CHAPTER 16

13 1 0
                                    

Magazine


Nanlumo ako sa sinabi ni Ana, umiyak itong yumakap saakin,natawa tuloy ako.

"Dapat ako ang umiyak "

Tinapik ko siya sa balikat niya.

"Hindi ako makapaniwala,alam ko kung gaano mo iyon pinaghirapan halos wala kang tulog dahil sa pagrereview mo doon , sumasali pa si  sir Persues , nanghihingi pa iyon mg oras sayo,kaya hindi ako naniwala, impossible iyon paano nila iyon kinancel at bakit sila nagkamali"

Naisip ko rin namang impossible talaga,paano ng yari iyon e pinost nanila kaagad, impossibleng magkamali sila,pero sinabi na nila nanagkamali sila,nasabi ko pa naman lay mama, naisip ko ang sinabi niyang maliit nalang ang babayaran, nagpapasalamat nga ako at nagtratrabaho ako, sobrang mahal ng bilihan sa manila,ulam ,bigas mga kailangan bilang babae,kaya hindi ko maisip kung wala akong trabaho.

"Okay lang wala natayong magawa nun"Malungkot man pero seguro hindi talaga iyon para saakin,masakit isipin,sana hindi nanila ako pinaasa,pinaasa nila ako ,naniwala ako sa kanila.

"Hindi ako makapaniwala"

Napabuntong hininga nalang ako, pagod na pagod akong umupo,mayamaya pa ang tapos ko sa trabahong ito kaya nagulat ako ng nilapitan ako ng manager namin,nakangiti ito saakin. Sinundot pa ako nito ng nakalapit siya saakin.

"Pwedi kanang umalis"

"Ha?Bakit may oras pa po ako?"

Winagayway pa ang kamay nito sa harap ko.

"Naku binayaran kana ng  gwapo para lang daw makasama  ka sa araw nato,ang swerto mo ha, sabagag mala dyosa ang ganda mo"

Hindi ko siya naiintindihan anong pinagsasabi niya,binayaran ,sino naman?
Tumili si Ana pagpasok palang sa staff room pero nilgay nito kaagad ang kamay nito sa baba nang makita ang manager namin.

"Hahah sorry po,may sasabihin lang sana ako kay Dove sir"Halos hindi na siya mapakali , tumango naman ang manager namin.

"Segi pero bilisan mo yan may naghahanap sayo sa labas"Tumango ako ,talon ng talon si Ana ng nakalabas ang manager namin.

"Oh my god!Lumabas kana dumating nasi papa Persues mo!

Sumikdo ang puso ko sa sinabi niya akala ko magtatagal pa siya doon,dahil narin sa nangyari kagabi saamin.

Tinakbo ko na ang labasan, pagkalabas ko palang nakita ko na siya,naka long sleeves ito ng white, tumayo ito ng makita ako, patakbo ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit, napaiyak pa ako,binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya,nakakahiya ako,pero miss na miss kona kasi siya.

Naramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko,hinahagod ito.

Tiningala ko siya ng napunasan na ang luha ko habang mahigpit na nakapulopot ang kamay sa baywang nito,ganun rin naman ang ginawa niya.

"Kailan kalang umuwi,bakit di mo sinabi ?"

Hinawakan nito ang mukha ko,napapikit tuloy ako,miss na miss ko na siya.

"Ngayon palang ,dumaretso naako dito"

"Hindi kana babalik doon?"Malambing kung tanong,nakita ko ang pagngiti niya.

"Babalik ako don"Niyakap ko na siya ng mahigpit, nakaramdam ako ng bigat sa puso pero ,inalo ko nalang ang sarili Kona okay lang kung ganun basta umuwi lang siya

"Joke lang,hindi na , tapos na ang problema ko doon".

Inis ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya kahit ang sisitema ng katawan ko at  sobrang saya.

The HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon