad ang noo ko dahil wala naman siyang sinabing pupunta siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Nung nakaraang punta niya din dito ay yun din ang una kong bungad sa kaniya. Nakakagulat naman kasing pumupunta siya dito eh hindi naman niya gawain yun dati. 

"Wala makikikain lang ng breakfast tyaka para sabay na tayong pumunta sa shoot mamaya." 

"Bakit wala ka bang pagkain sa unit mo? Kawawa ka naman." Pinatuloy ko na siya sa loob .

Binalikan ko ang kape ko na naiwan at pinagpatuloy na ang paghalo doon, nakasunod naman siya sa akin.

"Wala eh hindi pa ako nakakapag grocery." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Eh bakit di ka pa sumabay ng grocery sa akin kahapon?" Kausap ko siya habang abala siya na timplahan ang sarili niya ng kape.

"Samahan mo nalang ako din ako mamaya after ng meeting." Nagkibit balikat na lang ako.

"Dala mo sasakyan mo?" tanong ko pa din dahil wala akong nakitang susi na hawak niya or baka nasa bag na niya.

"Hindi nagpahatid ako kanina kay manong ed para sayo na nga ako sasabay mamaya tapos hatid mo din ako pauwi tutal sasamahan mo naman ako mag grocery." Umawang ang labi ko sa kaniya. Edi buong araw ko pala talaga siyang kasama hanggang sa pag uwi pa.

"Ayos ka ahhh, Ikaw ba nag babayad sa Gas?" Taas kilay na sabi ko sa kaniya pero tinawanan ako.

"Edi sagot ko na Gas mo mamaya HAHAHAHA." Napa tss na lang ako. 

Akma ko nang gigisingin sana si Alexa para makasabay na siya sa amin kumain pero nauna na itong magising at nakapag hilamos na din siya.

"Aga aga andito ka agad? Nambuburaot ka ba ng breakfast?" Si alexa habang papalit palit ang tingin niya sa amin ni Cj. Huling lingon niya sa akin ay pinagkibitan ko siya ng balikat.

Reaching My Favorite StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon