Kanina pa umiihip ng malakas ang hangin. Bukod pa ro'n, kita at ramdam 'ko na ang kakaibang dulot ng pagdilim ng langit. Parang kaninang umaga lang ang maaliwalas 'yan pero ngayon, kulang na lang ay bigla kaming bagyuhin.
Simula nang makita niya yung lalaking yun ay bigla na lang nagkaganito ang langit. Konti na lang talaga maniniwala na ako na nakabase sa nararamdaman niya ang panahon.
Pinanood 'ko ang paglalakad niya papunta sa dalampasigan. Umabot na ang tubig sa paa niya at walang alinlangan niyang nilublob ang sapatos at beige niyang pantalon. Parang nawala sa isip niya kung gaano kamahal ang ginastos niya para sa mga suot niya ngayon. Tulala lang siya sa dulo ng dagat habang nakapasok sa bulsa ang mga kamay niya.
Ang sarap niyang panoorin. Pakiramdam 'ko, nabubusog ang puso 'ko sa tuwing ganito ang eksena niya. Depende na lang talaga kapag nagsasalita ang walang modo niyang bibig. Kapag nangyayari yun, gusto 'ko na lang siya tapalan ng masking tape.
Hinangin ang buhok niya kaya inangat niya ang kanang kamay para ayusin ang nagulong buhok nang lumitaw ang kumikinang na kadena sa kanyang pulsuhan. Kadena. Bumaba ang paningin ko sa kamay ko at nakita rin ito sa pulsuhan ko. Parehong-pareho ang mga kadena namin sa katawan. Parang tanga pakinggan pero naaakit ako sa tuwing makikita 'ko na parehong may kadena ang kamay namin. Pakiramdam 'ko... hindi na ulit ako mag-iisa.
Ano bang meron sa lalaking nakita namin kanina para magkaganto si Calypso? Magkakilala ba sila? Meron ba silang history? Connected din ba sila? Pakiramdam ko mamamatay ako dahil sa curiousity kapag hindi ko nalaman kung ano bang meron sa kanilang dalawa.
Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya pero hindi pa man din ako nakakalapit ay lumingon siya agad sa 'kin. Huminto ako para salubungin ang mapanghusga niyang mga mata. Matagal niya akong tinitigan at hindi rin naman ako nagpatalo, tinitigan ko rin siya.
Bumuntong hininga siya bago iiwas sa akin ang mga mata. "Don't get close to that man. He's nothing but trouble, Iris Selene." Babala niya.
Tumango ako dahil Rule number Two: Always obey the Guardian. Wala naman akong choice kundi sundin ang mga batas niya.
"Sino ba 'yon?" Bumalik sa akin ang tingin niya nang maglakad ako palapit sa kanya.
"No one." Matigas niyang sagot at iniwas ang tingin sa 'kin nang malapitan siya. "Don't mind him." Tumango ulit ako dahil wala naman akong choice. "He's a stubborn man, Iris Selene. He will try to talk to you again." Galit ang boses niya at sinasaktuhan 'yon ng kulog at kidlat sa langit.
Kaya pumunta ako sa harapan at hindi nga ako nagkamali. Kunot na kunot ang noo niya na para bang any minute ay manununtok siya. Mukhang napansin niya ang ginagawa kong pagtitig sa kanya kaya iniiwas niya ang mukha sa akin. Ilang beses niyang ginawa 'yon bago ko hawakan ang pisngi niya para iharap sa akin.
"Ginalit ka niya..." wala sa sariling bulong 'ko, "gusto mo bang resbakan 'ko?"
Nanlaki ang mga mata niya ng ilang segundo bago napalitan 'yon nang pag-iling niya. "Pfft." Tinanggal niya ang kamay ko sa pisngi niya bago ako hawakan sa balikat at paharapin sa dagat. "I do not know if you're just brave or stupid."
"Ginalit ka kasi niya!" Sinubukan kong pumiglas sa pagkakahawak niya. "Lintik lang ang walang ganti!"
YOU ARE READING
Odd One Out
FantasyBeing the odd one never scared the shit out of Iris. Being alone in the middle of the crowd doesn't bother her. Her bullies were not enough to make her stop doing what she wanted. Being the odd one never fascinates her but when the moon decided its...